"AAAH!!" isang malakas na hiyaw mula sa binata ang kanyang narinig. Natamaan ito ng bala at kitang kita ni Rhian ang pagbagsak nito sa tubig. Unti-unti ring nagkakaroon ng mga tao sa pinangyayarihan ng laban.

Rhian motioned her arms for her to float backward slowly upang ikubli ang sarili sa dilim ng gabi. 

"Bakit ang tagal ninyong dumating?! Hanapin ninyo ang sirena! Bilisan ninyo dumadami na ang mga tao," muling utos ni Regaspi.

Bitbit ang nagliliwanagang flashlights, lumusong sa malamig na tubig ang kanyang mga tauhan habang ang iba ay sinalubong ang mga residenteng naguusisa sa nangyayari.

"Anong ginagawa ninyo rito? Anong gulo ito?" a middle-aged woman authoritatively asked a goon man ngunit hindi ito sumagot. Kasama ang ilang kalalakihang may dalang armas, itinutulak nila palayo ang mga residente. "Itigil na ninyo kung anumang ilegal ang ginagawa ninyo sa aking nasasakupan. Malapit lamang ang istasyon ng pulis dito at may intusan na akong pumunta doon," ngunit hindi man lamang natinag ang mga lalaking pumipigil sa kanila.

Nagawa ng tatlong lalaki na hawakan si Miroy dahil na rin sa natamo nitong sugat. Nagdurugo ang kanyang balikat at nang mahawakan siya ng mga ito, malakas ang kanyang hiyaw dahil sa pagpisil ng isang lalaki sa kanyang tama.

"Yabang mo rin ano, Miroy. Akala mo kung sino kang malakas eh wala ka namang binatbat. Ayan, tinamaan ka tuloy na lintikan ka," sambit nito sabay nagtawanan ang dalawang kasama nito. 

Habang inilalagay nito ang sinturon sa kanyang mga kamay, tiim-bagang na tiniis ni Miroy ang sakit na hinablot ang sariling mga kamay mula sa kanyang likod at muling naglaban. Agad siyang tumalikod at mabilis na hinawakan ang ulo ng lalaking may hawak ng sinturon at iniikot ito sanhi ng daglian nitong pagkamatay at bumagsak ang katawan sa tubig. Quickly he grabbed the other two and in full force smashed their heads against each other loosing their consciousness, then he dove as fast as he could upang hanapin si Rhian.

"Habulin ninyo si Miroy! Barilin ninyo! Patayin ninyo! Wag hayaang makalayo!" nanginginig sa galit nitong utos.

His men ran towards the shore at muling nagpa-ulan ng bala sa tubig. 

"TABI! TUMABI KAYO! ANDYAN NA ANG MGA PULIS!" sigaw ng mga residente mula sa likod ng mga nagkukumpulang mga tao.

Ang isa sa mga goons naman na humaharang sa mga nag-uusisa ang nagpaputok paitaas upang paalisin ang mga tao na hindi naman pumalya. Agad na nagtakbuhan ang mga tao takip-takip nila ang kanilang mga ulo at tenga sa takot na baka sila ang patamaan ng mga masasamang loob.

"Boss andyan na ang mga pulis," agad naman lumapit ang isa sa kanilang amo upang ipaalam ang pagdating ng mga pulis.

"Huwag hayaang makababa ng kanilang mobil. Paputukan ninyo! Hindi tayo aalis dito hangga't di natin nababawi ang sirena! Malaki ang perang iniluwal ko sa kanya. Ni hindi ko pa nababawi kahit kalahati," tumungo na lamang ang lalaki at bumalik sa kanyang puwesto upang ipaalam ang utos ng kanilang amo.

"Its getting out of hand, buddy. At parating na ang mga pulis," sambit ni Max habang nagkukubli sila sa isang booth malapit sa pinangyayarihan.

"We can't just leave, Max. Baka may makakitang iba kay Rhian. Mas lalo niya iyon ikapapahamak,"

"Anong gagawin natin? Hindi naman tayo pwedeng sumugod doon," pagaalala naman ni Barbie.

"Doon tayo," Sheena pointed at the other side kung saan malalagpasan ng police mobil at walang tao. "Lulusong ako sa tubig para hanapin si Rhian," na tinanguan naman ng kaniyang mga kasama.

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now