Day 1.

10 6 4
                                        

This is the first day, na wala siya.

He left me, alone. Akala ko noon may forever, hindi na nila kami mapag-hihiwalay, na kami na talaga ang para sa isa't-isa.

Hindi ko akalain na mawawala lang siya sa'kin ng dahil sa matapobre niyang nanay.

Masakit 'yon syempre.

Ikaw ba naman ang iwan ng taong bumubuo na ng buo mong pagkatao?

Unang araw pa lang pero miss na miss ko na siya. Ano bang puwedeng gawin para makita kita kahit isang beses lang?

Binisita ko siya kanina, hindi ko kinaya, nawalan ako ng malay. Dinala pa nila ako sa ospital pero pag gising ko siya pa din ang hinahanap ko.

Hindi ba puwedeng mag-sama na lang kami, yung masaya?

Gusto ko siyang makita pero hindi sa ganitong paraan. Yung nasa kabaong na siya.

Para na rin akong pinatay nung nakita ko siya kahapon, duguan, walang malay. Akala ko lalaban siya, iniwan niya ako.

Sinubukan kong bumalik doon sa burol niya kaso ayaw ko siyang makita diyan.

Tinitigan ko na lang ang litrato niya sa aking cellphone buong araw. Nagbabasakaling lalabas siya doon. Mukhang tanga hindi ba? Pero 'yon talaga ang nasa isip ko.

Gusto kong makita ka, buhay, yakap ako, at sasabihing mahal mo ako.

Mahal? Bumalik ka na.


Pag-tulog ko, nandoon din siya.

Sinabi niya din sa'kin doon na iiwan na niya ako, na mahal niya ako pero kailangan mo ng umalis.

Yung huli niyang sinabi sa'kin bago ka mawala, 'yon din yung sinabi niya sa panaginip ko.

Parang pinapamukha niya sa'kin na ayaw na niya.

Ayaw na ba niya sa'kin? Bakit hindi siya lumaban?


Nung tinignan ko ang orasan alas-diyes pa lang.


Hindi na ako makatulog. Yinakap ko na lang ang aking unan at iniimagine na siya 'yon.

Umiyak ako ng umiyak, nagbabasakaling mawala ang sakit.

Naalala ko yung mga panahon na siya yung nandito sa tabi ko.


Hindi ko kaya 'to. Bakit ba ako pinapahirapan? May ginawa ba akong kasalanan? Ano ba ang mali sa'kin?


Nag-dasal ako ng nag-dasal ng gabi 'yon. Pinapanalangin kong bumalik siya.


'Di ba siya naaawa? Gusto ko lang na makita siya! Bakit hindi niya 'yon gawin?! Ngayon lang ako humingi ng tulong sa kaniya! Humihingi ng milagro!


Kahit isang beses? Wala bang pag-asa?


Iniyak ko na lang ulit 'yon habang yakap ang aking unan. Naaamoy ko pa din ang kaniyang pabango rito. Iyon ang kaniyang paboritong unan.

Napangiti ako sa isipin na yakap ko ang kaniyang paboritong unan, yakap ko siya.


Narito sa kuwarto ko yung paborito niyang pabango.Itatago ko iyon, para maala-ala ko siya palagi. Kahit naman pala wala 'yon sa'kin narito pa din naman siya.


Nung gabing iyon nangako ako sa kaniya na siya lang ang lalaking mamahalin ko, wala ng iba

After The Day You Bid Goodbye (On-Going)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora