Chapter 34

427 9 18
                                    

Brooklyn's POV

Hinahanap ko ngayon si Isabel na bad trip na bad trip ngayon.

Pero sa di kong inaasahan na may humila saakin papunta sa pader at sinasampal ako ng paulit ulit.

"WALANG HIYA KA BROOKLYN! DAHIL SAYO, LUMALAYO NA SAAKIN SI LEVI!"

Tinulak ko si Allyssa at sinabunutan ko naman siya para gumanti.

"Ako pa talaga may kasalanan?! Gisingin nga kita para matauhan ka!" Sabi ko habang sinasabunutan si Allyssa.

"Bitawan mo nga si Allyssa!" Pagsulpot ni Harper habang hinihila ang buhok ko.

"NAPAKA WALANG HIYA MONG BRUHA KA!" Pagsulpot ni Tiffany habang sinasabunutan si Harper na ikinabitaw niya sa buhok ko.

Napalingon ako kay Allyssa na lumalapit saakin at agad ko naman siyang binigyan ng sampal bago ko ulit siyang sabunutan.

"Tama na yan!" Pagsulpot ni Damian na may kasamang isa pang lalaki.

Inawat niya si Allyssa habang yung masama niya, inaawat naman si Harper.

"Bakit ba kayo nangingialam?!" Tanong ni Allyssa na may pagkainis.

"Tanungin mo yung sarili mo kung bakit!" Pasigaw na sambit ko.

"Mabuti pang umalis ka na lang! Kaysa na lang mareport ko kayo sa principal!" Pag bilin ng kasama niya.

"Tara na nga Allyssa!" Sambit ni Harper bago sila umalis.

"Ayos lang kayo?" Tanong ni Damian bago kami tumango ni Tiffany.

"Ezio Leverett nga pala. If you don't know me."

"Thank you Damian. Thank you Ezio." Sambit ni Tiffany.

"Basta pag may ginawa sila sayo, sabihan niyo agad kami ah." Sambit ni Damian bago maglakad palayo kasama si Ezio.

Agad akong lumapit kay Tiffany na nadamay rin sa gulo namin.

"Ayos ka lang?"

"Oo Brooklyn."

"Tiffany, thank you ah."

"Wala yun. Basta kung sino man mananakit sainyo, ako makakaharap nun." Pag alala ni Tiffany na ikinatuwa lang namin.

"Hanapin ko lang si Isabel ha?"

"Samahan na kita." Sambit niya na ikinasunod ko lang.

Lumipas ng ilang minuto, nakita ko si Isabel na nakayuko sa kanyang upuan. Siguro bad trip pa din siya dahil kay Ino.

Pero bakit??

"Ako nang bahala Tiffany. Mauna ka na." Utos ko sakanya.

"Sure ka?"

"Oo. Ako nang bahala." Umalis na si Tiffany at agad akong lumapit kay Isabel na hanggang ngayon, mukhang bad trip pa din.

"Isabel..." Pagtawag ko bago niya inangat ang ulo niya.

"Isabel, ayos ka lang?" Tanong ko sakanya, pero hindi pa rin ito sumasagot.

"Isabel..."

"Brooklyn naguguluhan ako." Pagsalita niya.

"Naguguluhan ako sa nararamdaman ko." Mangiyak iyak na sambit niya.

"Dahil kay Ino?"

"Hindi... dahil kay Link. Parang hindi ako sanay pag may kasama siyang ibang babae."

Selos nga tong si Isabel. Hahaha!

"Alam mo Isabel, wala namang masama kung magseselos ka. Ang masama lang, yung hindi ka nagtitiwala kay Link. I mean, wala namang masamang ginagawa si Ino sainyo eh. Why won't you give her a chance to let her reveal herself more. And get to know her more." Pagpayo ko sakanya.

Bad HearthrobsWhere stories live. Discover now