Chapter 49: Power

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin sa akin si Queen Imarra.

"Ma-Mahal Reyna Imarra, ang iyo pong anak na si Prince Andrexsel at si Rhia ay pumunta uli sa ilog para maligo" sumbong ko kay Queen Imarra.

"Mawawala din ang Rhiang yan sa buhay namin ng anak ko, gagawa talaga ko ng paraan para mawala siya" sabi ni Queen Imarra na galit.

Napangiti ako ng todo sa narinig sa Reyna.

"Sige Erka, bumalik ka sa kwarto ng anak ko at sabihin mong pumunta na siya sa Munir Room at Trimpa Room." sabi ni Queen Imarra na pinilit huminahon na.

"Masusunod po Kamahalan Queen Imarra" sabi ko at nagteleport pabalik sa room ni Prince Andrexsel.

Yola's Point of View

Natapos na din kami kumain sa kusina ng Haren ni Haresiya Fresca.

Pumunta rito si Haresiya Fresca. "Tapos na kayong kumain" nakangiting sabi ni Haresiya Fresca.

"Ah opo Haresiya Fresca, kumain na po ba kayo?" tanong ko na may pag-aalala kay Haresiya Fresca. Sa sandaling panahon lang ay napalapit na ko kay Haresiya Fresca dahil sa taglay nitong kabutihan, kaya nais ko na maayos ang mga problema niya at mahanap din ang kapatid niyang si Graceno.

"Ah hindi pa Yola, nagpulong kami ng mga Maraseris at babalik din ako kaagad dun, nalaman ko lang sa aking isipan na may bisita si Kenna" sabi ni Haresiya Fresca at ngumiti ng todo.

"A-ako Ha-Haresiya Fresca, me-may bi-bisita? shiwi" sabi ni Kenna na pakurap kurap ang mata.

"Oo Kenna at nasa sala siya" sabi ni Haresiya Fresca.

Pumunta na kami nina Kenna, Yekesha, Elum at Haresiya Fresca sa sala at nakita ang isang batang lalaki na may hawak na mga bulaklak.

"Ke-Kemin, shiwi" sabi ni Kenna at bumaba ito sa pagkarga ko.

"Kemin?" tanong ko na nagulat sa narinig kay Kenna.

"O-Oo A-ate Yola Kemin, shiwi" sabi ni Kenna.

Kinikilig na lumapit si Kenna sa sinasabi niyang si Kemin daw. Pinagmasdan ko itong mabuti at hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

Ang batang lalaki ay may kulay Gold na buhok na mahaba at meron siyang mahabang buntot.

Nagtatawanan naman sina Haresiya Fresca at Yekesha.

"Oo Yola, Siya ang Goldrous na si Kemin, nag-aanyo din siya bilang isang batang lalaki" sabi ni Yekesha at tumawa uli siya.

"Liligawan kita Kenna" sabi ni Kemin at nakangiting inabot kay Kenna ang hawak nyang flowers.

Nanlaki ang mata ko at napanganga sa nakita at narinig.

"Te-Thankyou Kemin, sweet, shiwi" sabi ni Kenna na namumula ang pisngi at kinikilig.

Nagtawanan uli si Haresiya Fresca at Yekesha.

May sumulpot sa sala ng Haren, Si Haresiyo Venido na may dalang flowers.

"Magandang umaga Yola" bati ni Venido. Napalingon kami sa kanya. Lumapit siya sa akin at inabot ang flower sa akin.

"Nakakakilig naman" tukso ni Yekesha.

"Pursigido talaga si Venido hahaha" sabi ni Haresiya Fresca.

Namula ang pisngi ko sa hiya pero napangiti din ako.

"Yola Magandang Umaga" bati ng isang pamilyar na tinig ng lalaki na bagong sumulpot sa Haren.

Pagkalingon namin ay nagulat kami ng makita kung sino iyon.

KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon