"Ma, ang iksi lang po ng sinabi ko. 'Bat ang haba naman po ng sagot mo?"

"Naku, kayo talagang mag-ina oh. Minsan na nga lang kayong magkita at magkasalubong dito sa bahay eh hindi pa kayo magkasundo." Sabat ni Manang Puring.

"Ito kasing alaga mo Manang eh. Tama ang sinabi mong minsan nalang kami kung magkita dito sa bahay pero ayan, palagi namang may lakad. Ito na nga lang ang araw ng bonding naming mag-ina kaso aagawin pa ng iba" May tampo sa boses na wika ng Ginang.

"Naku,naku,naku..si Mama talaga oh, ang hilig magdrama. Ma, promise, ngayon lang 'to. Next week magbababad tayo sa salon para magpaganda. Mother and daughter time" Nakangiting wika niya sa ina.

"Tagala ha? Sige, pagbibigyan kita ngayon" Masayang sagot nito.

"Promise po 'yan" - Vice

¤○}○♡~♡\●♢\《~○》》○♧○○♢●¤\¤~♤○}○》~》♢○•♢●《《~♡♢°○♤~¤■○>•♤¤♡●}●♢♡◇♢○♢○2♡《2●}●♢\[○[[○[○♢\\》\●}●♤《♢

Kalalabas lamang ng simbahan nina Karylle. Kasama nilang nagsimba ang mag-amang Dingdong ay Nathan pati na rin ang kanyang ina.

May nakitang mga nagtitinda ng lobo ang dalawang bata. Nagyaya ang mga ito sa kanila na bilhan sila ng lobo.

"Daddy, didiretso na po ba tayo sa sementeryo para dalawin ang puntod ni Mommy?" Tanong ni Nathan sa ama. Alam nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina nang minsang magtanong ito tungkol dito ay agad naman nilang sinabi sa bata ang totoo.

"Yes, Anak" Sagot nito. "Ma, Sasama ba kayo sa amin?" Anito sa Ina ng kanyang yumaong true love.

"Tamang-tama, balak talaga naming dalawin si Zayne sa next week. Eh kung pupunta rin pala kayo ngayon, aba'y sasama na kami." Sagot ni Ginang Chacha.

"Oo nga, hindi kasi namin nadalaw last week ang puntod nya. Tara, habang hindi pa gaanong masakit sa balat ang araw" Yakag ni Karylle.

Malapit lang naman ang sementeryo sa simbahan. Fifteen minutes kapag nilakad. Pero dahil may kotse naman si Dingdong at may bata silang kasama ay sumakay nalang sila dito.

Pagkarating sa sementeryo ay agad na nagsindi sila ng kandila na binili kanina sa simbahan. Inilapag naman ni Nathan ang dalang bulaklak sa nitso ng ina.

Saglit silang nagdasal sa puntod nito. Matapos makapag-alay ng dasal ay nagsalita si Nathan.

"Mommy, alam mo po. Lagi po akong top 1 sa klase namin. Nag-aaral po akong mabuti kasi sabi po ni Daddy kapag nag-aral raw po akong mabuti at magpakabait, magiging proud ka raw po sakin. I miss you Mom. Sayang po at hindi kita nakita. Pero kapag nami-miss po kita, tinitingnan ko lang po ang mga pictures mo. Alam ko po na lagi mo akong binabantayan pati si Daddy, si lola si Tita Mommy at si baby Nathalie. Thank you Mommy. I love you" Wika nito saka hinawakan ang nakaukit na pangalan ng kanyang ina sa lapida.

Ginulo naman ni Karylle ang buhok ng pamangkin. Napakabuting bata nito kaya sigurado siyang masaya ang kapatid niya kung saan man ito naroroon ngayon.

"Hi Zayne, tulad ng anak mo, miss na rin kita. Alam ko na gusto mong magkaroon ng magiging Mommy si Nathan na mamahalin sya at aalagaan hanggang sa paglaki. Ito na Zayne, three months nalang at ikakasal na ako kay Bea. Hindi mo man sya kilala ng personal, alam ko na nakikita mo sya ngayon. Darating na sya next month from states at dito na rin sa Pilipinas mag-i-stay kasama namin ng anak mo. Thank you sayo kasi, kung hindi ka nagpakita sakin sa panaginip ko gabi-gabi upang iparating ang gusto mong sabihin, hindi ko pa maiisipang buksang muli ang pag-ibig ko sa ibang babae. Sa panaginip mo ako tinuruan kung pano makapag-move on sa nakaraan ko. Kaya malaki ang pasasalamat ko sayo Zayne. Pero kahit makapag-asawa na ulit ako, mananatili ka paring nandito sa isip at puso ko." Madamdaming pahayag nito.

MARRIED At First Sightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن