Sa pagsabunot niya sa akin ay halos mahila na niya ako pababa ng kama gamit lang ang paghila niya sa buhok ko. Kaya sobrang sakit sa anit ang naramdaman ko.

"Malandi ka! Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na akin na si Matt ha? Talagang inakit mo pa siya para lang magawa mo 'to hano?! Puwes, wag ka ng umasa dahil mahal ako ni Matt at hinding-hindi mo siya maagaw sa akin!" halos matanggal na ang buhok ko sa anit ko sa sobrang paghila niya.

Sa wakas ay nahila siya ni Matt palayo sa akin. Kung hindi ay baka tuluyan ng natanggal ang buhok sa anit ko. Pakiramdam ko nga ay may nakabunot pa siya ng buhok. Hindi ko naman talaga balak na agawin si Matt.

Kagabi ay sa sobrang lungkot ko na rin siguro at nagkataon na si Matt ang kasama ko kaya hinayaan kong mangyari iyon. Pero sa totoo lang ay talagang ginusto ko rin ang nangyari. Mahal ko si Matt at wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari kagabi. Isa pa ang sabi ni Matt ay mahal niya ako. Naniniwala ako doon. Panghahawakan ko iyon.

"Tama na Annalyn!" nagulat ako sa sigaw ni Matt at iyon ang nakapagpatigil kay Annalyn sa pagwawala niya. Nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Ako pa talaga ang titigil?! Nakita ko lang naman ang fiancé ko na may kasamang ibang babae sa iisang kama at halos walang saplot. Ang malala pa eh iyong babaeng iyon ang tanging babae na pinagseselosan ko. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Dapat ba kong matuwa? Dapat ba kong kumalma? Hindi diba? Dahil wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit! Galit!" at tuluyan ng sumabog si Annalyn.

Pinaghahampas niya si Matt. Doon ibinubuhos ang lahat ng galit niya. Hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. Alam kong mali ang ginawa namin pero may parte sa akin na nagsasabing okay lang kung ginawa namin iyon dahil mahal naman namin ang isa't isa.

"Annalyn. Please stop." Mahinahong sabi ni Matt habang pinipigilan siya sa paghampas dito. "Annalyn, I'm sorry." At iyon ang tuluyang nakapag-patigil kay Annalyn. Pero tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.

"M-Matt?"

"Pag-alis natin sa Ilocos, hindi ba nilinaw ko na sayo ang lahat. Hindi rin ako pumayag sa engagement kaya hindi kita fiancé. We already broke up right, that time? Sinabi ko iyon sayo. Kaya ano man ang ginawa namin ni Mitch ay wala ng kinalaman iyon sayo." Ikinagulat ko ang sinabi ni Matt.

"M-Matt, mahal na mahal kita. Ako na lang, ako naman talaga diba? Sabi mo mahal mo ko. Sinabi mo iyon, sinabi mo. Kaya...Bakit?" at napa-upo pa si Annalyn at doon umiyak ng umiyak.

"That's why I'm sorry. It's true that I tried to love you back then and I did love you. Akala ko ikaw na ang mahal ko at okay na ko kung uuwi ako dito sa Pilipinas, na wala na kong kinatatakutan na makita. Pero unang araw pa lang, unang araw nang umuwi ako, tayo. Nakita ko na si Mitch at nagsimula na namang magulo ang isip ko." Lumuhod si Matt sa harapan ni Annalyn na kahit umiiyak ay na kay Matt at na kay Matt lang mga paningin. Kitang kita na talagang mahal niya si Matt.

Hindi ko talaga inaasahan na may gusto siya kay Matt, na mahal niya si Matt. Noon ang pinapaniwalaan ko lang na dahilan kung bakit galit na galit siya sa akin ay dahil lang sa sobrang importante sa kaniya ang grupo nila pero mula noong malaman ko na sila na ni Matt ay nagtaka ako. Napatunayan ko na gusto niya si Matt kaya siya galit sa akin noon nang magsimula na ulit siyang maging masungit at mataray sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama.

"Matt, bakit? Ginawa ko naman lahat."

"I know Annalyn, I know. But I guess we're really not for each other. Minahal kita... pero mahal ko pa rin pala siya. I'm sorry."

"Hindi! Hindi ako papayag. Akin ka, akin ka lang." tumayo si Annalyn sa pagkaka-upo at nagpunas ng luha niya. Nang maayos na niya ang sarili na parang hindi umiyak kanina ay hindi ko alam pero kinabahan ako. Para siyang nakipaglaban sa giyera na nawalan na ng pag-asa pero tatayo ulit para ipaglaban ang ipinaglalaban niya.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें