FIGHT EIGHTEEN

Depuis le début
                                    

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. Kung tutuusin, sa aming tatlo nina Zia, siya ang pinakamabait. Wala kang masasabi sa ugali ni Jelly, wala kang maipipintas.

"Should we say thank you?" malamig na saad ng boyfriend ni Avery.

Bagay na bagay talaga ang ugali nilang dalawa.

"Coming from you? Na halos hindi na maimulat ang mata dahil sa sakit? Kung hindi naman dahil sa kapatid mo malamang ay nauna ka nang mamatay sa kanilang dalawa," sagot ni Jelly na tinignan si Agatha.

"Kung hindi kayo marunong makisama, bukas na bukas rin ay umalis na kayo rito. Wala kayong dadalhin dahil wala naman kayong naitulong dito," saad ni Jelly at gamit ang kaliwang kamay ay tinabig nito ang bruhildang si Avery na nasa pinto.

Tumama ito sa katawan ng boyfriend niyang masama rin ang ugali.

Naunang pumasok si Jelly na sinundan ni Zia.

"Agatha," tawag ni Archer sa kapatid nito.

Nakita kong masama ang tingin ni Agatha sa magkasintahan.

"Umalis kayo bukas, basta ako, dito lang ako!" saad nito at pumasok na rin.

Naiwan kami ni Niall at nitong magkasintahan na mabantot ang ugali.

"Be thankful na bukas pa kayo gustong paalisin ni Jelly," saad ko na nakatingin ng diretso sa dalawa.

Kung ako lang ang tatanungin ay ngayon din papaalisin ko sila at hayaang pagkaguluhan ng mga zombie.

"Etong kinatatayuan niyo ay pagmamay-ari ni Jelly. Magpasalamat na lang kayo dahil pare-parehas lang niya tayong kinupkop," ani ko at umirap.

"Pumasok ka na Queen, aayusin ko muna 'tong garahe," bulong sa akin ni Niall na tinanguan ko.


NAIANGAT ko ang aking tingin nang maupo si Jelly sa aking harap.

"Momma Jelly," tawag dito ni Jay na nakaupo sa kaliwa nito at ang nasa kanan ay si Zia na sunod-sunod ang subo. Kahit kailan talaga hindi pahuhuli sa kainan ang babaeng 'to.

"Yes, Baby Jay?" Nakangiting baling nito sa bata. Parang walang nangyari at bumalik ang dating Jelly.

"Magiging zombie ka po ba?" malungkot na tanong ni Jay.

Ngumuso si Jelly at binitawan ang hawak na kutsara.

Humarap ito sa bata at sinapo ang matambok na pisngi.

"Nag-iba ba mukha ni Momma Jelly?" tanong ni Jelly at muling ngumiti sa harap ng bata.

"Hindi po. Pagagalingan ka naman po ni Mommy Queen at Tito Niall 'di ba? Doktor kasi sila," saad ni Jay at lumingon sa akin.

"Nakayod lang naman 'yang braso ng Momma mo sa gilid ng screen. Bata bata mo pa, OA ka na," sagot ko at umiling.

Unang kita ko palang sa sugat ni Jelly alam kong hindi iyon kagat ng zombie. Una, wala namang bakat ng ngipin ng zombie, pangalawa ay pahaba ang sugat niya at medyo malalim. Kung nakalmot naman iyon ay hindi lang isang sugat iyon kundi marami at hindi iyon dudugo ng malakas.

"Lilinisin ko na lang 'yan mamaya pagtapos nating kumain," saad ko na tinanguan ni Jelly.

Sinulyapan ko si Archer at nahuli ko itong nakatingin kay Jelly.

Sarap nilang pag-untugin ni Avery. Mga walang utang na loob.

"Oo nga pala, paano kayo nakapasok sa presinto, Agatha?" tanong ko kay Agatha na katabi ni Zia.

"Ah iyon ba, doon talaga ang punta namin. Daddy namin ang chief police and before he died may sinabi siya sa amin na dapat naming kunin sa opisina niya. Kaso ayon, minalas kami. Lima kami eh, kaso naging zombie yung dalawa naming kasama," paliwanag nito na nagpakunot ng aking noo.

"Sobrang importante ba ng pinapakuha ng Daddy niyo at sumugod kayo rito? Saan ba kayo nakatira?" tanong ko na nanatiling nakakunot ang noo.

"Sa US," sagot nito.

Nalingon namin si Jelly nang lumikha ng ingay ang kutsarang nabitawan nito.

"Pumunta rin kami rito para iligtas yung mga survivor two years ago na hindi nagawang iligtas nina Daddy noon kasi namatay agad sila ora mismo," malungkot na saad ni Agatha.

Ibig sabihin ay isa sa mga magliligtas sa amin noon ay ang Daddy nila ngunit nasawi ito.

"Talaga? Bakit ngayon lang?" singit ni Jelly na nakatingin lang sa kanyang pagkain.

"Masyado kasing mahigpit ang General ng US Army," maikling sagot ni Agatha.

Umismid ako at umiling.

"Imbes na kayo pala ang mag-ligtas sa amin ay kami pa ang nagligtas sa inyo." Nakangising ani ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglaki ng mata ng kuya ni Agatha, ganun din ang nahuli.

"I-Ibig sabihin...."

"Kami lang naman 'yong survivor na tinutukoy niyo na inabandona ng mga sundalo," tuloy ko sa sinasabi ni Agatha.

Mapaglaro talaga ang mundo. At hindi ba'y masyado nang huli ang dalawang taon para iligtas pa kami.

Ang nakatatawa pa ay kami pa mismo ang nagligtas sa kanila imbes na kami ang iligtas nila.



@senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant