Makailang oras pa silang nagtawanan ni Nicole. Kahit anong pagmamakaawa n'ya sa gilid ay hindi ko s'ya pinatikim ng iniinom naming alak. Dalawang araw nalang kasi ang meron s'ya para magpagaling dahil matatapos na ang sick leave at kailangan n'ya nang bumalik sa academy.


Mabuti nalang kamo, the same day na babalik si Ranz ay nagsuspend ng class 'yung professor ko, 3 units pa naman 'yon. Kaya nagawa kong ihatid si Ranz pa-Zambales. Pinilit pa n'ya ako na huwag na syang ihatid at magpahinga nalang o gumawa ng plates but I insisted.


Long drive din iyon, baka mabinat pa 'tong pasyente ko.


"Kailan ka na uli lalabas?" I asked before dropping him off at the boarding house.


"Weekend, maybe," Ranz answered.


"Weekend weekend? Or next weekend?"


"I'd have to catch up on the tasks I missed during my leave. Kung makalabas man ako this Friday night, baka dito muna ko kila ate Juls. Uwi ako next weekend, babe," oh wow, he sounded like a long-time boyfriend, updating me about his plans.


Not so used to this, though.


"Eww, are we actually having an endearment?"


"No ma'am, sorry ma'am," he said in a very formal tone. Nang-aasar, obviously.


"Sige, mang-asar ka ha. Pagbaba mo ng sasakyan ko, aatrasan kita para matuluyan ka na," I rolled my eyes in annoyance.


"Ang tapang mo gumanyan, hindi mo naman kaya,"


"Alam mo, gagawa pa ako ng plates mamaya. Kung iinisin mo lang ako, bumaba ka na bago kita masapak, asshole," threat ko at pinanlisikan ko pa s'ya ng mata.


"Asshole? Eh bakit mo ako jinowa? Pumapatol ka pala sa butas ng pwet," he chuckled before grabbing his bag at the backseat.


See? Hindi talaga s'ya nauubusan ng hirit 'diba?


"Don't use your phone while driving, and update me when you arrived home, okay?" he reminded. "Tatawag ako bago mag-aboard."


I nodded.


"Are you sure you're feeling well na?" huling tanong ko.


"Yep. Parang feeling ko nga dapat nag-nurse ka nalang imbis na artist," Ranz giggled.


I did my last eye roll to him before I unlocked the car door.


"Take care, babe," I whispered, na obviously, narinig din naman n'ya kaya lumingon sya sa akin at lumapit. We kissed for almost a minute bago s'ya finally nag-let go at bumaba ng sasakyan together with his things.


"Drive safe, baby," he said before closing the door. Kumakaway pa habang nagda-drive ako papalayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sea BridgeWhere stories live. Discover now