Chapter 16

36 11 0
                                    

Chapter 16

Nalibot na yata namin Ly ang 1/4 ng pilipinas. Kada linggo ay ibat ibang lugar ang pinunupuntahan namin ni Ly. Pumunta kami ng Bicol, Baguio, Bohol, Tagaytay, Batanes, Cebu, we also went to Boracay, Subic and more. After kong mapuntahan ang mga gusto kong place sa Philippines ay nag travel naman kami sa ibang bansa. We went to Japan, Korea, Israel, Paris, London, Canada, Iceland and Hongkong. Sa Hongkong kami nag celebrate ng Birthday ko kasama si Daddy at ang family ni Ly. Napaka saya ng araw na yun dahil nag leave ang parents ni Ly at ang kapatid nyang si kuya Russo para lang makasama samin. Kahit hindi ako makasakay ng rides ay masaya parin akong makita ang mga reaksyon nila lalo na si Ly, makita ko lang syang masaya, masaya na rin ako.

Four months passed, lagi na akong nasa bahay dahil naging busy si daddy. Si Ly ay dito na talaga tumira sa bahay namin. Sila kuya Andrius, kuya Tyron, kuya Nath and ate Gaia ay laging pumupunta dito sa bahay dahil dito sila nagpaplano ng kung ano ano at para narin makita nila kami araw araw ni Ly. Mas naging malambing at maalaga pa si Ly sakin, he treated me like his queen.

Nakahiga ako ngayon sa kama namin habang hinihintay ko si Ly magbihis. Pupunta kami ngayon sa favorite place namin dahil matagal na akong di nakakapunta dun dahil pagkatapos naming mag travel ay iningatan ko na ang pusong ibinigay saakin.

"Ready?" napatingin ako sa kakalabas lang na si Ly sa banyo. Nakasuot sya jeans at  blue na oversize T-shirt.

He leaned on me. Napangiti ako sa ginawa nya. I hugged my arms around his neck. He kissed my lips before pulling me up.

"Taas kamay" nakangiting sabi sakin ni Ly. Tss. Eto nanaman po sya.

"Wag na" pag tanggi ko.

"Love" pinaseryoso nya ang boses nya at matiim akong tinitigan. Kainis!

Itinaas ko ang kamay ko. Dahan dahan nyang hinawakan ang laylayan ng damit ko bago ito hilahin pataas. Naligo na ako kanina at nag suot lang ng panty, cycling at bra na pinatungan ko ng oversize T-shirt ni Ly. Pagkahubad sakin ni Ly ay bumungad sa kanya ang.... Basta ayun na yun.

"Wiwit" mahinang hinampas ko si Ly sa braso dahil sa ginawa nya. Epal talaga. Lagi nyang ginagawa yan tuwing sya yung nag-aalis ng damit ko. Nawili na si tanga.

"Anong susuotin ng asawa ko ngayon?" malambing na tanong nya.

"My pink dress." I smiled at him. Yun yung niregalo nya sakin nung birthaday ko na binili nya pala sa Korea.

Pagkabalik nya sakin ay isinuot nya na sakin yung pink dress ko. Itinali nya rin yung buhok ko na nagmumukang messy bun.

"Maganda pa rin ba ako?" Tanong ko kay Ly habang inaayos nya ang ilang hibla ng buhok ko.

Napahinto sya at tumingin sakin. "Of course. Ikaw ang pinakamaganda babae sa mundo. Kahit ano pang mangyari, kahit pumayat ka man ng pumayat, kahit tumaba ka ng tumaba, kahit ano pang itsura mo, Ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko." he kissed my forehead. "C'mon beautiful malapit na mag sunset"

Hindi na ako nagulat ng buhatin nya ako pa bridal style. Bakit ba ang sweet ng lalaking to?

"Gustong gusto ko talagang ginagawa to." Ly said. Pababa na kami ng hagdan.

"ang alin?" takang tanong ko.

"Ang alagaan ka." he kissed my nose. "mahal na mahal kita Eshra"

"Mahal na mahal din kita Ly"

Nakarating kami sa may bangin ng hindi pa nagsisismula ang sunset.

Nakaupo kami ngayon sa likod ng pick up truck para hintayin ang sunset.

Till our last danceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon