97 EXCITED

309 14 1
                                    

JIA POV

JIA: "Love. Darating pala ang friend ko today from the states. Susunduin ko siya sa airport, sama ka ba?"

Paglalambing ko sa kanya, habang nakaupo ako sa lap niya at ipinulupot sa leeg niya ang dalawang kamay ko. Nilalaro-laro ko ang buhok niya sa batok.

BEA: "I would love to do that. Gusto ko rin mameet yang friend mo. Kaya lang Love, may importanteng business meeting ako today. If you want, ihahatid na lang kita dun?!"

She was looking at me and held my hand.

JIA: "Business meeting na naman?"

Pagrereklamo ko sa kanya sabay pout. Ilang araw na rin kasi siyang puro business meeting. Hindi na natapos.

BEA: "It's for our future, Love. Alam mo naman yun di ba?! Bakit parang mas lalo ka atang bumabango?!"

Sabay halik niya sa pisngi ko at amoy sa leeg ko. She always do that.

JIA: "Hindi ah. Mas lalo ka lang talaga lumalandi kaya ganun."

BEA: "Hahaha. I love you."

At pinanggigilan na nga niya ang kanang tenga ko. Then, hinalikan niya ang punong tenga ko. Kaya nakiliti ako sa ginawa niya.

JIA: "Stop it."

Sabay kurot ko sa tagiliran niya. Para patigilin siya. Good thing tumalab naman.

BEA: "Anong oras pala darating ang friend mo?"

Pag-iba niya ng usapan.

JIA: "Mamayang 4:00 pm ang arrival ng plane niya."

BEA: "Ganun ba! Sorry Love, I can't make it. The meeting is set from 2:00 to 5:00. Hindi ako aabot. Baka nga maextend pa yun mamaya eh."

And she means it. Nakita ko naman na gusto niyang pumunta kaso hindi lang siya pwede.

JIA: "It's okay. I understand."

BEA: "If you want, maybe we can eat outside na lang for dinner after ng meeting ko para mameet ko rin yung friend mo."

Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa aking bewang at niyakap ako palapit sa kanya.

JIA: "Pagod ka na sa meeting. Tapos baka sobrang late na kayo matapos para sa meeting."

BEA: "Well, thinking about that. I am not sure really what time we will finish. Alam mo naman si dad."

JIA: "Some other time na lang kapag hindi ka na busy. Magtatagal pa naman siya dito ng isang linggo kaya may ibang time pa."

BEA: "Okay. How about tomorrow evening. I will free up my sched and then, invite your friend tapos isama na rin natin mga kaibigan natin para makilala din niya. What do you think?"

JIA: "I like that. Sige. Bukas na lang, para makapagpahinga din siya ngayon."

BEA: "Saan nga pala siya tutuloy niyan, pagkagaling niyo sa airport mamaya?"

JIA: "Tanong ko na lang siya kung gusto niya sa bahay ng parents ko para may kasama siya or sa isang unit ko na lang kung gusto niya mapag-isa."

BEA: "Okay. What time will you gonna leave to fetch her in the airport?!"

JIA: "Siguro mga 3:00 pm."

BEA: "Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa opisina, tapos from there tsaka ka dumiretso sa airport para mas malapit ka na. Then, pahatid na lang kita kay Mang Tony para sunduin ang friend mo."

JIA: "Gusto mo lang ako makasama, kaya pinapupunta mo ako sa opisina. Hahahaha."

BEA: "You were right. I need an inspiration in the office para naman ganahan pa ako magtrabaho."

Chasing Cars 2.0Where stories live. Discover now