Chapter 16

1K 54 0
                                    

Alex Reyes.

Nangingig ang buong kalamnan ko ngayon.

Kanina lang ang saya-saya naming nagkukwentuhan ni Alex habang naglalakad tapoa biglang may mga lumapit na saming lalaki.

Piniring pa nila yung mga mata ko kaya mas lalo akong natakot.

Tinali pa nila yung kamay namin pero ramdam ko yung daliri ni Alex na nakahawak sakin.

Kaya kahit paano nabawasan yung kaba ko.

"A-ano bang kailangan niyo samin ha?" Lakas-loob na tanong ko sa kanila pero walang sumagot.

"Wala kayong mapapala sakin. Mahirap lang kami. Swerte ng makakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya pakawalan niyo na kami please." Pagmamakaawa ko.

Teka lang. Hindi kaya si Alex talaga ang pakay nila? Kase diba mayaman siya ng sobra.

Nako. Nadamay pa ata ako. Huhu. Kaso alangan naman iwanan ko tong nilalang na katabi ko diba?

Pinakiramdaman ko si Alex na nakaupo sa tabi ko.

Bakit ganun?

Parang wala akong maramdaman na takot mula sa kanya? Para bang wala siyang kakaba-kaba.

"SAAN NIYO BA KAMI DADALHIN HA?"

"PAKAWALAN NIYO NA NGA KAMI!! ANO BANG GUSTO NIYO? SINO BANG NAG-UTOS SA INYO NA GAWIN TO?? WALA NAMAN AKONG KASALANAN AH! WALA DIN AKONG KAAWAY." Naiiyak na sabi ko sa mga tumangay samin.

Naramdaman ko na lang si Alex na kinakaoa yung pisngi ko.

"Hush. Everything will be fine." She kissed me on my cheeks.

Napanatag ako ng bahagya pero andun pa din yung takot ko.

"NASAN NA BA TAYO? GUSTO KO NG UMUWI AT KUMAIN PLEASE LANG!" Di ko na naman napigilan ang pagsigaw.

Hindi dapat ako magpakita ng takot.

"PERA BA ANG KAILANGAN NIYO? ILAN BA KAYONG DUMUKOT SAMIN? BAKIT PARANG ANG UNTI NIYO LANG? BAKIT PARANG DI NAMAN VAN YUNG PINANDUKOT NIYO? ANG CHEAP HA. SANA MAN LANG NAGDAGDAG KAYO NG KASAMAHAN NIYO. PAG LUMABAN SA INYO TONG SI KATABI KO TALO NA AGAD KAYO E. TSAKA SAANG BODEGA NIYO BA KAMI DADALHIN? SIGURADUHIN NIYONG MAGANDA YANG PLACE HA. TSAKA AYOKO MATULOG SA SAHIG. SENSITIVE YUNG BALAT KO. BAKA NAMAN MAY KUTSON NGA KAYO PERO MAY SUROT NAMAN. AYOKO NUN." Hinihingal ako ng matapos ako magsalita. Nararamdaman ko na parang may magpipigil tumawa sa may harap.

Bakit? Parang di naman ata mga kidnapper tong mga tumangay samin e.

Eh ano namang gagawin nila?

Masisiraan na ko ng ulo. Tsk.

Di ko namalayan ma nakatulog na pala ko habang nakahilig yung ulo ko kay Alex.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon