1

13.2K 373 164
                                    

12-13

SUPER DUPER CHAOTIC GC

6:34 PM

Gabrielle:

May morning practice tomorrow, ha.

Skyler, don't forget.

Baka magpuyat ka na naman 😤

Tripp:

Awit lagot special mention HHAHAHAHA

Skyler:

Anong oras, Ate Gab?

Gabrielle:

7am ☺️

Skyler:

May sakit kasi ako.

Gabrielle:

Gusto mo bang bisitahin kita ngayon? ☺️

Skyler:

Joke lang, Ate Gab.

I'll be there kahit ayaw ko naman.

Lutz:

6AM PA LANG NANDON NA AKO ATE GAB DON'T WORRY

PARA SA FUTURE NG ATING CLUB

Theon:

HUH????

KAHIT HINDI KA NA NGA UM-ATTEND PABIGAT KA LANG

Lutz:

Ingay mo, Kuya Theon 🤣

Tripp:

This Wednesday ba next match natin, Gabbie?

Gabrielle:

Yes.

Kaya umayos ka, Inocencio!

Tripp:

Luh lagi akong maayos 🤨

Gabrielle:

Ah?

Kaya pala last game muntik kang ma-late kasi???

Tripp:

HOY SABI KO NGA 'DI 'YON SADYA

Sino kaya 'yong halos hindi pinanood 'yong match namin kasi...

Gabrielle:

Sige ituloy mo.

Ituloy mo 'yan, Inocencio.

Tripp:

Joke lang retsam

HAHAHAHAHAHAHAHA

Maxim:

Duwag ampota

Hahahahahah

Gabrielle:

Maxim, be sure na maayos bukas si Lutz.

Lutz:

LUH

Maxim:

Akong bahala dyan.

Lutz:

Nagtataka lang ako.

Theon:

Huh??? Saan na naman???

Lutz:

Bakit Max pangalan ni Kuya Maxim eh ang height niya minimum lang.

HAHAHAHAHAHA

Tripp:

HAHAHAHAHAHAA

Skyler:

Hahaha!

Gabrielle:

Lutz ang gago mo 😭 HAHAHAHAHA

Maxim:

TANGINA MO LUTZ HEIGHT LANG MERON KA PERO WALA KANG UTAK

Lutz:

Meron naman, Kuya Maxim. Paano ako makakapag-isip kung wala akong utak?

Tripp:

HAHAHAHAHAHAHA

GAGO AMPOTA

PAYAG KA NA GINAGANYAN KA NIYAN MAXIM

KASI KAMI PAYAG

HAHAHAHAHAHA

Maxim:

TANGINA MO TRIPP

Gabrielle:

Hahahahaha

Anyways, bukod sa practice, gusto ko rin ipaalala na malapit na ang finals.

Lutz:

Matagal pa ah?

Niccolo:

Final exam ba, Gabbie?

Gabrielle:

Yes!

I know mahirap but please mag-review kayo ha!

Huwag niyong gawing reason ang season 😡

Tripp:

Sus kami pa ba!

Easy 'yan.

Lutz:

Sa 'yo lang easy, Kuya Tripp.

Unfair lang.

Maxim:

Kawawa ka naman walang utak napunta kasi lahat sa height.

Lutz:

Sabi ni Mama 'wag ako pumatol sa mga bata kaya hindi na ako kikibo.

Maxim:

Mas matanda ako sa 'yo?!

Lutz:

Sa edad, oo. Pero sa height, hindi.

Tripp:

HAHAHAHAHAHAHAH

Gabrielle:

Matutuyuan ako ng dugo sa inyo 😣

Maxim:

Ikaw pa matutuyuan ng dugo?!

Gabrielle:

HAHAHAHAHAHA!

Ceaseless (Bump, Set, Spike #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon