"Oo, alam mo naman patakaran dito, na naging motto na ng mga estudyante. Kapag thirty minutes ng wala ang teacher, gora na sila." Mahina akong natawa, naalala ko tuloy noong panahon na estudyante pa din ako.

"Sige, sabay tayong maglunch mamaya ah,"

"Oo, palagi naman." Ilang sandali lamang pagka-alis ni Jen sa Faculty ay sumunod na din ako, ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig na bukas darating iyong mga bagong teacher.

Naka-upo na lamang ako ngayon at hinihintay pa na matapos sa aking pinagawa ang ilan kong mga estudyante. Kinuha ko ang cellphone ko na saktong pagvibrate nito.

"Susunduin kita mamaya," tahimik na pagbasa ko sa mensahe ni Raldon.

"Okay, if you're not busy." Pagtipa ko sa bilang tugon dito. Matapos ko itong mai-send ay itinago ko na din muli sa bag ang aking cellphone.

"Class, are you finish?" tanong ko.

"Ma'am, hindi pa po."

"Ma'am last number na lang," tugon naman ng iba, ngumiti naman ako.

"Okay, take your time." Maya-maya ay may isang estudyante akong lalaki na nagsalita.

"Ma'am..." Napalingon ako sa kaniya habang nilalaro ng aking kamay ang ballpen na aking hawak.

"Yes, Mr. De Leon?"

"May boyfriend po ba kayo?" tanong nito, bahagya akong tumawa pagkatapos ay umiling bilang tugon.

"Bakit naman po wala Ma'am? Ang ganda niyo po kaya." Pabiro akong nagtaas ng aking kilay.

"Pero nagka-boyfriend na po kayo Ma'am?" tanong naman ng isa, hindi ako nakapagsalita agad.

"Oo, but it's been a years since we're not in a relationship." Tumango naman ang mga ito, tila may balak pa sana na tanungin ngunit pinigilan na lamang ang mga sarili.

"Dito, sino na iyong mga may boyfriend?" Nagsimula silang magturuan.

"Madami pala, pagbutihan niyo mag-aral para kapag kayo ang nagkatuluyan magiging maganda iyong buhay niyo," sabi ko sa mga ito.

"Magbre-break din naman sila Ma'am." Napalingon ang lahat sa isang estudyante ko.

"Bitter si Ariana!" Namayani ang tawanan sa classroom.

"Kaunting tahimik class, may ilan pa na hindi tapos, tsaka may nagkla-klase sa kabilang classroom."

"Hindi naman ako bitter, ganoon naman talaga hindi ba Ma'am?" Nagulat ako, sinundan pa ng kanilang tawanan.

"Hmm, just always remember that when you enter in a relationship, claim that he/she's already the one you'll going to see on the altar, hindi iyong experience ko lang ito."

"Woah!" reaksyon nila, habang ako ay tumayo na mula sa pagkakaupo. I am really proud of myself, not because I'm boastful, it's just good in the feelings, to prove to those people who belittle me, where and what I am right now.

"Okay, time's up. Ipasa na lahat ng gawa niyo."

Nasa canteen kami ng COED ni Jen at kumakain na ng aming lunch, kailangan din kasi namin bumalik agad sa Faculty dahil may sasabihin daw sa amin na mahalaga.

"So, abot langit tibok ng puso mo ng makita mo siya?" Pinagmasdan ko siya habang kumakain, hindi ako kumibo.

"Sa tingin mo ngayon na nagkita na kayo, ite-take niya iyong chance na may explain sa iyo?" Uminom ako ng tubig.

"I don't need his explanation, Jen." She rolled her eyes.

"Ikaw naman kasi Hulya, ang hirap sa iyo ang dami mong tanong diyan sa sarili mo, pero ayaw mo naman hayaan na masagot."

A Hopeless Wind (NEUST Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now