Chapter 6: Pinuno

442 225 5
                                    

Chapter 6: Pinuno
Dedicated to ShikaSensei

Rhia's Point of View

Nagteleport kami ni Prince Andrexsel papuntang Ivatran Warriors Room. Napunta kami sa isang napakalaki at napakagandang kwarto.

"Nandito tayo sa room ko sa Ivatran Warriors Room Rhia pangit" sabi nya.

"Room mo? pati rito may room ka Kamahalan? " tanong ko na nagulat.

Tumawa sya "Hahaha, mamaya malalaman mo" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

May kumatok sa pinto.

"Friyan" sabi ni Prince Andrexsel.

Kusang bumukas ang pintuan na kinagulat ko at nakita namin ang isang sexy at magandang babae na nakangiti.

"Akala ko si Friyan ang kumatok, ikaw pala Seris landi,umalis ka na at huwag humarang sa pintuan, dadaan kami ni Dasre Rhia" galit na sabi ni Prince Andrexsel sa babae.

Pumasok ang babae sa loob na nakangiti.

"Lumabas ka Seris at huwag na huwag kang lalapit sa akin, itigil mo na pang-aakit sa kin, kapag hindi ka pa tumigil, kamatayan ang parusa mo." sabi ng Prinsipe na galit na galit.

Nadissapoint at natakot si Seris at napatingin ito sa kin.

"Mahal kong Prinsipe, Si-Sino po sya?" sabi ni Seris ang Ikalimang pinuno ng mga Ivatran Warriors na nakasuot ng sexy na Ivatran Warriors armor at nakamake-up ng bongga.

Nakita nya na magkahawak kamay kami ni Prince Andrexsel. Napansin ko ito at tinanggal ko ang aking pagkakahawak sa kamay ng Prinsipe.

"Wala kang pakialam landi" galit na sagot ni Prince Andrexsel.

"Lumabas ka na at huwag humarang  sa pintuan, dadaan kami" sabi pa ng Prinsipe.

Umalis nga si Seris na umiiyak.

"Tayo na Dasre" sabi ni Prince Andrexsel, sumunod ako sa paglakad niya palabas.

Paglabas namin ay nakita kami ng mga Ivatran Warriors at nakita ko at nakita ako ng mga friends ko na sina Derick at Yola. Tumayo lahat sila at nagbigay pugay kay Prince Andrexsel.

Nagulat sina Derick at Yola na kasama ko ang Prinsipe. Kinawayan ko sila at nakita iyon ni Prince Andrexsel.

"Nasan sila?" tanong ni Prince Andrexsel.

"Ayun sila, andun si Derick at andun si Yola" sabi ko.

Kinawayan ako ni Derick at bakas sa kanya ang labis na saya at pag-alala sa akin. Parang gusto niyang umalis sa upuan niya pero hindi niya alam kung pwede.

Lumapit sa amin si Friyan ang Ikalawang pinuno ng mga Ivatran Warriors pati na sina Vire ang Ikatlong pinuno, si Croen ang Ikaapat at si Seris ang ikalima, nakasimangot sya at halatang galing sa iyak.

"Magandang gabi Kamahalan, Prince Andrexsel" bati ni Friyan sa Prinsipe sabay yuko.

"Magandang gabi aking pinsan Friyan" sagot ni Prince Andrexsel sa bati ni Friyan.

Nagulat si Yola na magpinsan pala si Friyan at Prince Andrexsel.

"Tumayo kayo at Magbigay pugay sa ting Kamahalan Prince Andrexsel, Prinsipe ng Kingdom of Ivatra, at Pinuno ng mga Ivatran Warriors" sabi ni Friyan na aking kinagulat pati nina Derick at Yola.

Tumingin sa akin si Prince Andrexsel at nilapit ng konti ang mukha nya sa king mukha na kinagulat ko at nagpamula ng husto ng mukha ko.

"Narinig mo yun Dasre Rhia, ako ang Pinuno ng mga Ivatran Warriors, pero sabi mo kanina wala akong kwenta, walang silbi at kain tulog lang, Tangang Pangit ka Dasre" sabi ng Prinsipe sa mahinang boses at ngumisi.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Where stories live. Discover now