Collide # 06: One Day

Magsimula sa umpisa
                                    

Teka, di nila alam ang SoPA?! Imposible..

"Don't ask.." bumaba si Jin sa van at hinapit ang bewang ko sa harap nila. "She's coming with us whether she likes it or not.."

Diyos ko! Ako na naman?!

"WHAT THE HELL?!

Bigla naman akong binuhat ni Jin na parang sako.

"IBABA MO AKO!!!"

"No darling, you're coming with us.." sabi n'ya..

D*MN YOU JIN!

++ Yoon Ji's POV ++

Nagtext ako kay Yeo Jin Eonnie na malelate ako ng uwi ngayong araw dahil may practice kami pero sinabi niyang pagkatapos ng klase nila ay susunduin niya pa rin ako. Tumingin ako sa relo ko, wala pa rin si Jungkook habang abala na yung mga kaklase namin sa kakapractice.

"Aish.." limang minuto pa Yoon Ji. Bigyan mo pa ng limang minuto baka natraffic lang yun..

Pero lumipas nalang ang limang minuto wala pa rin siya. Naiinis na talaga ako. Oo, sanay akong naghihintay kasi palagi akong on-time.. but heck! Kaya ayokong partner s'ya eh!

"Yoon Ji? Where's Jungkook?" tanong nung kaklase namin si Eun Bin. Nacurious yata kasi ako lang ang nakaupo dito sa gilid mag-isa, nakanganga at wala pang ginagawa.

"I don't think he's coming.." malditang sabi ni Ye Mi. "Too bad Yoon Ji!" bakas sa mukha niya ang ngiting tagumpay dahil mukhang iindianin ako ng Jungkook niya. Die hard fan psh! Retokada!

"Honestly, I don't know where he is.." asar na sabi ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung nasaan si Jungkook and just the mere thought of it makes me want to punch him right now. Ni isang text wala, nakakadismaya. Pwede naman siyang magpasabi na hindi siya makakapunta.. This is the first time, may next time pa kaya?

"Jungkook's in Gangnam.." sabay pakita ni Ye Mi sa akin ng phone niya at ang twitter update ng BTS ang nakita ko.

Busy?! Busy sa pagpafan service?!

"Awwww!" sabay sabay na sabi nila halata yung pang-aasar sa boses nila..

Pumasok naman yung teacher namin at nagcheck siya ng attendance namin. Sa bawat isang absent ng attendance ay may bawas points and it's freaking 3 points kapag absent. 100- 3? 97 nalang agad ang magiging score namin and its too obvious na mahirap makakuha ng 100 dito sa school paano kung 75 lang grado namin minus 3? damn. 72 nalang? Ganon?

"Park Yoon Ji and Jeon JungKook.." ako lang ang nagtaas ng kamay. Tumaas naman ang kilay ng teacher namin, walang pakialam ang mga teachers dito kung idols o talents ang mga students nila. Everything is equal here. "Minus 3 points since Jeon JungKook did not even bother to informed me that he'll be absent today."

Aish! Bakit kasi by partner ang grading dito.. nakakainis talaga!

Natapos ang practice at lahat sila ay masaya maliban sa akin. Ng magpadismiss na ang teacher namin.. agad naman na naglabasan kami ng practice room. Padabog kong nilagay ang mga libro ko sa locker ko at nung maayos ko na ito at akmang maglalakad na ay nakita kong tumatakbo si JungKook palapit sa akin.

"Yoon Ji.." he shouted pero hindi ko siya nilingon. Asar na asar pa rin ako sakanya. "Yoon Ji.."

I took out my earphones and put them on my ears.. I press play sa iPod ko and turn the volume up..

Colliding Worlds [BTS Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon