Chapter 1.3 Zerin

13.8K 138 10
                                    


Chapter 1.3 Zerin

Hindi ko alam pero sa tuwing sasapit ang araw ng Biyernes ay parang tinatamad akong pumasok sa school. Ang kaso, wala rin naman akong magagawa dahil kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Isang taon na lang naman kaya pinagtitiyagaan ko na. Mabilis na rin naman lilipas ang panahon.

Nandito ako ngayon sa Library. Gusto ko sana ng tahimik na lugar, ang kaso nagkamali ako. Katahimikan sana ang pinunta ko dito pero kung ano-anong ungol ang naririnig ko. Sanay naman na ako sa ganitong mga pangyayari. Sa ilang taon ko ba namang nag-aral dito, bakit hindi pa ako masasanay? Bulgaran ang mga ginagawang pagtatalik dito. Hindi ko alam kung paano ito nauso at kung bakit wala naman ginagawa ang mga tagapanguna ng school na ito. Marahil ay liberated rin ang may-ari nito, hindi ko na inalam. Pangalan pa nga lang ng school kakaiba na, maganda naman ang pangalan, "Nigriv University" parang sosyal? Pero ang kabaliktaran ay Virgin. Kaya siguro binaliktad para ang maging meaning ay kabaliktaran rin ng pagiginh virgin na ang ibig sabihin ay De-virgin, mga taong hindi na birhen. Nakakatawa pero ako lang naman ang nag-isip niyan dahil na rin sa aking mga nakikita.

Kung usapan Edukasyon lang naman ay wala kang masasabi. Kahit sa loob ng mga silid ay masasabi mo na matatalino ang iyong mga kasama pero kapag tapos na ang klase ay ibang usapan na. Makakakita ka ng iba't ibang uri ng ari ng babae, ari ng lalake, suso ng babae, suso ng lalake. Mayroon pang may malaking suso pero may ari ng lalake, may mukhang lalake pero may ari ng babae. Kakaiba talaga.

"Zerin!" napalingon ako sa aking kanan nang marinig ko ang aking pangalan. Si Mitch pala, ang matalik kong kaibigan. Lumapit siya sa akin. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!"

"Gusto ko sana ng tahimik na lugar kaso may nagkakantutan ata doon sa likod." mahina kong sabi sa kaniya.

Napangiti ang gaga. "Tara tignan natin!"

"Ayoko nga."

Umupo siya sa tabi ko. "Ang baduy mo talaga. Sayang yung tinatago mong ganda kung hindi mo ipapakita. Tignan mo nga, halos nakabalot yang damit mo sayo. Hindi ka man lang maglabas kahit kaunti!"

"Lagi mo na lang ako kinukulit. Mas komportable ako sa ganito, mga jacket. Ayoko ng tulad sayo, labas na suso mo!"

"Asset tawag diyan bes! Haha." hinawakan niya na ang kamay ko. "Tara na, kain muna tayo. Gutom na ko."

Ayoko man sana gumalaw-galaw pero wala na akong magagawa. Kapag sinimulan niya na akong hilain, wala na akong palag sa kaniya. Kaya kung minsan kung saan-saan na ako nakakarating nang dahil lang sa paghila niya sa akin.

Sa aming dinaraanan. Wala kang ibang makikita kung hindi ang pag-uulayaw ng bawat isa. Wala naman masyadong bulgar bukod lang sa mga naghahalikan ang bawat isa. Babae sa lalake. Lalake sa lalake. Babae sa babae. Pinagmamasdan lang namin sila sa kanilang mga ginagawa, ang kaso yung kaibigan ko gusto atang makisama sa kanila.

"Nakakainggit. Iba na yata gusto kong kainin bes." nakatitig pa rin siya sa mga naghahalikan. Hindi ko rin siya masisisi dahil karamihan ay mga gwapo.

"Tigilan mo ko sa kakaganyan mo. Nagutom ako kaya kakain tayo ng pagkain."

Wala naman siyang nagawa kundi ang tumingin na lang. Binaybay namin ang corridor na may pagpipigil sa kaniyang nararamdaman na libog. Gustuhin man niyang sumunggab ay mahigpit naman ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Nang marating namin ang canteen ng paaralan na ito ay agad kaming umorder ng aming kakainin. At humanal na kami ng aming uupuan. Dito wala namang pag-uulayaw na nangyayari. Bukod sa klase, ito ang pinakamagandang tambayan kung ayaw mong makakita ng mga bagay na hindi mo gusto.

"Alam mo bes. Sayang yung kagabi, hindi man lang ako nacheck-in! Haha." sinimulan niya ng kumain.

"Kayo e. Inatake agad kayo ng libog. Pero ayos na yun kesa maghintay pa ko nang matagal." sinimulan ko na rin kumain.

Virginity For SaleWhere stories live. Discover now