Ano bang nangyari kanina para mag wala si Kian at sino si Hazel?

"Kian...okay ka lang?"

Nakatulala pa rin si Allen. "Why did she have to come back?"

Ramdam ni Michael ang sakit sa bawat salita ni Allen na nag dudulot rin ng sakit sa kanya. Hindi na niya na pigilan ang sarili at niyakap si Allen. Unti-unting nabalot ng hikbi ang buong kwarto. Mahinang tinapik-tapik ni Michael ang likuran ng binata.

Hindi na kailangan ng mga salita para ipaliwanag...sapat na ang pag hikbi. Apektado si Allen...apektado sa pag dating ni Hazel sa hindi malamang dahilan. Sa mga isiping ito ay nasasaktan si Michael.

Bakit ba sa tuwing maayos na kami ay lagi na lamang nag kaka ganito?





"Michael agang gising ah" napapitlag si Michael sa biglang pag sulpot ni Mira. Narito sila ngayon sa garden.

Alas singko pa lang ng umaga at inaayos ni Michael ang garden dahil hindi pa rin ito gaanong bumabalik sa dati matapos ang dumaang bagyo.

"Yung totoo Mira? Bakit ang hilig mo mang gulat?"

"Sorry naman" sambit ni Mira at nag peace sign pa.

"Nga pala...ano ba talagang nangyari kagabi?" hindi na napigilan ni Michael ang sarili na mag tanong.

"Sabi na, hindi ka rin makaka tiis at mag tatanong ka rin eh." saglit na napatawa si Mira. Tumikhim muna siya bago muling nag salita. "Ganto kasi, alam namin na dadating na nga si Sir Hanz mula sa Canada, kaya hindi agad kami natulog, then nagulat na lang kami na may nakita kaming kasama ni Sir Hanz, yung Hazel ata. Kilala siya nila nina Manang Aning kasi matagal na sila dito. Syempre ako hindi kasi bago lang ako, tapos pag baba ni Sir Allen sa sala, halatang nagulat siya ng makita si Ma'am Hazel tapos ayon bigla na lang nag wala."

Napa tango-tango na lamang si Michael. "Bakit kaya bigla nalang nag wala?"

Nag kibit-balikat si Mira. "Hindi ko alam. Siguro ay may nangyari sa past nila."

Past...

"Diba hinatid mo si Sir sa room niya, wala ba siyang sinabi?" tanong ni Mira. Na alala naman ni Michael ang nag yari kagabi sa kwarto ni Allen.

"Ano bang nangyari Kian?" tanong ni Michael kay Allen at kumalas na sa pag kakayakap. Pinahid ni Allen ang mga luha niya.

"I thought, I don't care about her anymore since she left me but when I saw her face again. All the memories we had together came back to me and I felt like I'm breaking into pieces again."

Tila napako sa kinauupuan si Michael habang pinakikinggan ang mga salitang sinasambit ni Allen. Malinaw sa kanya na may nakaraan ang dalawa at hanggang ngayon...batid niya na may nararamdaman pa rin si Allen sa dalaga.

Hindi namalayan ni Michael na tumutulo na ang mga luha niya. Nang mapansin niya ay agad siyang yumuko at pinunasan ito para hindi mapansin ni Allen.

"G-gusto mo pa rin ba siya?" gusto ni Michael sakalin ang sarili kung bakit ba hindi niya napigilan ang sarili na mag tanong eh alam naman niyang masasaktan lamang siya.

Nang walang narinig na sagot sa binata ay tiningnan niya ito at nakitang mahimbing ng natutulog. Napabuntong hininga si Michael.

Di ba sinabi niya naman sakin na gusto niya ako? So dapat wala na akong ipangamba pero bakit nasasaktan ako ng ganito?


"HOY MICHAEL!" napatakip si Michael sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Mira.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Lah? Eh kanina ka pa kayang tulala diyan." nakakunot na sambit ni Mira.

Napakamot siya sa ulo "Hehe sorry..."


"So ano nga nangyari?"

"Wala...nakatulog agad siya nung inihatid ko." pag sisinungaling niya.


"Weh? Baka nag sesekreto ka na naman sakin ha."

"Hindi." sagot ni Michael at ngumiti sa dalaga.



NANG matapos sa pag aayos si Michael sa garden ay nag hugas na siya ng kamay at pumasok sa loob ng Mansion. Mag aalas-siyete na ng umaga at oras na para dalhan ng pag kain si Allen at mag handa para pumasok.

"Dalhin ko na 'to Mira." tumango naman ang dalaga. Dala ang tray ay pumunta na si Michael sa kwarto ni Allen.


Nang buksan ni Allen ang pinto ay kita ni Michael ang tamlay sa mga mata ng binata. Pumasok na siya at nilapag sa mesa ang pag kain.

"Bakit hindi ka pa naliligo?" tanong ni Michael, matamlay na binaling ni Allen ang paningin sa binata at marahang umiling.

"I won't go to school today..." mahinang sambit ni Allen.


"Ah..." tanging na sambit lamang ni Michael dahil hindi niya alam kung ano bang dapat sabihin.


Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto hanggang matapos sa pag kain si Allen. Napa kagat na lang sa labi si Michael para pigilan ang sariling maiyak. Nasasaktan siyang makitang ganito si Allen at pati na rin sa sitwasyon nila ngayon. Pakiramdan niya kasi ay dahil lamang sa pag dating ni Hazel ay parang nawala kung ano man ang meron sila.

"I'm done." malamig na sambit ni Allen. Hindi pa nakakalipas ang sampung minuto ay natapos na agad ito sa pag kain.

"S-sige...ano...papasok na a-ako." sambit ni Michael na pinipigilan ang pangiginig ng boses. Bago niya kinuha ang tray ay lumapit muna siya kay Allen at hinalikan ang lalaki sa noo.

Nang maka labas sa kwarto ay napasandal na lamang si Michael sa pinto at ilang beses huminga ng malalim para kontrolin ang emosyon.

"Kaya mo yan Michael..." pag papalakas ng loob niya sa sarili. At tumalikod na pabalik sa kusina.


Nadatnan niya na kumakain na rin ang maids. Agad siyang niyaya ni Mira kumain. Nang matapos ay bumalik na siya sa kwarto at naligo.


KINUHA na ni Michael ang bag at ang laptop niya at lumabas sa kwarto. Alam niyang mag co-commute siya ngayon dahil hindi naman papasok si Allen.


Palabas na sana siyang ng Mansion nang tinawag siya ni Christine.

"Michael, can I ask a favor?" tumango naman si Michael. "Pwede bang ihatid mo si Hazel sa deans office."

"Opo"


Nang makalabas sa mansion ay nakahanda na ang sasakyan para ihatid sila sa university. Nang ma kalabas na si Hazel sa mansion ay pinag buksan siya ni Michael ng pinto ng kotse.


"Thank you." sambit ng dalaga sa kanya. Mayumi ang boses nito at masarap pakinggan. Isang ngiti lamang ang isinukli ni Michael at pumasok na rin sa kotse katabi ni Kuya Vicente.


Ang ganda niya...talong-talo na ako tapos siya pa ang nauna...


****

Re writing this part done.

My Bipolar (Forbidden Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon