*PROLOGUE
Bakit kinakailangan na umalis ka pa ?
Pwede namang dito ka na lang ah !
CHAPTER ONE :
"Kamusta ka na ?" nagulat ako sa nag - salita
"Okay lang ako. Ikaw, kamusta ka ?" sagot ko sa kanya
"Okay lang"
Masaya ako dahil kasama ko nanaman ang pinaka - MAHALAGA na tao sa buhay ko. Matagal ko na siyang MAHAL. Hindi ko lang maamin dahil kaibigan ko siya. Baka kasi pag - inamin ko sa kanya ay sabihin niya lang sa akin na "KAIBIGAN" lang ang turing niya sa akin.
"Huy ! Okay ka lang ba ?" natauhan naman ako sa pag - kalabit niya sa akin
"Ah ! Oo. Okay lang ako. Pwede bang balik na tayo sa classroom. Parang gusto ko muna sa tahimik na lugar" sagot ko sa kanya
"May alam ako na tahinik na lugar" at tumayo kaming dalawa sa table namin sa cafeteria
Dinala niya nga ako sa tahimik na lugar. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno. Tahimik dito dahil dulo na ito ng school namin.
"Ano yung iniisip mo kanina ?" tanong niya
"Wala" sagot ko
"Okay. Baka may problema ka. Sabihin mo lang sa akin ah !" sabi naman niya
"I will. Salamat !" sagot ko na lang
*KRINGGGG
At bumalik na kami sa classroom namin. Nag - dismiss ang teacher namin ng wala akong naiintindihan. Iniisip ko pa rin kasi yung tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.
"Angel, sabay na tayong umuwi" sabi ni Albert sa akin
"Sige" sagot ko naman
"Teka. Pwede bang gumawa tayo ng call sign ?" tanong niya
"Hindi ba pang magka - sintahan lang yun ?" tanong ko naman sa kanya
"Okay lang yan. Mag - kaibigan naman tayo eh !" sagot niya
"Ano naman ang pwede ?" tanong ko
A long quiet atmosphere. At bigla siyang nag - salita.
"Alam ko na" sabi niya
"Ano ?" tanong ko
"PANGET na lang. Marami na kasi ang gumagamit ng BESTIE tsaka BEST eh !" paliwanag niya
"Sige" sagot ko naman
At umuwi na kami ni Panget. Mag - kapitbahay lang kami niyan kaya lagi kaming sabay. Inaasar nga kami na baka daw hindi lang kami FRIENDS. Sana nga at hindi lang kami FRIENDS.
ALBERT'S POV
Gusto kong umamin kay Panget na may nararamdaman ako sa kanya ngunit baka ang sabihin niya sa akin ay "KAIBIGAN lang ang turing ko sa'yo". Gusto kong umamin kay Panget bago ako umalis.
"Albert, alam na ba ni Angel na aalis ka ?" biglang tanong ni Mama
Kumakain kasi kami ngayon. Sa isang buwan kasi ay aalis na kami. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming pumunta sa ibang bansa. Maganda naman ang buhay namin dito ah !.
"Hindi pa po, Ma" malungkot kong sagot
"Kailangan mo nang sabihin dahil baka masaktan siya pag bigla ka na lang umalis ng hindi niya alam" payo ni Mama
"Paano po ako magpapa - liwanag ? Ayoko nga pong umalis Ma. Alam niyo naman po siguro kung bakit. Bakit po ba kasi kailangan na umalis pa tayo ?" paliwanag ko kay Mama
Ayoko pang umalis. Gusto ko ay malaman muna ni Angel ang nararamdaman ko para sa kanya.
ANGEL'S POV
"Anak, nandito si Albert sa baba. Gusto ka daw kausapin" rinig kong sigaw ni Mama mula sa baba
"Sandali lang po" sigaw ko naman
Nag - madali akong mag - suklay sa harap ng salamin. Syempre dapat maganda ako sa harap niya. Charot ! Bumaba na ako pagka - tapos kong mag - suklay.
"Bakit ?" tanong ko agad kay Albert
"Tita, pwede po bang lumabas muna si Angel ?" tanong ni Albert kay Mama
"Sige. Basta babalik siya bago mag ala - siyete ah !" sagot naman ni Mama
"Sige po. Salamat po !" naka - ngiting sagot ni Albert
Pumunta kami sa park. Ang awkward nga lang kasi puro magka - sintahan ang nandito.
"Ano sasabihin mo ?" simula ko
Narinig ko siya huminga ng malalim. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Ganiyan lang naman siya pag may gusto siyang sabihin na labag sa kalooban niya eh !
"Huwag kang malulungkot sa sasabihin ko ah !" bungad niya
"Ano ba iyon ?" tanong ko
"Aalis na kami sa isang buwan. Babalik na kami sa America" sagot niya ng hindi tumitingin sa akin
Parang may nanikip sa dibdib ko kaya bigla akong tumayo. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba hindi na sila aalis ? Bakit ?
"Bakit biglaan ? Bakit kung kailan may, may...." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tumulo na ang luha ko
"Angel, alam kong hindi ka rin papayag. Pero kailangan daw sabi ni Mama. Ayoko din namang umalis dahil sa'yo" sagot niya habang hawak ang dalawang balikat ko
"Paano ito ?" tanong ko habang naka - turo sa puso ko
"Masakit din naman dito eh !" sagot niya
"Mahal kita Albert. Alam mo bang hindi ko lang maamin dahil kinakabahan ako sa sagot mo. Baka mamaya ay hindi mo rin pala ako ...." naputol ang sasabihin ko dahil sa sinabi niya
"Mahal kita. Inisip ko rin yan noon. Na baka may iba kang mahal. Pero sa kinikilos mo pa lang ay nahalata ko na. Hindi ako ganoong manhid Angel" paliwanag niya
"So, ano na tayo ? Iiyak na lang ba tayo dito ?" tanong ko
"Tayo na ba ?" tanong niya
Tumango na lang ako. Bigla niya akong binuhat hanggang bahay. Nakakahiya tuloy sa dinadaanan namin. Masaya ako dahil bago siya umalis ay nalaman namin ang nararamdaman namin sa isa't - isa.
[I Love You] sabi ni Albert sa kabilang linya
[Love You more, Panget] sagot ko naman
Lumipas ang mga araw na masaya kaming dalawa. Hindi nga namin namalayan na sa isang araw na pala ang alis ni Albert.
"Babalik ka dito ah !" naiiyak kong sabi sa kanya
"Babalik ako dito para kay Panget" sagot niya
"Promise ?" tanong ko ulit
"Promise" sagot naman niya
Nakita ko na siyang sumakay ng sasakyan. Malungkot ako dahil matagal - tagal daw bago sila maka - uwi. Kailangan daw kasing asikasuhin ni Tita yung business nila doon. Maraming araw ang nakalipas at wala akong komunikasyon kay Panget. Hindi ko nga alam kung kami pa eh !
I MISS YOU PANGET.
{Sorry kung hindi masyadong maganda. New author pa lang po eh ! Yung ibang part po talaga diyan ay totoo. Katulad ng pag - alis ni Albert. I hope you like it !}
