FGHC

46 3 1
                                    

Fat Girl's Huge Crush

Once upon a time, may isang munting prinsipe na nakatira sa isang mataas na tower.

Hindi siya makababa dahil hinihintay niya pa ang prinsesang tutulong sa kanya upang makababa at susundo sa kanya patungo sa isang malaking palasyo.

Sinasabi na dapat halikan ng prinsipe ang prinsesang magliligtas sa kanya bilang pasasalamat.

Hindi naman nabigo ang munting prinsipe dahil isang araw ay may natanaw siyang isang batang babae sa may paanan ng tower na kanyang kinalalagyan.

Agad niya itong tinawag at napatingala naman ito upang magtama ang paningin nila.

"Ikaw na ba ang prinsesang tutulong sa akin??" Tanong ng munting prinsipe sa batang babae.

Hindi naman nakasagot agad ang batang babae dahil namangha siya ng todo-todo sa kagwapuhan ng munting prinsipe.

Ilang beses pang tinawagan ng munting prinsipe ang batang babae ngunit di pa rin nasagot ito.

Nainis ang prinsipe kaya naman hinulugan niya ng isang kendi ang batang babae upang mabalik ito sa huwisyo.

"H-ha? A-ah...A-ano....o-oo! Ako nga! Pero di ko pa kaya dahil maliit pa ko! Hintayin mo ko, pag lumaki na ko ibababa kita diyan! Pangako!!! Princess nga pala ang pangalan ko!"

Natuwa naman ang prinsipe sa narinig kaya naglulundag ang puso nito sa galak.

"Sige! Hihintayin kita Princess!! Kahit gano man katagal!"

Matapos ng pag-uusap ay agad na umalis ang batang babae.

Lumipas ang ilang taon, tahimik pa ring naghihintay ang prinsipe. Di kagaya noon, tumangkad na ang prinsipe, gumanda lalo ang pangangatawan, at lalong gumwapo. Minsan nga eh tinititigan niya ang sarili sa salamin at bigla niya na lang masasabing, "Tsk ang gwapo ko talaga!"

Di pa rin siya nawawalan ng pag-asa na babalikan siya ng batang babae noon. Nai-imagine kung ano na ang itsura nito. Sa isip-isip niya, siguro sobrang ganda niya na ngayon..

Naantala ang pagmumuni-muni ng prinsipe nang makarinig siya ng boses ng isang babae. Agad siyang dumungaw sa bintana at hindi niya inaasahan ang kanyang nakikita..

Imbis na isang magandang dilag, isang matabang dilag ang nasa ibaba.

"Miss! Naliligaw ka ata?!" Tanong ng prinsipe sa babae.

"Prince! Hindi mo ba ako natatandaan??!" Sabi ng babae.

"Hindi! Si princess ang hinihintay ko! Hindi balyena!"

Na-offend naman ang babae sa sinabi ng prinsipe. Kaya naman binato ng babae ang prinsipe ng isang kendi at sakto namang tinamaan ito sa ulo.

"Aray! Ba't mo ko binato?!" Kinuha ng prinsipe ang kending binato ng babae at laking gulat niya ng makitang ito ang kending binato niya kay princess noon.

"Ano? Naniniwala ka na??!" Tanong ng babae.

"I-ikaw si P-princess?!" Natatandaan ng prinsipe na sinabi ng batang babae na ibaba siya nito sa tower pag 'lumaki' na ito. Di niya naman akalain na, 'literal' na lumaki. Atsaka, ilang taon na ang lumipas..expired na tong kendi na to..=_=

"Oo! Kaya maghanda ka ibababa na kita dyan!~" bigla na lang may tinibag ang babae sa may paanan ng tower. Akala ng prinsipe, ay paguguhuin na ng babae ang tower para siguradong laglag siya. Pero laking gulat niya nang huminto na ang babae at parang pumasok ito sa kung anong pinto.

Teka? Pinto???

Maya-maya pa ay umangat ang isang bahagi ng sahig sa tower na tinutungtungan ng prinsipe. At lumabas dun ang matabang babae.

"My Prince ililigtas na kita dito!~ kiss me na!~"

Papalapit na ng papalapit ng papalapit ang babae para lapastanganin ang labi niya ng biglang............

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!"

*BOOGSH!*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fat Girl's Huge CrushWhere stories live. Discover now