Chapter 8 - Thanks

1.1K 10 4
                                    

     I can't believe what just happened! Hinatid kami ni Jeric sa bahay ni grandma! Nakakahiyang ewan. I wasn't really expecting na mangyayari 'to. Siya pa talaga ang nakakita sakin nung nasira si Jazzie.

     Speaking of Jazzie, ano na kayang nangyari sa car ko? 

     I'll deal with that later, okay naman siguro yung tinawagan ni Jeric kanina. Besides, alam ko kung saan siya nakatira kaya hindi niya ko pwede lokohin. Katapat lang ng bahay ni grandma ang bahay nila. 

     Hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid niya si Dalbert (na Louis na ang tawag ngayon), dati lang nakakalaro naman yun eh. Pero bakit nga kaya hindi nakipaglaro si Jeric samin noon? Ano kayang probema niya?

     Kumain na kami ng dinner nila Moli at grandma. Ang tagal ni mom eh. Overtime daw siya, nagtext siya kay Moli. Hindi ko pa nachacharge ang cellphone ko dahil wala akong charger, iba naman ang phone ni Moli kaya hindi ako makakahiram ng charger sa kanya. 

     "Oh mga apo, kamusta naman ang mga pag-aaral niyo?" tanong ni grandma samin ni Moli.

     "Okay naman po, grandma. Medyo mahirap kasi madami po kaming case studies," sabi ko naman.

     "Ako naman, grandma, mahirap pero masaya! Nagdedesign na kami ng loob ng bahay," sabi naman ni Moli.

     "Oh next time, apo, ikaw na ang mag-design netong bahay ko pag nagpa-renovate ako ulit ha," sabi ni grandma kay Moli.

     "Oo naman, grandma! Gusto ko yun!" sabi naman ni Moli.

     Patuloy ang pagkkwentuhan namin nang dumating naman si Mommy.

     "Yannie! Anong nangyari sa'yo kanina? Hindi ko nasagot tawag mo kasi nagmeeting pa kami nung mga engineers sa site. Sabi naman ni Jeric nahatid ka daw niya dito. Thank God at may mga gentleman sa mundo!" sabi ni mommy.

     Wait! Did I hear that right?? Sabi ni Jeric?

     "Mom? Nakausap mo si Jeric?" I asked her.

     "Yes. Habang nasa daan ako. Yun lang kasi yung time na nacheck ko ang phone ko. I saw 5 missed calls from his number kaya tumawag ako. He told me na nakigamit ka daw kanina." sabi naman ni mom.

     "Whatelse did he say, mom?" tanong ko naman ulit.

     "He said na pinakuha niya yung kotse mo sa kakilala niyang mekaniko," sabi ni mom. "Wait, nameet ko na ba yung Jeric na yun? He's name is a bit familiar."

     Umubo naman kunwari si Moli. I glared at her. Not now Moli. Not now. Not in front of grandma.

     "He's a schoolmate, mom." I told her.

     She just looked at me, but not just a normal a look. Yung tungin na parang sinasabi niyang You have to tell me later whatever's going on.

     "Jeric? Yan ba yung anak nila Maricon? Yung nakatira dyan sa tapat? grandma asked.

     "Yes, grandma. Ang bait nga ni Kuya Jeric eh. Sinabay din niya din ako kanina." sabi naman ni Moli.

     -_____________-"

     "Ha? Sinabay ka din ni Jeric kanina? How come?" nagulat namang tanong ni Mommy.

     "Eh kasi mom, sinundo niya si Dalbert, I mean Louis. Tapos nakita nila ko, ayun. Nagulat nga din ako eh, kasama niya pala niya si Ate." sabi ni Moli.

     "Naku, mabait naman palang bata yang si Jeric. Dapat pasalamatan natin siya," sabi ni Grandma.

     Sakto namang bumili ng dalawang box ng cake si Mom sa Red Ribbon.

I Didn't See That One ComingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon