Chapter 38

398 6 26
                                    

Damian's POV

Pupunta na kami ni Ezio sa gym kung saan nagtra training ako ng Taekwondo.

"Alam mo Damian, iniisip ko na lang na gusto kita maging mentor sa Taekwondo." Sambit ni Ezio.

"Wag kang mag alala Ezio. I'm sure makakatulong ako sayo kahit papano."

Pagpasok na pagpasok naming dalawa, agad lumapit yung pinsan ko na si Tahirah.

"Damian!"

"Oh! Tahirah! May duty ka dito sa gym?"

"As always! Janitress niyo sa gym!" Sambit niya na ikinatuwa naming dalawa.

"Siya nga pala! Si Ezio. Ezio, si Tahirah! Pinsan ko."

"Hi Ezio! Nice to meet you!" Sambit niya bago magbeso kay Ezio.

"Ni-nice to meet you! Ta-Tahirah!" Sambit niya habang nakangiti.

"Sige, una na ako ah!" Sambit niya bago maglakad palayo saamin.

Natatawa ako kay Ezio ngayon, dahil ang ganda ng ngiti niya nung bumeso si Tahirah sakanya.

Hahaha! Na love at first sight siguro.

"Huy! Tara na nga! Baka gabihin pa tayo dito." Sambit ko bago maglakad palayo sakanya.

Dumating na kami sa training area ko at hinanda ko yung punching bag ko.

"Tara Ezio! Training na tayo!" Pagyaya ko sakanya. Pero hindi pa rin ito kumikibo.

"Natutulala ka nanaman! Bakit? Maganda ba si Tahirah?"

"Huh?" Mang mangan na pagtanong ni Ezio.

"Wag ka nang mag mangmangan pa! Halata naman na nainlove ka sa pinsan ko eh!" Pag asar ko sakanya.

"Hindi kaya!"

"Sus! Nung bumeso nga siya sayo, pulang pula na nga yang pagmumukha mo eh!"

"Ewan ko sayo Dela Fuente! Tara na nga!"

A few minutes later

"Very good! Improving yung bilis mo ah!"

"Tara! Water break!" Pagyaya niya na ikinatango ko lang.

"Wala pang sampung minuto, water break agad!" Napalingon ako at nakaramdam ako ng kaba nang makita ko si Kayla.

"Kylie?"

"Hindi yan si Kylie, Ezio. Kambal niya yan."

"Buti nakilala mo agad ako! Tsaka ang basic naman ng tinuturo mo sa kaibigan mo!" Pagreklamo ni Kayla.

"Ahmm... sorry Kayla ah. Medyo baguhan lang kasi tong kaibigan ko eh." Pagpaliwanag ko sakanya.

"Whatever! Tabi nga kayo diyan!" Sambit niya na ikinasunod namin.

Agad namang tinanggal ni Kayla ang pantaas niyang damit na ikinalaki ng mga mata ko at umiwas agad ako ng tingin.

"Hoy! Sports bra lang to! Kaya wag kang magreklamo diyan! Akala mo naman, hindi nakakakita ng babaeng ganyan sa gym." Sabi niya saakin na pagkainis.

Bakit ba kasi ang sungit mo?!

Minamasdan ko na lang bawat sipa na binibigay ni Kayla sa punching bag.

Ang galing niya! Nakakakilabot sa totoo lang! Yung pag execute niya ng mga sipa niya, OMAYGASH! NAKAKA IN LOVE!

No! Tigilan mo to Damian! Magsungit nga si Kayla sayo, tas maiinlove ka sakanya!

Bad HearthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon