"Lola, you can seat here beside me." Ngumiti ito nang pagak. Nginitian lang ito ng matanda pabalik.

"Jared, get some plate and spoon." Isa na namang binatilyo ang tumayo at kumuha ng plato pati kubyertos saka inilagay sa harapan ng matanda.

"Salamat, hijo."

"Wala po 'yon." Ngumiti rin ito saka bumalik sa dating upuan. Nagsimula na silang kumain na nabalot lamang ng nakakabinging katahimikan. Pagkatapos nilang kumain ay naghugas na ang ginang na nagbukas ng gate kanina para sa matanda.

"Lola, may matutuluyan ho ba kayo ngayong gabi?" tanong ni Anderson, ang padre de pamilya.

"W-wala ho, ako'y isang hindi isang hamak na palaboy lamang, walang tinitirhan."

"Kung gusto niyo po rito muna kayo pansamantala."

"Kung inyong mamarapatin? Hindi naman po ba ako pabigat?"

"Nako, lola, ayos lang 'yon. Mga anak, dito muna kayo, ihahanda ko lang 'yong guest room," aniya saka sumagot ang lahat ng anak niya ng 'Yes, dad.'.

She looked straight in the eyes of each of them.

"Kayo, kayong mga bata kayo." May kasama pang pagturo ng daliri sa bawat isa sa kanila. "May isang taong darating sa bawat buhay n'yo, ngunit hindi sa inaasahang panahon, maaaring ito ay isang panganib o hindi, kaya ibayong pag-iingat mga iho ang inyong gawin."

Napatingin naman sa isa't-isa ang magkakapatid na may kasamang pagtataka sa kanilang mga mata.

"Alam kong may mga katanungan kayo ngunit ipanatili n'yo na lamang ito sa inyong mga sarili."

Nanlaki ang mga mata ng magkakapatid at hinayaan na lang ang matanda na pagsabihan sila. Sa isip-isip nila na ay nababaliw na ang matanda sa pinagsasabi nito.

Natawa si Luke sa kaniyang isipan.

"May isang mahalagang tao ang mawawala sa inyong lahat, mahalin n'yo lahat ng mahal n'yo sa buhay."

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ng matanda ay biglang dumating si Anderson na kakababa lang sa kanilang hagdanan.

"Sino po ang namatay, lola?" the father asked the old lady.

"Paumanhin, seniyor. Hindi ko ho mabatid kung sino ito at kailan," nakayukong sabi ng matanda.

Puno ng katanungan ang lahat ng isip ng magkakapatid maging ang kanilang ama. Ang kanilang ina namang naghuhugas ng kanilang pinagkainan ay nakikinig rin sa kanilang pag-uusap ay hindi rin mawari ang iniisip. Gustuhin naman nila na magtanong pa ay baka mabastos lang nila ang naturang matanda.

"Iyon lamang ang nakikita ko sa inyong lahat," ani ng matanda. "Maaari ninyo ba muna kaming iwan?" Turo nito kay Austin na napa-angat ng tingin. Siguro ay kanina pa siya hindi nakikinig sa sinasabi ng manang.

"Wala naman akong gagawing masama, gusto ko lang siya kausapin," dagdag ng matandang babae.

Nakita ng matandang babae na nagsialisan na ang lahat ng kapatid ni Austin. Ang ilaw ng tahanan naman ay napatingin kay Anderson. Umiling lamang si Anderson na para bang naiintindihan ang titig sa kaniya ni Jimena.

Lingid sa kanilang kaalaman ay nababasa ng matanda ang kanilang iniisip. Muling lumapit si Jimena sa kaniyang anak na si Austin na nakatabing upo sa kabisera ng lamesa.

"Austin anak, mag-ingat ka ha? Hindi naman sa sinusumbatan ko si nanay, pero hindi na natin alam ano ang mangyayari at ano ang kaya niyang gawin. Sumigaw ka lang at tumakbo papalayo sa kaniya kapag may ginawa siyang kakaiba sa 'yo. Naintindihan mo ba?" Tumango lamang si Austin sa itinuran ng kaniyang ina.

"Opo, ma."

Tumango si Jimena at tinanguan din ang asawa saka umakyat sa ikalawang palapag ng kwarto at isinara nang bahagya ang pintuan.

"Hijo, alam kong hindi ka nakikinig sa akin..." pagsisimula ng matanda. Tumayo ito at lumipat sa kaninang pwesto ng padre de pamilya.

"Sorry po, lola," pabulong na sabi ng batang si Austin.

"Ayos lang yon, hijo, basta itong mga susunod kong sasabihin ay sana pakatandaan mo. Ilang taon ka na ba?"

"Labing lima na po."

Natatakot naman si Austin ay sumagot pa rin siya sa matanda. Nag-umpisa nang magsalita ang matanda sa pabulong na paraan para paniguradong walang makakarinig sa kanila.

"Balang araw ay magiging tagapasunod ka ng isang malaking grupo ng tao. Base sa aking nakikita'y maraming dugo ang dadanak, maraming buhay ang mawawala, maraming buhay ang kakailanganing isakripisyo at maraming buhay ang mailalagay sa panganib."

"Sa aking pangitain, ito'y nananatiling lihim at kaunting tao lamang sa daigdig ang nakakaalam ukol sa grupong ito. Kapag dumating ang araw na bumagsak ang pinuno mula sa kaniyang matayog na paglipad ay ikaw ang hahalili sa kaniyang maiiwang puwesto, ngunit ibayong pag-iingat. May karibal ka sa puwestong ito kaya maghanda ka."

"Magkakaroon ka ng kapangyarihang gugustuhing maangkin ng lahat ng taong napapaligiran ka. Dapat mo ring makontrol nang maayos ang kapangyarihan at katungkulang ipagkakaloob sa iyo dahil kung hindi mo ito magagawa ay mas maraming buhay ang mawawala at ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ng organisasiyon pagkalipas ng ilang siglo nang ito'y maitatag."

"Huwag na huwag kang gagawa ng hakbang na hindi mo alam kung saan ang patutunguhan dahil maaari kang maligaw. Marapat lang na alamin mo kung sino ang maaapakan at mailalagay sa panganib sa hakbang na iyong gagawin."

Tinapik ng matanda si Austin saka ito pinakatitigan sa mata.

"Naintindihan mo ba?"

"O-opo, lola."

"Anak, alam kong sa buong buhay ko'y ito lang ang misyon ko, ang mabago ang takbo ng buhay. Sana ay pinakinggan mo ang aking itinuran at ipinangaral." 

Tumango si Austin kasabay ng pagtayo ng matanda. Naglakad ito papunta sa pintuan ng sala hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin.

TheButterflyReturns © 2020

Fontabella 1: The Businessman's Trap [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon