Kadiliman.
'Yan ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. Kinapa ko ang mata ko at naramdaman ang benda na nakapalibot dito.
Bakit may benda? Anong nangyari? Wala akong maalala.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Gaano katagal na ako dito? 'Di ko maiwasang maiyak dahil sa kawalan ng ala-ala.
Pinilit kong bumangon sa hospital bed na kinahihigaan ko. Nasa ospital ako. Pamilyar ang amoy nito kaya kahit 'di ko makita alam ko kung nasaan ako. Rinig na rinig ko ang tunog ng mga aparato na nakakabit sa akin. Sinubukan kong tanggalin ang swero ko nang may narinig akong tumikhim.
Narinig kong naglakad ito papunta sa akin kaya naging alerto ako.
"Sino ka?" Tanong ko at nagpalinga-linga dahil hindi ko alam kung nasaang parte siya ng kwarto. Kinapa ko ang higaan para maghanap ng bagay na pwedeng gamitin ko kung sakaling masamang tao ang nasa harap ko pero wala akong nakapa. Great. Naramdaman kong tumigil siya sa gilid ng higaan ko.
"Don't be scared. I'm Casimir but you can call me Imir." A man? Casimir? "My boss is the one who brought you here. I'm glad you're finally awake." pagpapatuloy nito. Ramdam ang pagkatuwa sa boses niya.
"Bakit ako nandito? Wala akong maalala. Gaano katagal na ako dito? At saka bakit may benda ang mata ko? Bulag na ba ako?" sunod-sunod na tanong ko dito.
Narinig kong bumuntong-hininga ang lalaki, "Maybe you should wait for my boss, he's on the way. He'll answer your questions, but for now I'll call the doctor to check you."
Narinig kong naglakad na siya palabas ng kwarto pero narinig kong bigla itong tumigil.
"Just wait here. Don't do anything stupid while I'm gone." nakita niya siguro kanina ang tangka kong pagtanggal sa swero ko.
Tumango na lang ako at narinig ko ang pagsara ng pinto.
Humiga na lang ako ulit. Wala naman akong mapapala kahit subukan kong umalis dito. Wala akong makita kaya 'di rin ako makakalayo.
Maya-maya lang narinig kong bumukas ang pinto. Si Casimir na ata 'to kasama ang doctor.
"Casimir? Is that you?", umupo ako at humarap sa gawi ng pintuan. Narinig ko ang yabag niya papunta sa akin at naramdaman kong umupo siya sa kaliwang parte ng higaan ko.
"Casimir? What are you doing? Where's the doctor?", pagkatanong ko nito naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinagkan ito. Doon ko lang napagtanto he's not Casimir. His hands are rough but he's holding my hand gently. Ramdam ko ang konting panginginig nito at ang paghigpit ng hawak niya.
"Hi" ,bati ko dito dahil nabigla ako sa paghawak nito sa kamay ko. "Who are you? Are you Casimir's boss?", natigilan ako bigla dahil naramdaman kong may pumatak sa kamay kong hawak pa rin niya.
Is he crying? Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa 'di malamang dahilan.
Rinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Parang kung 'di niya hihigpitan bigla akong mawawala.
'Di ko rin tuloy maiwasan na maluha. Kahit wala akong maalala kung sino siya, ramdam kong may koneksyon kaming dalawa.
"I'm sorry." pagkasabi niya nito naramdaman kong pinunasan niya ang kamay ko. His voice is so manly. His deep baritone voice brings comfort to me and I don't know why. Naramdaman kong nakatitig lang siya sa akin. "Imir told me you don't remember anything. Is that true?"
Tumango ako bilang sagot. I heard him sigh heavily. I don't know how close we are to each other, but I can smell his breath even without leaning forward to him. Naramdaman kong hinawi niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.
"It's okay. I'll do anything for you to remember me, wife." After he said that naramdaman kong may sinuot siya sa aking daliri. A ring.
--
Author's Note (A/N)
Trigger Warning. Some chapters contain scenes that could trigger trauma and/or self-harm.
Read at your own risk.
This is an ongoing story. If you like authors who update every day, you are free to read other stories, but if you're a patient reader, I'll do my best to make your wait worthwhile. Thank you and also, this is my first time writing a story so don't expect much and feel free to criticize me. Just don't be a b**ch. Love y'all :)
Anyway, please excuse my story cover I'm not good at taking pictures and editing.
Disclaimer: This is pure fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.
This is a Taglish Story.
BINABASA MO ANG
IKIGAI
General FictionI'll make you remember me, wife." - Kyros Villan Trigger Warning. Some chapters contain scenes that might trigger trauma.
