"Iba talaga kapag fangirl mode na." Natawa ako at sumang-ayon sa kaniyang sinabi.

"By the way, what's your plan in Christmas?" tanong niya, biglang sumagi sa isipan ko si Jranillo, parehas kasi sila na nagtanong sa akin nito.

"Sa bahay lang ako, kasama syempre iyong pamilya." Ngumiti ako. He put his right hand on the pocket of his jeans. Ilang sandali lamang ay tumunog ang kaniyang cellphone.

"I just going to answer it." Tumango naman ako.

"Masaya ba ang lahat?" sigaw ng lead singer na si Kean Cipriano, humiyaw naman ang lahat, mas lalo pa dumadami ang nais manood.

"Dapat lang maging masaya, kahit wala na siya. Woah!" dagdag pa nito, naging iba't-iba naman ang emosyon ng narito, may natawa at may napansin pa akong naluluha.

Inikot ko ang aking paningin at nagulat ako sa tao na aking nakita. Jranillo's with Emmalyn, nagtagal pa ang tingin ko sa kanila bago iniwas ang aking tingin. I don't want them to see me, ayoko na magkasama silang lumapit pa sa akin kaya naman kaunti na lang ay halos ipakat ko na sa buong mukha ko ang aking buhok.

Kung hindi na sila ni Chelsea, it still not going to be me again, o hindi naman talaga naging ako? Ipinilig ko ang aking ulo sa naisip.

"Are you ready?" maya-maya ay sigaw muli ni Kean na siyang mas ikina-ingay, ang ilan ay mas lumalapit na din sa harapan, hindi tuloy maiwasan na maipit na ako dito.

Kinuha ko ang aking cellphone para sana i-text si Raldon kung nasaan na siya, ngunit muntik ko pa mabitawan ang aking cellphone ng may makabunggo sa akin mula sa likod.

"Sorry," sabay naming bigkas, with his new clean cut and a dazzling eyes, napa-urong ang aking mga paa, ngunit may ilang katawan din na nabunggo sa akin dahil siksikan na.

He gently grabbed my waist and pulled me out of the crowd, and now I can see his whole existence. He's wearing a Korean fashion short-sleeved polo printed with small guitars, a black slim-fit chinos, partnered with genuine leather white sneakers, and a bulova chronograph white dial watch on his left hand that made him more jaw-dropping.

"Are you alone?" Natauhan lamang ako ng magsalita siya.

"N-No, I'm with Jen and his boyfriend. At saka kasama ko din si R-Raldon." My throat tightened, I wanted to pinch myself for stuttering.

"Ikaw?" tanong ko, kahit pa alam ko naman na marahil ay nag-date sila ni Emmalyn.

"I'm with Lui." Hindi ko maiwasan na bahagyang itaas ang aking kilay.

"And with the one, you're courting," I whispered these words as a statement. He tilted his head.

"What?" Mahina akong tumawa.

"Ang sabi ko, ang tagal naman kumanta,", palusot ko.

"Emmalyn's engaged with Lui, I'm not courting her. I do have a girlfriend and she's actually here beside me right now." Napatitig ako sa kaniya, ngunit nag-iwas din ako ng tingin at pinili na lamang hanapin si Raldon. Sa tingin ko ay hindi ko makakayanan ang tibok ng aking puso.

"Finding Raldon, huh?" I glance at him, it seems sadness clouded his features. I took my sight away from him, as I added a distance between us.

"Para ito sa mga taong hindi pa rin maka-move-on, dahil umaasa na may babalik pa!"

"Sa unang hampas ng drum stick, sabay-sabay nating itaas ang ating mga kamay!" Maingay sa paligid, ngunit sa tibok ng puso ko lamang ako nabibingi. The touched of him, he still really have an effects on me.

Wala na'ng dating pagtingin

Sawa na ba sa 'king lambing?

Wala ka namang dahilan

Bakit bigla na lang nang-iwan?

My heart tightened in fear, that after a year, is it the truth, that the wind never really take him away from my heart.

Napalunok ako, humigpit ang hawak ko sa sling bag na gamit ko, ni halos hindi na akong naggagalaw ng aking leeg dahil natatakot akong magtama ang aming paningin. Nagpatuloy ang pagkanta na sa stage lamang ang aking tingin.

I can't move my eyes even a little, but I know that he's still here, because my heartbeat's still in race.

Hindi ko na tinapos ang kanta at umalis na ako. Naglalakad na ako papunta sa exit ng makita ko ang mensahe ni Raldon.

"I'm so sorry Juliana, hindi na ako nakapagpaalam, I have an emergency about my client." Pagkatapos ko tumugon sa kaniyang mensahe ay nagtipa naman ako ng mensahe ko kina Jen na mauuna na akong umuwi. Patuloy ako sa paglalakad ng mayroong humawak sa aking braso, napalingon ako kung sino iyon. It's him, the man who never fail to made my heart race, the man who never fail to made me feel this joy yet this pain.

"I will not let you go. Magu-usap tayo, Hulya." I want to accept this happiness, but I want to cry, because I know that to feel this happiness means to feel the pain too, knowing that we can't go back to what we were back then.

Umabot kami sa parking lot na pinigilan ko ang aking sarili na magsalita. Nang huminto kami ay walang emosyon kong sinalubong ang tingin niya.

"Iyong kamay ko." Napakurap siya, pagkatapos ay dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay. Tahimik ang kapaligiran, hinihintay ko siyang mag-salita.

Isa't kalahating oras na kami sa loob ng kaniyang kotse, nang dahil sa kaniya ay mas mauuna pa ata na maka-uwi sa akin sina Jen at Marco. Nasaan ang pagu-usap dito? Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, it's already 8:54 in the evening.

"Uuwi na ako." Akmang lalabas na ako sa kaniyang kotse ng marahan niyang hinawakan ang aking braso, hindi ko na napigilan pa na magsalubong ang aking kilay, tinanggal ko ang pagkakahawak niya doon.

"Don't waste my time, Esguerra." I saw the tiredness in his eyes, hindi ko kinaya na patagalin pa ang tingin ko doon. Naging malalim ang aking pagbuntong-hininga.

"Magu-usap tayo hindi ba? Heto oh! Nagpahila na ako sa iyo dito."

"Tungkol saan ba ang pagu-usapan natin? About when's the releasing of student's grades? About the language advocate for second semester? Sabihin mo na, baka hindi na maulit 'to," tuloy-tuloy ko na sabi sa kaniya.

"I want to talk about us," he said in a deep voice, natigilan ako.

"Hmm, about us? Wala namang tayo." Hindi siya agad nakapagsalita.

"You change a lot, from your style, the way you talk. Back then, you really hate crowded places." Umangat ang gilid ng aking labi, itinuon ko sa gawing bintana ang aking tingin, kahit nakasara naman ito.

"I didn't change, it's my improvement. Even though I'm aware of my flaws, even I asked why I'm not pretty like others, I'll never change myself to please other people to like me."

"Madami akong tanong sa'yo..." Napalunok ako.

"Gusto ko manggaling talaga sa bibig mo kung bakit bigla mo nalang ako iniwan noon?" The pain crushed me.

"Mahalaga pa ba na malaman mo?" My voice became brittle.

"I want to know, please tell me why you leave me drowning in questions? Please, love..." Napapikit ako ng mariin, naramdaman ko na nag-init ang gilid ng aking mga mata.

"Para sa akin ay matagal na tayong tapos. Hindi na ako umaasa na babalik pa iyong dati, ayoko na." Hindi siya nagsalita, humigpit ang hawak ko sa sling bag na nasa aking gilid.

"Uuwi na ako." Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng magsalita siya.

"Ihahatid na kita." Nagawa ko pa siyang lingunin, his face is in a blank expression now, diretso lamang ang tingin, ngunit napansin ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto, ibinagsak ko ang sarili sa kama at tahimik akong umiyak. May karapatan ba siya na magkaroon ng katanungan? Hindi ba dapat ay alam niya na ang kasagutan?

I forgot, that even in a fairytale, the protagonist needs to break first before having a happy ending. Ang tanong, may happy ending nga ba sa tulad ko?

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now