💜 Alkoholismo 💜

0 1 0
                                    

"Alkoholismo"

Isinulat ni: AlgaeKyeopta7

Alkoholismo, ito ay isang salita
Na mayroong labing isang letra
Ngunit milyon-milyong tao ang gumagawa
Lalaki, babae, kabataan man o matanda

Ito ang kanilang paraan para makalimot
At maibsan ang kanilang lungkot
Ngunit ito ay nagdudulot ng kasamaan
Sa pag-isip at pag-uugali lalo na sa kalusugan

Alak ang siyang komokontrol sa isipan
Dulot nito'y gulo at kapabayaan
Kaya kabataan ito'y huwag gawin
Para buhay mo'y maging malikhain

Buhay ay dapat nating alagaan
Para makamtan ang magandang kalusugan
Buhay ay dapat nating mahalin
Para magandang buhay ay ating aanihin.

@AlgaeKyeopta7

AlgaeKyeopta7 Poem CollectionМесто, где живут истории. Откройте их для себя