2

5 4 0
                                    

"DAMBEL!" natakpan ko ng unan ang tenga ko, ngunit dinig na dinig ko parin ang mga salitang nakakasikip sa dibdib.

"Duldug! Bobo! Puro pagkain lang ang nasa utak! Tanga! Hindi mo manlang inisip na ulam iyon? At ipinakain mo pa sa mga aso? Anong klaseng pag-iisip ang meron ka? Walang utak! Inutil! Mang-mang!"

Pigil ang luha ko habang tinatakpan ng mariin ang tenga ko ngunit dahil sa nanghihina ay hindi sapat ang lakas ko upang hindi marinig ang masasakit na salita na ibinabato ng mama ko sa akin.

Alam kong kasalanan ko, hindi naintindihan ng maigi. Oo na, bobo, tanga, mang-mang o ano-ano pa' lahat ay nasa akin na. Ngunit ka'y sakit pa talaga pag nanggaling iyon sa bibig ng sarili mong ina, para akong sinasaksak ng maraming beses.

"Tadyakan kita puta ka! Putang ina mo! Walang utak! Mabuti pa nga yang anak ng kapit bahay, marunong maglinis ng bahay! Ikaw? Anong ginagawa mo? Ha? Matulog maghapon? Dambel! Highschool na itinuring, wala namang utak! Paano ka naghigh school nyan?"

Dapat ay nasanay na ako. Sa pangyayaring iyon ay napuno ako ng isipin, nariyan yung 'ano kaya kung makipagtanan na ako kay lax?' 'Ano kaya kung magpakamatay nalang ako? Iiyak ba sila? Magsisisi?' Ngunit sa huli ay pinili ko na lamang manatili. Marami ng problema ang aming nalagpasan, naging magkaaway kami ng kapatid ko, ng papa ko at ng mama ko. Maging ang pag-aaway na nauwi sa pagsasakitan nila mama at papa, pati narin ang pagloloko ni mama kay papa dahil sa may iba itong lalaki.

Gustong-gusto ko nang umalis rito. Maging indipendent, matutong mamuhay mag isa. Puro na lamang kasi kamalasan ang dala ko sa buhay, puro na lamang kasi pagkakamali ang nakikita nila sa akin. Ngunit ang tanong, may nagawa na ba akong kabutihan? Ano ang nagustuhan sa akin ni lax? Mahirap lang ako, boring kasama, hindi kagandahan, hindi makinis, hindi rin maputi. Malaki ang pagkakaiba namin, sya—mayaman, gwapo, makinis at maputi, dancer, at lider ng isang kinakatakutang fraternity. Typicall na pinaglalawayan ng mga kababaihan. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Baby ko, may problema ka ba?" Dinig ko ang malambing na boses ni lax sa kabilang linya.

Naluluha na naman ako. Isa pa, ayokong pinagkukumpara ako sa iba. Kung ano ako, yun ako' dapat nila akong mahalin sa kung sino ako. Hindi ko gawaing magbago para lamang magustuhan, dapat nilang mahalin ang mga tama ko at mga mali. Gustong-gusto kong magsumbong kay lax at sabihin lahat ng dinadamdam ko. But i am afraid and at the same time, ayokong dagdagan kung ano man ang isipin nya. Ayokong mag alala pa sya ng dahil lang sa akin. Sya na lamang ang tanging meron ako. Sya na lamang ang dahilan kung bakit ako sumasaya, sya ang tanging swerte ko.

"Baby..."mahinang bulong ko.

"Hmmm...?"

Dumapa ako't sumubsub sa unan.

"I-itanan mo ako..." wala sa sariling nasambit ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kabilang linya. Bigla, ay gusto kong bawiin ang sinabi ko. Hindi kaya nya ito nagustuhan? Galit kaya sya? Ano kaya ang reaksyon nya? Natampal ko ang sariling noo sa katangahan.

Masyado kang padalos-dalos, sakhi! Baka isipin nya, wala na akong pinagkaiba sa mga babae diyan sa tabi-tabi. At ano na lamang ang sasabihin sa iyo ng mga kadugo mo? Na pariwara ka? Na malandi ka?

"Ahm...wag mo na lamang isipin iyo—" naputol ang sinasabi ko sa tinig nya, at bigla ay gusto kong tumili sa sinagot nya.

"I love you so damn much prinsesa ko, you don't even know how much i want to marry you and be my queen, but prinsesa ko i respect you. Diba sabi mo ayaw mong matulad sa mga babaeng naagang nabuntis? Hindi sa ayaw kong itanan at makasama ka, hindi mo alam kung gaano ko kagusto but prinsesa ko, hindi ko sasamantalahin ang offer mo dahil lamang madami kang iniisip, may panahon tayo para riyan. Inirerespeto kita, gayun din ang pamilya mo."

Dream To Wake UpDove le storie prendono vita. Scoprilo ora