Chapter 10 [Ice-cream]

Start from the beginning
                                    

"Wala lang talaga ako sa mood ngayon tapos bubusinahan mo ako? May sapak ka ba sa utak?" tinignan ko siya sa front mirror at bakas ang tuwa sa mukha niya.

"Taray, ah. Si Luke pala nasaan? Hindi ko pa nakikita magmula kanina, eh."

Humalukipkip ako at bumuntong hininga. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao? Lost and found? Spy? Nagpapablotter?" Kinuha ko ang bimpo sa aking bulsa at pinunasan ang pawis sa katawan. Binalot naman ng malakas na tawa ni Wilbert ang kotse.

"You're really a bad bitch. Superbad," kumento niya. Hindi ko na siya pinansin at nanahimik na lang sa loob. Kapansin-pansin na ibang daanan na ang tinatahak kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Saan tayo pupunta?"

"We will make your head cool, ang init-init masiyado at baka bigla kang sumabog," tugon ni Wilbert at lumiko sa isang mataong daanan. Napuno ng estudyante ang bawat kalsada dahil sa maagang uwian.

Huminto kami sa tabing kalsada saka inanyaya ako ni Wilbert sa loob ng isang shop. It's an ice-cream shop that I didn't expect. Nilapitan ko si Wilbert na nakapila sa likod ng mamang lalaki.

"Wala akong pera rito, Bert. Wala akong pangbili," ani ko habang nakatingin sa menu ng shop. Ang pinakamurang icecream nila ay singkwenta pesos, samantalang bente pesos na lang ang dala ko sa wallet.

"Dinala kita rito kasi sagot kita, okay? Maghanap ka na lang ng upuan doon para makaupo tayo." May inginusong lugar si Wilbert at dinala ako nito malapit sa bintana. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniya ay tinanong niya ako.

"What flavour would you like to have?"

"Vanilla would do," sagot ko at tinapik ang balikat niya.

Naglakad ako patungo sa lamesang sinasabi ni Wilbert at naupo sa isang mataas na stool. Nakakabit ang lamesa namin sa glass windows ng shop kaya tanaw ang labas mula sa aking kinauupuan. Nakikita ko ang mga taong naglalakad sa kainitan ng kalsada.

May iilan pa nga ang mapapatingin sa akin tapos iirapan lang ako na parang timang. Ano'ng ginawa ko sa inyo? Inirapan ko lang din sila. They also deserve my middle finger but that's just a complete waste of time raising.

"Here's your icecream..." I turned to Wilbert that's carrying a black tray towards our table. Una niyang nilapag ang pagkain ko sa aking harapan sunod ang kaniya saka nilagay sa bakanteng table ang tray.

It's an ice-cream in a small 250 ml tub. Sakto na ito ngayon pangpalamig ng ulo.

"Thanks," tugon ko sa kaniya.

Sinimulan ko nang lantakan ang pagkaing nasa harapan ko. Masarap naman dahil may toppings pa na crushed Oreo cookies na hilig ko rin.

"I don't know anything you like but I thought of you might like that toppings." Nilingon ko si Wilbert na kanina pa ata ako pinagmamasdan.

"Oo naman. I like it. Salamat pala." Naramdaman ko namang naibsan nitong ice cream ang pagkainit ng ulo ko. I just feel like being this hot tempered person today so I do.

"Nga pala, may itatanong sana ako sa 'yo." Biglang gumapang ang kaba ko sa sinabi ni Wilbert.

"Ano na naman ba 'yan?"

"Kayo ba ni Luke?" Halos mabulunan ako sa ninanamnam kong ice cream. Can he hear himself? Nahihibang na ba silang lahat?

"You know what, Wilbert," ani ko habang itinuturo-turo siya ng kutsaritang hawak ko. "Hindi lang siguro pang-apat o pang lima kang nagtanong ng ganiyan na kung sino ba ang gusto ko ang boyfriend ko ngayon." Kumuha ako ulit ng icecream at isinubo sa akin. Napatingin ako sa small tub niya at nakitang matcha flavour ang kaniya dahil green. Ito lang naman ang nag-iisang green thingy ang nakita ko sa menu kanina.

"Someone already asked you if you and Luke were together?" he asked. I shook my head and asked a permission if I can taste the ice cream he is eating. Glad that he let me.

"Noong nag-iinuman sa inyo tinanong ako ni Luke kung may gusto ba ako sa 'yo-"

"Gusto mo ako? Shit!" Nagulat siya nang makatanggap siya ng isang tampal sa braso mula sa akin.

"Boba! Tinatanong niya nga ako, eh."

"Ano naman sinabi mo?"

"Of course, hindi. Tinanong din niya ako kung gusto ko raw ba si Jaycee, iyong varsity players."

"I know that guy."

"Yeah, so he also asked me if I like him but no, he's just a friend."

"Then? I asked you my question? 'Yan ba 'yong dahilan mo bakit mainit ulo mo?" Mabilis akong umiling at nagpunas ng tissue paper sa labi ko.

"'Di naman. Actually, nagugulat nga akong naitatanong n'yo ang mga bagay na ganiyan, when clearly you guys are straight. You know, straight guys for straight women." I shrugged. "Baka pumuti na lang ang uwak ay umaasa pa rin akong magkakagusto ang gaya niyo sa akin."

Ako ang inilingan ni Wilbert ngayon. "Alam mo, Tristan, you're too callously. Ang manhid-manhid mo pero malay mo nasa paligid lang 'yan." Wilbert's brows wiggled, making me laugh at him.

"Wilbert, ha! Ang harot-harot!" Tinampal ko ang matigas niyang braso at napansing kumuha rin siya sa icecream ko na kinakain.

"Pero, Tristan, malay mo naman kasi. Malay mo, katabi mo na pala 'yong the one mo. Ayie!"

Hindi ko naiwasang hindi matawa sa kalokohan nitong si Wilbert. Bakit kasi may pa ganito-ganito pa ang animal na ito?!

"Alam mo, sobrang labong mangyari na magkagusto ka sa akin. Wala naman akong puke o kaya kike para magdala ng anak mo. At saka, duh, baka maltratuhin mo ako, 'no!"

Wilbert's resonating laugh filled the distance between us. "Nagbabakasakali lang naman, eh!"

"Ewan ko sa 'yo. Kainin mo na 'yang icecream mo baka malusaw pa, sayang."

Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana at nakita ang kunot na noo ni Luke habang nakatingin sa aming dalawa. Bigla naman siyang umalis nang makita ko siya. Weird.

TheButterflyReturns © 2022

Fontabella 1: The Businessman's Trap [COMPLETE]Where stories live. Discover now