"Walang joke-joke rito. 'Kala niyo ha," saad ko. "Kapag nakagat ako," putol ko sa sinasabi at umaktong nangingisay na lumapit sa dalawa. "Kakagatin ko kayo agad," dugtong ko at napangisi nung makitang tila isang makahiya na tumiklop ang dalawa.

Kahit kailan talaga 'tong dalawang babaeng 'to, pakiramdam ko ako ang nanay nilang dalawa.

"Ako na lang ang gagawa, Queen."

Nilingon ko si Niall at inilingan.

"No. Kapag may nangyaring masama sa'yo sa tingin mo kakayanin namin na tumakas?" ani ko.

Nilingon ni Niall ang mga kasama namin at napangiwi ito.

"At least kapag may nangyari sa akin, makakaligtas kayo kasi may lalaki silang kasama bukod doon sa lalaking may sakit," dagdag ko at tinapik ang balikat nito.

Doon ko lang napansin na nakasuot ng hoodie si Niall. Hoodie na pamilyar sa akin. Pero ang kakaibang napansin ko ay parang lumaki ang braso nito, oh dahil lang iyon sa hoodie na suot nito?

"It's your gift during our first christmas party together in the hospital," paliwanag nito kahit hindi ko naman tinanong.

"Okay," saad ko at tumango. I may not say it but I'm happy that he kept my gift. And wow, after all those years? Ibig-sabihin ay lagi niyang dala ang hoodie na niregalo ko. Bakit hindi ko napansin na iyon ang suot niya noong nakita namin siya ni Jelly sa hospital.

Ipinilig ko ang aking ulo at nag-focus na lamang sa sitwasyon namin ngayon.

"I'm going now," saad ko at nagbuga ng hangin.

Kung mamamatay man ako ngayon, okay lang. Mabubuhay rin naman ako ulit, kaso bilang zombie na nga lang.

"Ingat ka, Queen," rinig kong saad ni Jelly na ipinagkibit balikat ko na lang. Hindi naman ako kinakabahan sa gagawin ko.

"Once na makapasok ako sa kotse bubuksan ko agad ang headlight, okay?" saad ko na hinahanda ang sarili sa pagtakbo.

Kailangan kong bilisan dahil madilim at hindi ko sigurado kung ilang zombie ang malapit sa sasakyan.

"Dito na lang kaya tayo habang buhay? Ako ang kinakabahan eh!" mahinang saad ni Zia na kagat-kagat ang kuko sa kamay.

"Tanga ka, paano si Jay at Beans!" angil ni Jelly at tiningnan nang masama si Zia.

Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang pagbabangayan ng dalawa.

"Take care," bulong sa akin ni Niall. Tipid akong ngumiti at muling nagbuga ng hangin.

'One,' bilang ko sa aking isip. 'Two...Three!'

Kusang kumilos ang aking paa palabas ng presinto at walang lingon likod na tinakbo ang distansya ng kotse.

"ARGH!"

"GRR!"

Rinig kong angil ng mga zombie na nadaanan ko. Iginalaw ko ang aking balikat ng maramdaman na may humawak doon.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng passenger seat at binuhat ang sarili papasok. Isinara ko ang pinto at napahawak ako sa aking dibdib ng biglang may zombie na dumikit ang mukha sa bintana ng kotse. Mabuti na lamang ay may mga screen kaming ikinabit sa labas ng sasakyan bilang proteksyon.

"Shit!" mura ko habang habol ang paghinga.

Nanlaki ang mata ko nang biglang gumalaw ang sasakyan. Luminga ako at doon ko lang napansin na napapaligiran ng zombie ang kotse. Tila lahat sila ay dito na nagsilapit.

"Tangina lang talaga!" mura ko muli at dali-daling gumalaw ang aking kamay upang paganahin ang makina ng sasakyan.

Lumikha iyon ng ingay na siyang mas lalaong nagtawag pansin sa mga zombie.

Pinindot ko ang button na para sa headlights. Nawala ang mga zombie na nasa harap ng headlights at nang tumutok iyon sa tapat ng presinto ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nina Niall.

"Lintek na!" angal ko ng muling gumalaw ang sasakyan dahil sa pagkuyog ng zombie.

"Buwiset kayo! 'Pag etong sasakyan tumaob susuntukin ko kayo!" ani ko na nagpailing sa akin.

Nagiging si Zia na yata ako, jusko.

Nakita kong nakatutok sa kinalulugaran ko ang pellet gun nina Niall. Si Jelly at Zia ay panay ang baril sa mga zombie na nasa side nitong passenger seats.

Sa dami ng zombie na nasa side nitong passenger seats kung saan dapat ay papasok sila Jelly ay mukhang malabong mangyari.

Itinapik ko ang aking hintuturo sa dashboard at kagat-kagat ang pang-ibabang labi habang nag-iisip ng paraan.

Bumilog ang aking labi ng makita ang isang lata na nasa sahig.

Dinampot ko iyon at agad na itinambol sa bintana ng pintuan sa driver seat. Gumawa iyon ng ingay na tila pumukaw sa zombie na nasa kabilang side.

Gumalaw ang ulo ng mga zombie at mabibilis na lumipat dito sa side kung saad ko itinatambol ang lata.

Napangiwi ako ng may zombie na naman na magdikit ng mukha niya sa bintana. Buti na lamang at may screen na nakaharang sa labas. Pero kinikilabutan ako sa itsura nila.

Ang talagang nakakatakot sa kanila ay ang mata nilang itim na puro ugat na pula.

Lumingon ako at nakitang papalapit na sina Jelly. Ang kaso lang ay naiiwan sa likod si Niall na akay-akay ang lalaking may sakit.

Hindi ko alam na ganito kahirap magligtas.

Agad na pumasok ang dalawang babaeng iniligtas namin habang naiwan sa labas si Jelly at Zia na binabaril ang mga zombie na nagtatangkang lumapit sa kotse at kay Niall at sa lalaking akay nito.

"Zia pasok na!" sigaw ko ng ilang hakbang na lang ang layo nina Niall.

Pumasok si Zia sa backseat at naglagay ng awang sa bintana at inilabas ang dulo ng pellet gun niya. Si Jelly ay pumasok na rin sa backseat at inalalayan ang lalaki ng ipasok iyon ni Niall. Siksikan silang lima sa backseat dahil hindi pala dumiretso sa pinakalikod ang dalawang babae kaya nahaharangan nila si Jelly at Zia sa pagpasok habang si Niall ay hindi pa nakakasakay rito sa passenger seat.

Isinara agad ni Niall ang pinto ng backseat at siya ang naiwan sa labas.

"Niall!" pasigaw na tawag ko rito at binuksan muli ang passenger seat isinara nito.

"Sakay na!" anas ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na ang katawan nito sa sasakyan.

Isasara na sana nito ang pinto ng biglang may zombie na sumulpot at kinagat ang braso nito.

"Oh my god!" gulat na anas ko at naitakip ko na lamang ang aking palad sa aking kamay dahil sa gulat.

"Tangina!" rinig kong mura ni Zia mula sa likod.

"Nial, shit shit!" mura rin ni Jelly at hinampas ng pellet gun ang ulo ng zombie. Bumitaw ito sa pagkakakagat sa braso ni Niall at naiwan ang bakas ng laway at dugo nito sa tela ng suot na hoodie ni Niall.

Isinara na ni Niall ng tuluyan ang pinto ng passenger seat.

Muling nagkumpulan ang mga zombie at kinuyog ang sasakyan.

"N-Niall," tila nanghihinang tawag ko sa kanya.

"Anong ginagawa niyo? Pababain niyo na 'yan! Nakagat na siya ng zombie!" singit ng kung sino.

"Manahimik ka!" rinig kong saad ni Jelly sa babaeng mataray na iniligtas namin.

"Kung mayroong dapat pababain dito, ikaw 'yon! Wala ka namang dulot!" saad rin ni Zia.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Niall na walang emosyong ipinakikita.

"Niall naman," anas ko at naramdaman ang pag-iinit ng sulok  ng aking mga mata.


senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now