💜Kakapit kahit sobra ng masakit💜

4 4 4
                                    

💜 KAKAPIT KAHIT SOBRA NG MASAKIT 💜

I
Hindi ako naniniwala sa Love at first sight

Pero simula nung makita kita Im falling tight

Nung nakita kita biglang huminto ang oras at tumigil sa pag-ikot ang mundo

Yung tipong ikaw at ako lang ang nag-exist sa mundo

II
Tayo'y nagkakilala hanggang sa tayong dalawa'y magkasama

Magkasamang ngumiti, umiyak at tumawa

Lahat ng naisip nating kalokohan ay ating ginawa

Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita

III
Isang araw ika'y nagtapat ng pag-ibig sakin

Sa wakas ika'y mapasakin na rin

Dumating ang malakas na bagyo sa ating relasyon

Sana isa lamang itong imahinasyon

IV
Pero sa kabila ng ating mga pagsubok

Tayong dalawa'y hindi madaling sumuko

Mas naging matatag tayo higit pa sa ating inaakala

Ang pagmamahalan natin ay mas lalong lumala

V
Akala ko okay na ang lahat, akala ko ikaw at ako hangang sa huli

Pero hindi, ang pagmamahal ko sayo'y isa palang pagkakamali

Ginamit mo lang ako para siya'y iyong makalimutan

Mahal pwede bang huwag mo nalang akong bitawan?

VI
Hahawakan ko ang kamay mo ng napakahigpit

Kahit alam kong sobra ng masakit

Kakapit ako hanggat alam kong may pag-asa pa

Kakapit ako hanggat alam kong kaya ko pa

VII
Ganyan kita Kamahal aking sinta

Pwede bang hayaan mo nalang ako mahalin ka?

Dahil alam kong darating din ang araw na ako'y susuko sayo

Kapag hindi na kaya ng puso ko

VIII
Ngunit sa kabila ng aking ginawa binitawan mo ang puso ko

Baka oras na para ako'y sumuko

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, limang hakbang papalayo sayo

Hanggang dito nalang tayo, paalam na mahal ko.

🌟

AlgaeKyeopta7 Poem CollectionWhere stories live. Discover now