💜Ang aking pagtatapos💜

0 0 0
                                    

💜Ang aking pagtatapos💜✨💐🥳

Haka haka nila ako'y hindi makapagtapos

Dahil isa lamang akong ulilang kapos

Kapos sa pera, walang makain, at damit koy napakagusot

Araw at gabi, ako'y kumayod para may maitostos

Lahat sila saki'y walang tiwala

Sino ba naman ako para sila'y mapahanga

Isa lamang akong konstruksyong trabahador

Kaya ako'y pinagtatawanan dahil sa taglay kong trabaho

Ako'y walang kaibigan at tulong na mahingan

Kaya ako'y nagsikap mag-isa para buhay ko'y may kaginhawaan

Buhay na wala, ngunit panaho'y darating ako'y magka meron

Merong makain, damit na maisuot at mamahaling cellphone

At ito ang panaho'y aking hinihintay

Sa wakas ako'y nakapagtapos at saya ko'y walang humpay

Sarili ko'y napatunayan na ako'y may kakayahan

Kakayahang makapagtapos kahit karanasan ko'y may kapaitan

Yong tinatawag niyong kapos

Ngayong araw ako'y nakapagtapos

Yong taong inyong pinagtatawana'y

Ngayo'y isa nang malaking tagumpay

🌼success isn't always what it seems✨✊
Congratulations 2all graduating out there.
Congrats self and of course to my classmates and Bestfriend
#Batch2020-2021
#pnhs

AlgaeKyeopta7 Poem CollectionWhere stories live. Discover now