98 - JEALOUS

366 11 1
                                    

BEA POV

JHO: "Maupo ka nga diyan, bakit ba hindi ka mapakali diyan sa upuan mo?"

Sita sa akin ni Jho dahil nalikutan na sa akin. Tayo kasi ako ng tayo at lakad ng lakad. Inaabangan ko kasi na dumating na sina Jia.

BEA: "Wala pa kasi si Jia eh. Dapat sinundo ko na lang sila."

Pahayag ko sa kanila, paano nakataas ang mga kilay nila habang nakatingin sa akin. Yung tingin kasi nila parang mali ang ginagawa ko. Hindi naman masamang mag-alala.

TREY: "Alam naming mahal mo ang kaibigan namin pero huwag kang OA, para kang ewan diyan. Maupo ka."

Wika niya na parang natatawa pa. Naiiling pa siya.

BEA: "Sabi niya kasi kanina malapit na pero hanggang ngayon wala pa rin sila."

Nandito kami ngayon sa isang private resort sa Batangas. Nauna na ako dito dahil nagkaroon ako ng meeting sa Laguna. Kaya sabi ni Jia, tumuloy na lang ako sa Batangas para hindi na ako kailangan pang bumalik ng Manila.

Nandito na rin ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya. Kanina pa sila dumating. Siya na lang ang wala at ang friend niya na galing sa states.

Hindi ko pa namimeet ang kaibigan niya mula ng dumating ito the other day. Medyo nagkaproblema kasi dun sa isang proyekto kaya kailangan ang presensiya ko.

LY: "Baka natraffic lang sila Bea. Kaya kumalma ka lang diyan."

BEA: "Bakit kasi ang tagal tagal nila. Dapat andito na sila. Sinabi ko na kasing umalis ng maaga, ang tigas ng ulo."

ELLA: "Hayssttt. Para kang baka na manganganak. Magtigil ka nga."

Kaya nagtawanan silang lahat napakamot na lang ako sa ulo.

BEA: "Baka gusto mong isakay kita at itali sa baka?!"

DEN: "Go baby besh, I'll support you."

Pero si ate Ella biglang idinikit sa braso ni ate Dena ng hawak na tasa na may lamang coffee. Kaya naman bigla itong napapiksi at napahiyaw.

Yung salarin ang lakas ng tawa. Ang lahat ay natawa na naman sa kanya. Samantalang si ate Den gusto na siya sakalin.

DEN: "Jorella."

Pero lalo lang siya natawa habang nakikitang umuusok ang ilong ni ate Den.

DEANNA: "Guys may mga dumating, sila na ata yan."

Kaya naman tumayo agad ako para tingnan at salubungin ang bagong dating. Sadly, sila Mang Armando lang pala, galing sa palengke at may binili na gagamitin para sa niluluto nila.

MADDIE: "Hahaha. Ayusin mo nga yang mukha mo Bea, para kang natalo ng isang milyon sa pustahan."

Hirit niya ng makabalik ako sa kinauupuan. Inirapan ko na pang siya. Simula nang maging close kami ni Jia, naging close ko na rin ang mga friends niya.

Pero hindi pa rin ako mapapalagay hanggat wala pa rito si Jia at ang kaibigan niya. Kaya naman kinuha ko ang phone at tinawagan siya ulit.

BEA: "Hello love?!"

Wika ko agad ng magsalita siya sa kabilang linya.

JIA: "Bakit napatawag ka ulit?!"

Sa boses pa lang niya, mukhang nairita pa ata na tinawagan ko siya.

BEA: "Asan na ba kayo?"

Dedma lang ako sa inis niya.

JIA: "Jusko naman Beatriz wala pang 10 minuto nung huling tumawag ka. Ayan ka na naman. Malapit na kami, maghintay ka na lang diyan at huwag ka ng tatawag ulit."

Chasing Cars 2.0Where stories live. Discover now