Muli akong tahimik na napaiyak. Bumabalik sa isipan ko ang paghihirap na nakikita ko sa mukha niya kanina. Wala pa rin talaga akong magawa para mawala ang lungkot at sakit na nararamdaman niya hanggang ngayon.

I know she suffered so much at ang sama kong tao dahil dinagdagan ko pa ang paghihirap niya.

Lumabas ako ng kwarto upang sundan siya ngunit may kadiliman na ang paligid kaya hindi ko na siya maaninag.

Gusto kong humingi ng tulong kay Craig upang hanapin siya ngunit kakatok pa lang sana ako sa pintuan nila ay nauna na itong bumukas.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Clover sa akin.

Napatungo ako sa paraan ng pagtatanong niya. Sa lahat ng kaibigan ni Craig, si Clover lang ang malamig ang pakikitungo sa akin.

Hinarap ko siyang muli kahit nahihiya akong kausapin siya. Kelangang mahanap si First dahil alam kong wala nang gaanong gising sa mga oras na ito.

"Si First." napalunok pa ako bago magsalitang muli. "Lumabas siya —-

Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko ay mabilis na niya akong tinalikuran at patakbong lumabas ng pavilion.

Tahimik akong napasunod ng tingin sa kanya. Kahit hindi man niya sabihin, pansin ko ang pag-aalala sa mukha niya ng mabanggit ko pa nga lang ang pangalan ni First.

Is that guy inlove with First? Paano na si Craig?

Napailing na lang ako sa naisip ko. Mahal ko si Craig pero unti-unti ko nang tinatanggap na hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. She love First at susuportahan ko iyon kahit masaktan man ako.

***

Clover pov;

"First! Where are you?"

Tuloy-tuloy lang akong naglakad at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

My heart beats fast. Sobra akong nag-aalala na naman ngayon sa kanya. Bakit ba lage mo akong pinag-aalala kapag nawawala ka First?

Napasabunot ako sa buhok ko ng hindi ko pa rin siya mahagilap. Sinuyod ko na lahat ng kiosk na pinuntahan namin kanina pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Ano ba kasing pumasok sa utak mo at lumabas ka sa kalagitnaan ng gabi First?

Wala ka na naman bang maisip sa buhay? Tsk! Lage mo na lang akong pinag-aalala.

Pinuntahan ko pa ang iilang shop na bukas pa pero wala pa rin siya doon. Pati na din ang lugar kung saan kami nag-camping kanina. Nahirapan pa ako sa daan dahil medyo maputik pa ito gawa ng malakas na ulan kanina.

Nagbasakali akong puntahan ang mga tindahang nagtitinda ng pagkain pati na din ang kusina baka nagutom lang siya pero nanlumo na lang ako ng hindi ko pa rin siya makita.

Lakad-takbo kong pinuntahan ang open field na sinabi ni Krys at nagbasakali muling doon ko siya mahahanap.

Napahinga na lang ako ng maluwag ng may makita akong nakatalikod na nakaupo sa isang upuan. Kahit may kadiliman alam kong si First iyon.

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya. Natigilan pa ako ng marinig ko siyang mahinang humihikbi. Para na namang dinudurog ang puso ko kapag naririnig ko siyang umiiyak. Parang kanina lang ang saya pa namin habang ginagawa nila ang dare niya kasama ang mga kaibigan niya.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili kong humakbang pa at hinayaan muna siyang malabas ang lungkot na nararamdaman niya ngayon. Baka kasi gusto niya munang mapag-isa.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now