uᴉʇᴉq

2.3K 81 9
                                    

Madaling araw na sa America ng makarating silang pamilya. Sinundo sila ni Anne at Sam sa airport. Gaya ng pinangako ni Anne sa kanila noon, siya na ang bahala sa lahat habang nasa America sila.

Anne booked 7 rooms sa hotel. Agad na dumiresto sila doon para makapagpahinga muna bago simulan ang mahabang araw nila. Sarah and Tanch sa isang room. Lomi, Mommy Tess, Davi and Kiana naman sa family room. Sam and Anne, April and Lea, Mae and Lei, Kim and Rona, Karen and Joyce, yan ang hatian ng rooms nila.

Nakapagpahinga lang saglit sina Tanch at handa na sila pa sa kanilang unang lakad, ang pagfile ng kanilang mga papeles para sa kasal. Sinamahan sila nila Kim at Rona dahil sila ang mas may alam dito.

Habang ang ibang natirang bisita sa hotel ay hapon na ng magising. Wala na silang inaksayang oras pa at agad na naglibot-libot sa mga magagandang tanawin sa San Francisco, si Anne naman ang kanilang tour guide.




Lomi: Kung hindi ba naman kakasal ang anak ko eh hindi ako makakapunta ng America. Ang ganda dito.

Tess: Parehas pala tayo Ate. Pero nadala na ako ni Tanch ng minsan London ang byahe nila. Maganda rin doon Ate. Sana sa sunod makabalik tayo doon, kasama na ikaw.

Lomi: Sana nga naman. Kapag naka luwag2x na tayo sa buhay ah noh.

Anne: Di bale mga Tita, baka may anghel na makakarinig sa hiling ninyo eh baka matupad yang wish niyo. *Pagbibiro ni Anne sa kanila.

Kiana: Sama ako Mommy.

Davi: Me too. I wanna come.

At sa oras na yun ay may nabuong plano para sa susunod nila na bakasyon. Libre lang naman mangarap ika nga.











Samantala, kakatapos lang ng filing ng wedding requirements ang ikakasal.


Sarah: Eto na talaga yun Love. Excited na ako para bukas.

Tanch: Ako rin Love, excited na kinakabahan.

Sarah: Kinakabahan ka?

Tanch: Oo, kanina pa'to habang papasok tayo sa City Hall na eto. Kung hindi siguro kita kasama, mahihimatay na ako. Kanina pa ako nagkaka anxiety attack sa lugar. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na tayo. Ang gara2x ng City Hall nila. Basta Love. Nanghihina ako.

Sarah: Oyy Love. Ang lamig2x ng kamay mo. May masakit ba sayo? Tapos naman na tayo, gusto mo ng kumain muna?

Tanch: Gusto ko ng lumabas dito Love. Para akong hindi makahinga.

Sarah: Talaga ba Love? Hospital? Dadalhin kita sa hospital?

Tanch: No Love. Ok lang ako. Kailangan ko lang huminga muna.


Agad na nagmadali na kunin ni Rona ang kanilang sasakyan at umalis na sa City Hall. Huminto sila sa isang restaurant para kumain.


Kim: What happened Tanch? Ok ka lang?

Tanch: I'm ok now Ate. Sorry napag-alala ko kayo. Ewan ko ba sa puso ko bilang bumilis ang tibok neto simula ng pumasok tayo sa hall.

Kim: Palpitations. Excited ka masyado siguro.

Tanch: Excited po Ate pero may iba pa akong nararamdaman bukod doon, kaba siguro, hindi ko alam.

Rona: Nangangamba ka pa ba rito kay Sarah? Hindi ka niya tatakbuhan.

Tanch: Confident naman ako dito kay Sarah Ate. Iba kasi ang feeling sa loob ng City Hall eh. Nakakapagpataas masyado ng anxiety. Normal ba etong nararamdaman ko?

Team TarahWhere stories live. Discover now