SB 7

30 1 1
                                    

R-18, read at your own risk.


--

"Pau, ihatid mo muna sila sa boarding. Eli, Ranz, maiwan kayo, mag-uusap tayo." Ram said, sounding authoritative.


I was too worried that before walking with Pau and the girls, lumapit muna ako kay Ranz para siguraduhing magiging okay ang lahat.


"Uuwi ka ba mamaya?" I asked.


He cupped my face. Nabasa n'ya siguro sa mukha ko ang labis na pag-aalala.


"Uuwi ako." sagot n'ya. "I'll be fine."


"Hindi ako matutulog hanggat wala ka, ha."


Ngumiti s'ya at tumango. Saka ako tumalikod at sumunod sa paglalakad kila Pau.


Bumalik kami sa boarding house at around 11pm. Ang iba ay nagbihis na ng pantulog pero naiwan akong nakatulala sa may dining table ng boarding house.


Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Ni hindi ko rin nga alam kung ano bang dapat kong ipag-alala, pero may masama akong kutob.


"Tsaa." Ley offered me a cup of tea.


"Thank you."


She sat in front of me. Marella, Justin, Nicole and Pau followed. Nakabihis na sila at nagtatanggal nalang ng makeup ang girls.


"Narinig ko lang kanina sa mga co-1CL ko. Nagkasalubong daw yung kapatid ni Eli saka si Ram, tapos nalaman nila na parehong nawawala si Eli at Nicole. Kaya ayun, pinahanap ni Ram sa mga naka-duty 'yung dalawa. Nakita sa likod ng foxtrot." panimula ni Justin.


Nilipat ko ang tingin ko kay Nicole at nakita ko s'yang nakayuko lang.


"Bakit pati si Ranz, pinaiwan?" tanong ko.


"Nako, medyo kupal si sir. Si 3CL Serrano nagcomply ng partner n'ya eh, kaya baka 'yon ang pagbuntunan." si Pau ang sumagot.


"Kasalanan ba ni Ranz na ang boring n'yang partner? Kahit sinong babae tatakasan s'ya no!" komento ko.


Nag-angat ng ulo si Nicole nang marinig na hindi ko naman s'ya sinisisi. Dahil hindi naman talaga. Nag-aalala lang ako kay Ranz.


"Sorry." mahinang sambit ni Nicole.


"Girl bakit n'yo ba kasi naisipang magtanan ni Eli?" tanong ni Marella na nasa tabi n'ya.


"W-wala. Boring."


"You're lying." I said upon hearing her answer.


Nicole is a very outspoken woman. Nagsstutter sya sa mga oras na 'to and that means, may hindi s'ya sinasabi sa'min. Hindi ko na napigilan dahil gusto ko rin talaga malaman kung bakit n'ya iniwan si Ram para sumama kay Eli. Hindi naman bastos si Nicole para gawin 'yon ng walang dahilan.

Sea BridgeWhere stories live. Discover now