CHAPTER 4

76 14 1
                                    

SOMEONE'S POV

"Hon, bakit ba ang aga aga andito ka? At ang init pa ng ulo mo?" agad kong bulyaw sa nobyo ko na daig pa ang business man sa pagkabusy.

"I was wrong Jess!!" frustrated na sabi nito.

"Where?"

"Akala ko madaling pasunudin ang babaeng yon! Ang tigas ng ulo! Laking ibang bansa sya pero napaka conservative na tao!" tuloy tuloy at gigil na gigil na sabi nito saakin.

"Hon ano ba sabi ko sayo?!Sabi ko ako nalang isalang mo!"

"Naririnig mo ba sarili mo jess?Ung tinginan nga ni Mr.Xue sa babaeng yon malagkit na!Ayokong tignan ka din nila ng ganoon, ayoko makaaway si Mr.Xue!"

"Hon-

"Tatapusin ko nalang ang kontrata ko Jess, kapag nag sucess itong Deep Throat movie na ito, aalis na ako at mag papakasal na tayo." tumayo na ito saka ako niyakap.

............... ******  ..............

Asher's

Antagal naman ata ni ge?malalate na kami sabi nya may dadaanan lang sya.

"Hello babe im sorry im late, gusto ko din sana mag sorry about yesterday. Let's go?" agad ako ngumiti at umabrisiete sa machong braso nito.

Habang tumatagal, lumalalim ang pagmamahal na meron ako para kay Gerald. Napaka Boyfriend material nya. Ano pangaba mahihiling ko?

Nasanay na din ako sa mga damit na sinusuot ko, halos makita na ang kaluluwa ko sa mga damit na iyon pero mahal ko si gerald kaya hinahayaan ko. Pero kahit mahal ko si gerald hindi pumapasok sa isip ko na ibigay ang pinaka iingatan ko. Nagpapasalamat din ako at nirerespeto nya ako kaya hindi nya ako pinipilit ibigay ang bagay na iyon. Hindi sya sa bahay natutulog dahil may lakad sya tuwing gabi.

"Babe listen, may first customer ka, sasama kalang sakanya at lilibangin mo siya, huwag mokong ipapahiya asher, para sa future din itong ginagawa natin, understand?"

"Wait, ge bakit naman ganun? Akala ko ba modeling lang role ko dito? bakit may customer?Hindi ako prostitute ge, matinong babae ako!" angil ko dito.

Pero hindi na ako pinansin nito at may kinausap sa telepono.

"Hello Sir? Yes,ngayon na, ipapahatid ko sya." sabi ni gerald bago ibaba ang tawag.

"Gerald bakit pansin ko habang tumatagal nagiging baboy ang trabaho ko?"

"Mas malaki naman ang sweldo"

"Pero babe wala naman akong natatanggap! hindi pa aabot sa limang libo ang ibinibigay mo saakin!"napapitlag ako ng hampasin nitoang manibela.

"NAGREREKLAMO KA BA?!" nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin saakin.

Hindi na ako sumagot hanggang sa makarating kami sa isang park. May nakita akong lalaking nakatalikod. Ibinaba na ako ni gerald pero hindi ako nito pinagbuksan ng pinto. Hindi na din nya tinignan sino ang lalaki basta sabi nya intayin ko sya dito mamayang alas siete.

"M-mr. F-faulkerson?" laking gulat ko nang humarap ang lalaking nakatalikod, anong ginagawa nya dito.

"Surprise?" seryosong sabi nito saakin. Hindi ko talaga alam bakit inis ito saakin.

"anong ginagawa mo dito?"

"Ako first customer mo, let's go?"

"Saan tayo pupunta?"

"Sa penthouse ko."

Kanina pa kami bumabyahe anlayo naman ata. Pero huminto ito sa isang malaking building. Bababa na sana ako pero pinigilan ako nito. Nagulat ako nang lumabas ito at pag buksan ako ng pinto. Hindi pa ako nakakamove on sa ginawa nya, ginulat nanaman nya ako. Hinawakan nya ang kamay ko na akala mo magkasintahan kami.

"Good Morning Sir." bati ng receptionist saamin, tumango lamang ito.

"Jess, cancel all my appointments today." tumango lamang ang babae saka yumuko na.

Pagdating namin sa loob namangha ako, ang ganda ng pagkaka arrange ng mga gamit, at alam mong lalaki ang may ari dahil sa kulay nitong black.

"Maupo ka muna dyaan, mag luluto ako." nagulat ako sa presensya ni mr. faulkerson

"You cook?" tanong ko, ngumiti ito saakin saka tumango, ang gwapo nito tignan kapag naka apron.

"Papanoodin nalang kita habang nag luluto. Mukhang masarap ka mag luto"

"Syempre, chef ata toh" and he winked at me. Napaka jolly nitong lalaki, masaya kasama.

"Ano niluluto mo? Ang bango naman"

"Come here, tuturuan kita iluto ang sauce ng lasagna." lumapit naman ako kaagad dito, nagulat ako ng isuot nito saakin ang isa pang apron, amoy na amoy ko ang mabango nitong pabango. Itinali din nito ang buhok ko, saka ako nito tinitigan, naiilang na ako.

"A-ah d-diba magluluto t-tayo.?"

"Ah oo naman, ganto gagawin mo." dinampian ako nitong halik sa labi na ikinagulat ko, nakangiti lamang ito ng pumwestosa likod ko saka ako tinuruan mag halo ng sauce.

Tawa kami ng tawa habang inililigpit ang mga pinag gamitan sa pag luluto. Napaka joker kasi ng lalaki na ito. Kasalukuyan kaming nasa balkonahe, mahangin dito kaya masarap mag kwentuhan.

"Tell me about yourself." paunang tanong ng lalaki saakin.

"Hmmm Asher Lovelace name ko, 20 years old. Sa sanFo kami nakatira, umuwi lang kami dito para tirahan ung bahay ni lola carmen na pamana na saamin. Im from a wealthy family, pero nakilala ko si Gerald, nagbago lahat, mahal ko si gerald kaya pumayag ako sa trabaho na ito kahit kita na halos kaluluwa ko.

"Make sure tamang tao ang pinag alayan mo ng pag mamahal mo asher. Well I'm Matthias Faulkerson, from USA." seryosong linyahan ni matt saakin.

"Napaka seryoso mo naman matt, wala kabang girlfriend?" pag iiba ko ng topic.

"Meron....... before. Well may nagugustuhan ako ngayon pero kailangan ko alamin lahat lahat sakanya. Ayoko nang nangyayari sakanya ngayon, she's too good para tratuhin ng ganoon ng lalaki."

"Okay okay di ko na tatanungin sino yan, napaka seryoso mo" tawa ako ng tawa kaya natawa na din ito saakin

"Nakakahawa naman tawa mo, you're more beautiful when you're laughing."

"Sus bolero ka din pala"

"You don't know how beautiful are you don't you? Well you're almost perfect."

"Ansarap pala tumambay dito sa balcony mo" pag iiba ko sa topic namin.

Alas sais ng gabi ng mag hapunan kami ni matt at tawa kami ng tawa sa mga corny jokes din namin. Ang gaan gaan nya kasama, sana siya nalang ang minahal ko. what? kung ano ano na naiisip ko nahihibang nako talaga. Siguro dala lang ito ng inis ko kay Ge.

"So, see you next time matt" nakangiti kong sabi. Natatanaw ko na ang kotse ni ge at tinawag na ako nito paalis na ako ng hablutin ni matt ang kamay ko.

"Wait for me asher, makikita ko din ang genuine smiles at laughs mo." at umalis na ito.

Napaka misteryoso naman ng lalaking yon.



LOVELACEWhere stories live. Discover now