"Ipapahamak ka niya diba? And I don't want to see you getting harmed by some bastard who is hurting one of you guys." Pag alala niya. Well, he has a point. But I can manage myself.

"Sige, mauuna na ako. Isang oras pa naman bago magsimula ng klase." Sambit niya bago umalis sa harapan namin.

Isabel's POV

"Link."

"Yeah?"

"Bakit hindi ka natatakot na sa mga ginagawa ni Leo sayo? Baka masapak ka nun ng wala sa oras." Tanong ko na may halong pag alala.

"You know. Ever since I was a kid, I am always bullied at school. I was once a fragile kid who cries easily when people spit out hurtful words at me. Pero may tinuro saakin ang ate ko tungkol diyan. Once people say mean things to you, try to use them as your jokes. It will not only make you happy, it will make others happy too. You see, we live in a harsh world right now. So why waste time being sad on the words people say to you that isn't even real? You know who you are, and you have to show them the authentic version of yourself." Pagkwento niya.

Wow! I didn't know na ganun talaga si Link. Sobrang namangha ako sa mga sinabi niya. Joker nga siya, pero yung maturity niya nasa ibang level.

"So, tara na?" Pagyaya niya.

"Sige."

Lumipas ng isang oras at nagsimula na kami ni klase. Mas nagiging close na kami ni Link sa ngayon. Although pag klase bawal magsalita, gumagawa talaga siya ng paraan. Pumupinit siya ng papel at binibigay niya saakin na may sulat kung ano yung gusto niyang sabihin saakin. Well, just like old times.

Patuloy tuloy pa rin siya sa mga pakulo niya, hanggang sa dumating sa punto na napansin ni Sir Joel yung ginagawa ni Link.

Well, he's dead again.

"Ferrer! Bawal na nga magsalita sa classroom, nagpapasa ka nanaman ng papel kina Lopez."

"YIEEE!!!!"

"Sir! At least di ka po naiistorbo sa pagtuturo niyo diba? Less ingay, more concentration."

"Less ingay nga, pero nakakaistorbo ka sa mga kaklase mo na naguguluhan sayo!"

"Sila lang po yun sir."

"Bahala ka sa buhay mo Ferrer."

And what's funny, inaasar na kami ng mga kaklase ko tungkol kay Link. Pati na rin yung mga kasama ko nakikiasar na din sila.

"Hi Isabel Ferrer." Bulong ni Brooklyn saakin.

"Lincoln Ferrer pala ah." Dagdag ni Kylie.

"Malay ko sainyo." Pag irap ko sakanila.

Recess time na, at magkasama ulit kami sa iisang table. But this time, magkakaayos na kaming lahat.

"Sabi sayo Tiffany eh." Sabi ni Kylie.

"Ang rupok mo girl! Ayaw sa manyak, pero nagpaligaw kay Demyx." Pag asar ni Tyrus.

"Para paraan lang yan TJ Hotdog! Napa oo tuloy si Tiffany." Sambit ni Demyx.

"Excuse me, nanliligaw ka pa lang. Hindi pa kita sinasagot kung magiging boyfriend kita eh." Pag alala ni Tiffany.

"Dadaan din kayo diyan. Maniwala kayo saakin." Pag asar ni Levi.

"Rupok mo girl!" Sigaw ni Brooklyn sakanya.

"Girls, may idea ako." Pagsabat ni Hazel.

"Ano yun?" Sabay sabay naming tanong.

"Diba yung name ng squad ng boys, Gen Z Spartans? Gawa din kaya tayo."

"Magandang idea yan Hazel." Pag sang ayon ni Natalie.

"G ako!" Sabi ko.

"Wait, may naisip ako." Pagsabat ni Brooklyn.

"Ano yun?" Sabay sabay naming tanong ng mga babae.

"BHINKT Agents."

"Huh?" Pagtataka ng mga boys?

"What's a "BHINKT"?" Tanong ni Riku.

"Ahh! Okay!"

"Ano yun Anakin?!" Sabay sabay pagtanong ng mga boys.

"Hindi ko rin alam." Sambit niya na ikinatawa naming lahat.

"Game ako sa name na yan!" Pag sang ayon ko kay Brooklyn.

"BHINKT Agents. I love the name of it." Sambit ni Natalie.

"Kahit mga Agents kayo, walang makakapigil sa mga Spartans na katulad namin." Sambit ni Demyx.

"Spartans pa rin!" Sigaw ng mga boys, maliban kay Riku.

"Riku??" Pagtawag ni Link.

"Oh. Spartans! What is your profession?!" Sigaw ni Riku.

"AHOO! AHOO! AHOO!" Sabay sabay na sambit ng mga boys.

"Agent B!"

"Agent H!"

"Agent I!"

"Agent N!"

"Agent K!"

"Agent T!"

"BHINKT Agents, at your service!" Sabay sabay naming sambit ng mga babae.

Ang saya talaga ng araw na to. Para talaga kaming tunay na magkatropa.

BHINKT Agents at Gen Z Spartans. I found a new family in them.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now