She’s stunning tonight. Sa suot niyang puting dress na walang kahit anong design kundi ribbon, she looked perfect. Her hair, her eyes, her lips… I want them to be mine.

Pumunta na ang lahat sa mga table. Magsa-start na ang program. Hindi ko naman alam kung saan ako uupo. Ang nakakausap ko lang kasi ay sina Miss Lee, Blesie, Maynard, at G. Kaso, nahihiya akong lapitan sila.

“George!” tawag sa akin ni Blesie. Salamat naman.

“Hi.” Ngumiti na lang ako sa kanila. Of course, she’s with the “angel of the night”.

 “Dito ko na lang, Mr. Engineer,” masayang sabi ni Blesie. “Diyan ka, sa tabi ni G.”

She positioned herself sa tabi ni G sa kaliwa. Ako naman ay sa kanan. Nahihiya pa akong umupo kasi hindi nagsasalita si G. Papunas-punas lang siya ng panyo sa mukha niya.

“Sure. Thanks,” I told her.

The program has begun. Ang saya pala. Kainan. Tawanan. Kuwentuhan. May nagpe-perform. Ang kulit ng mga heads: mga expert and professional pagdating sa work at sa office, pero ngayon, parang mga ordinaryong empleyado lang. Nag-Gangnam pa at nag-chacha! Nakakatuwa. This was the first time I attended a party and I didn’t expect that it will make me happy.

After that, Miss Lee stood in front of us. She’s very beautiful in her black-and-white gown. Mula sa kinauupuan ko, nakatingin ako nang deretso sa kanya at napansin ko, magkamukhang-magkamukha sila ng kuya niya.

“Ladies and gentlemen, the floor is yours. You may dance whoever you want. If I know, excited na ‘yong mga couples diyan. Mamaya na lang tayo ulit mag-Gangnam. Sweet music, please.”

Nagsitayuan na ang lahat at kanya-kanya nang nagsipuntahan sa gitna. Ronnie Liang’s song, “Ngiti”, was now playing.

* * *

Blesie

Ito na ang pinakahihintay kong moment ngayong gabi dahil gagawan ko ng paraan para itong bestfriend kong si Georgina ay maging maligaya. I’d be Cupid Blesie tonight.

Agad kong tineks si Maynard na yayain akong sumayaw. Close naman kami kaya madali lang siyang kontsabahin. I needed his help para maisayaw ni George si Georgina. Sa nakikita ko kasi, they have mutual understanding towards each other. Nahihiya lang siguro sa isa’t-isa. Sana tama ako.

Maynard approached the three of us. Very nice!

“Excuse me, puwede bang mahiram muna si Blesie?”

“E kasi, Maynard, walang kasama si G,” I muttered. Let’s take it slowly.

“Nandiyan naman si George, a. ‘Di ba, pare?” Agad namang ikinamula ni George ang sinabi ni Maynard. Pareho naming pansin ni Maynard na nagkakailangan pa ang dalawang ito gayong lagi namang magkasama sa opisina.

“Uhm, ‘wag na lang?” I told Maynard. Kunyari lang. Go on, Maynard.

Magsalita ka, George. Isang torpe at mahiyain ba naman.

“Blesie, please?” ‘Eto na, tatayo na ako. Come on, George. Make a move!

“Sige na, Blesie. Okay lang ako,” G said.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago…

“Nandito naman ako. Hindi ko iiwan si G.”

There you have it!

“Alam mo kasi, pare, ang mga magagandang babae tulad ni Ms. Steve ay hindi dapat nakaupo lang sa mga ganitong sandali.”  Tiningnan ni Maynard si George saka ito tinapik sa balikat at tumungo na kaming dalawa sa dance floor.

I'm 20 but still NBSB (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon