Chapter 49: Power

Start from the beginning
                                    

"Fri-Friyan" sabi ko na gulat na gulat ng makita si Friyan. May dala pa siyang flowers at regalo.

"Ano ginagawa mo dito Friyan?" galit na tanong ni Venido.

Tumawa si Friyan "Gusto kong dalawin si Yola" sabi ni Friyan.

Umigting ang kamao ni Venido. "Anong sabi mo? diba ikakasal ka na, kaya tigilan mo na si Yola" galit na sabi ni Haresiyo Venido.

Tumawa si Friyan. "Hindi na kami ikakasal ni Vire" sabi niya na kinagulat namin.

"Ba-Bakit?" tanong ni Haresiyo Venido na may halong galit at pagtataka.

"Dahil wala na ang aming anak, namatay na ito" sabi ni Friyan na kinagulat naming lahat.

"Na-namatay?" tanong ko na nagulat sa narinig.

"Oo kaya wala ng kasal na magaganap, kaya pwede ko na uling ligawan si Yola" sabi ni Friyan at ngumisi pa ito na tumingin sa akin.

Naalala ko ang sinabi niya sa liham niya.

Yola titiyakin ko sayo na hindi matutuloy ang kasal ko kay Vire, gagawin ko ang lahat, huwag lang matuloy ang aming kasal.

Nanginig ang aking katawan at nabalisa sa nalaman at kwestyon sa aking isipan

Bakit namatay ang anak ni Friyan at Vire?

Iniabot sa akin ni Friyan ang flowers na dala niya, nanginginig na kinuha ko ito.

"Yola masaya ka ba na dinalaw kita at bukas ay pagsasanay na uli sa Ivatran Warriors Room, magkakasama na tayo lagi Mahal ko" sabi ni Friyan na nang-aakit ang mata na tumitig sa akin.

Pinalipad ni Haresiyo Venido ang kamao kay Friyan ngunit ito ay sinangga ng kamay nito.

Tumawa ng bahagya si Friyan "Haresiyo Venido, huwag ka ng magalit, Ipagpapatuloy ko ang panliligaw kay Yola dahil wala ng hadlang dito, kahit na ikaw" sabi ni Friyan at ngumisi.

Inalis ni Haresiyo Venido ang kamao sa kamay ni Friyan. "Anong hadlang?, tinatawag mo bang hadlang ang anak mong namatay at babaeng binuntis mo, ganon ka ba kasama Friyan?" sabi ni Haresiyo Venido na galit na galit.

Tumingin ng seryoso sa akin si Friyan "Mahal ko talaga si Yola at hindi ko na hahayaang maghiwalay pa kami" sabi ni Friyan.

My body trembled and my heart beat faster at what i heard.

Friyan and I stared at each other and the intensity of my love seemed to return.

"Yola aking mahal, magsasanay ka ba uli sa Ivatran Warriors Room?" tanong sa akin ni Friyan na aking kinagulat.

Muli kaming nagtitigan ni Friyan. "O-oo Fri-Friyan" sagot ko matapos ang sandaling pagtahimik.

"Yo-Yola?" Napalingon ako kay Haresiyo Venido. Bakas sa kanya ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa narinig sa akin.

Maging sina Haresiya Fresca at Yekesha ay nagulat sa narinig. Habang sina Kenna at Kemin ay magkahawak ang kamay na nakatingin lang sa amin.

Tumulo ang luha sa mata ko at nagdesisyong magteleport pabalik sa room namin. Nakita ko si Derick na nakaupo at hawak ang photo album niya.

"Ano problema Yola?" tanong ni Derick ng makita niyang umiiyak ako.

"Wala Derick" umupo ako at nag-umpisang umiyak ng umiyak.

"Wala pero umiiyak ka" sabi ni Derick.

"Dahil kay Friyan at Venido?" tanong ni Derick.

"Bakit ganun Derick? Bakit mahal ko pa rin si Friyan?" sabi ko at humagulgol.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now