Napa angat ang ulo ni Michael nang maramdaman ang pag tapik ni Mira sa balikat niya. Nakita niya ang naka ngiting mukha ng dalaga.


"Ayos lang 'yan."


Ngumiti na lamang pabalik si Michael. "Sige Mira, sa kwarto muna ako...may part time job pa ako mamaya diba."


Tumango ang dalaga sa kanya. Umalis na rin si Michael sa kusina at nag punta sa kwarto.


Samantala, sa kwarto ni Allen. Nang makarinig ng katok ay agad napangiti ang binata. Mabilis siyang tumayo sa kama at binuksan iyon.


"Mich---" hindi naituloy ni Allen ang sasabihin nang hindi si Michael ang nakita niya kundi si Hazel. Agad napawi ang ngiti sa labi ng binata.


"Why are you holding that?" malamig na tanong ni Allen at tinutukoy ang tray na may lamang pag kain.


Inosenteng tumingin sa kanya si Hazel at ngumiti. "Ahmm...your gardener asked me to bring this to you, he said that he has something more important to do. And since I'm not doing anything I just agreed."

Napakunot ang noo ni Allen at inisip kung ano ang more important to do na sinasabi ni Hazel na gagawin ni Michael.


"Give it to me." Nag tatakang napatingin sa kanya si Hazel at inabot ang tray. Pag kakuha niya ng tray sa dalaga ay pinag sarahan na niya 'to ng pinto at nilock iyon.

Dinala na niya ang tray sa lamesa at nag umpisa ng kumain. Bigla ay pumasok sa isip niya ang nangyari ilang araw na ang nakakaraan.


Inis na inis na si Allen habang nakatingin sa cellphone niya. Mag aalas-syete na at hanggang ngayon ay wala pa rin si Michael. Kanina pa dumating ang driver nila at hindi ito kasama.


Nang tinanong naman ni Allen ang driver ay sinabi nito na gagawa pa daw ng project si Michael. Lalong nadagdagan ang pag kainis niya ng hindi manlang nag sabi sa kanya ang binata.


Hindi rin naman nag rereply ito sa mga text niya na lalo niya pang ikina-inis. Padabog na nilapag niya ang phone sa lamesa at nahiga sa kama.


Maya-maya ay nakarinig siya ng katok sa pinto. Agad naman niya iyong binuksan sa pag aakalang si Michael 'yun. Pero ganun na lamang ang pag ka dismaya niya ng si Hazel ang makita. Ang babaeng pinaka ayaw niya ng makita.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya at pilit kina-kalma ang sarili

"Can I talk to you please?" tanong ng dalaga. Allen gritted his teeth.


"And why would I talk to you?"

"Please? I want to fix the things between us." she said almost pleading.

Allen inhaled as he closed his fist. "Fine."


Ngumiti naman ang dalaga at tuluyan ng pumasok sa loob. Tumalikod naman si Allen na nakalimutan ng isarado ng ayos ang pinto.


"Speak."

"I'm sorry for everything I've said 7 years ago. I didn't mean that and I know I've hurt you so much, but please I want to let you know that I regretted it."


he sarcastically laugh. "Oh you do?"


"Yes...You know me All... I-i just said that because of shock. And..."

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora