Chapter 14

5.7K 78 9
                                    

LATE na 'ko nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip. Pag-iisip na kung pano ko ba pipigilan 'tong nararamdam ko towards Nathan. Hindi naman siguro ako ganong mahihirapan na pigilan ito. Simpleng attraction pa lang naman siguro 'to. Oo, tama. Attraction lang 'to. Marahil ay kaya ko lang siya nagustuhan ay dahil siya ang madalas kong kasama at kausap. Naisip kong iwasan nalang siya. Na wag ng ganong pansinin ang mga sinasabi at pinapakita nya.

Siguro kaya lang ito malambing sa akin ay dahil parang kapatid na rin ang tingin nito sa akin. Ang isipin nga lang na kaibigan lang ang tingin nito sa akin, nakakaramdam na 'ko ng kakaibang sakit. Yun pa kayang ituring lang ako nito na parang isang kapatid. Bahala na. Iiwasan ko nalang ito. Para na rin sa sarili ko. Para na rin sa pagkakaibigan namin. They say friendship is more than important over love. That's why I'm choosing our friendship over love. Pero teka? Hindi pa naman siguro 'to love, diba? This is just a simple attraction. Yun lang.

At dahil late akong nakatulog kagabi late na rin ako nagising kaya absent ako sa first subject ko ngayong araw. Si Nathan naman? Ayun, gaya ng sinabi nya kagabi, excited siyang pumasok kaya nandun na ito sa school ngayon. Hindi man lang ako hinintay. See? Ganon lang kadali para dito ang iwan ako. May pasabi-sabi pa itong Wag kang mag-alala, hindi ako papayag na maiwan ka. Kasi ako? Hindng-hindi kita iiwan. Utot nya!

Bumangon na 'ko dahil kailangan ko pang magready for my 2nd subj. Magluluto pa 'ko. Haaay! Ops! Teka, hindi nga pala ako marunong magluto. Di bale, magkakape nalang ako at magtitinapay sa school nalang ako kakain. Lumabas na ako at naglakad papuntang kusina. Nagulat ako nang may makita akong pagkain sa lamesa. Fried rice, bacon, hotdogs, eggs, loaf of bread and milk. Nilapitan ko ang nga iyon at may nakita akong note na nakadikit sa baso ng gatas.

Dear best ko na maganda at amazona,

Ayan, pinagluto na kita bago ako umalis, a. Baka sisihin mo pa 'ko kapag hindi ka nakapagbreakfast ng matino. Ang takaw mo pa naman. Kain kang marami ha? Ubusin mo lahat yan para tumaba ka naman. Ang payat mo na.

Nathan na gwapo at macho

Automatic na napangiti naman ako. Kahit kailan talaga napaka-ano nun! Ang hilig akong asarin pero kahit papano sweet at mabait naman yun. At talagang pinagluto pa ako nito ng breakfast. Akala ko pa naman basta nalang itong umalis at iniwan ako. Umupo na ako at nagsimulang kumain. Nakangiti at magana akong kumain. Ang sarap talaga magluto ni Nathan. San kaya nito natutunan iyon? Nakakahiya sa part ko. Kababae kong tao pero hindi man lang ako marunong magluto.

Pagkatapos ko kumain ay nagmadali na akong maligo at magbihis. Habang nasa taxi ay nakareceive ako ng tawag kay Nathan.

"Ano?!" sagot ko sa tawag nito.

"Best naman! Hindi ba uso hello sayo?" sagot nito. Siguradong nakatakip ang isang kamay nito sa tenga nito ngayon. Natawa naman ako pero hindi ko pinahalata.

"Napatawag ka?" I asked him. "I just wanted to know kung kinain mo yung breakfast na niluto ko."

"Oo, kinain ko. Hindi masarap."

"Ganon talaga. Mas masarap kasi yung nagluto." then he laughed.

I rolled my eyes kahit alam kong hindi nito iyon nakikita. "Kapal ha."

"So, nasan kana ngayon?"

"On my way to school." walang ganang sagot ko.

"Pasensya kana hindi na kita nahinta--"

"It's okay. Ganyan ka naman talaga. Mahilig kang mang-iwan." putol ko sinasabi nya. Bigla naman itong napatahimik sa kabilang linya.

"Joke! Ito naman 'di na mabiro. Okay lang yun. Alam ko naman na excited kanang makita si Carla ng buhay mo." pag-eenlighten ko ng pag-uusap namin.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon