Roofdeck

695 58 2
                                    

Bart's night is just starting pero para kay Glaiza, she wants it over and run back to the woman she just had eye to eye contact with. Hindi niya ito makalimutan. Those mesmerizing hazel brown eyes bore deep inside her mind. Kilala niya ang mga matang iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Siya yun. The person who owns her heart. Pero paano nangyari yun? She was long gone. Inagaw siya ng karagatang pareho nilang minahal. At dahil dun, iniwan niya ang dating siya just to move on. Pero kamukha niya talaga. At gustuhin man niyang dalawin ang puntod nito sa crematorium, dala ng mga magulang nito ang urn sa ibang bansa.

Sabi nila, you happen to see the person you want to see dahil sa kakaisip mo. Never a minute passed na hindi niya naiisip ang yumaong kasintahan, but not the moment they stepped in the bar. So how come nakikita niya ang mukha ni Sarah Kaye?

----------

"Rhian, antagal mo naman," tawag ni Barbie sa labas ng CR ng babae.

Rhian was just staring at her reflection in the mirror. Searching her eyes for any memory of the woman she had eye contact with. Its impossible that she had seen her under the sea. She seldom go to the shore picking up anything shiny that humans had lost. Pero sa kanyang pakiramdam she had met her.

Somewhere....

Limot na niya ang dahilan kung bakit niya hinila si Barbie na samahan siya sa palikuran. Limot na niya ang napupunong likido sa kanyang pantog. She went out with her mind still full of the woman's face.

"Barbie, umuwi na tayo,"

"Ano?! Ang aga pa oh. Wala ka namang pictorial bukas,"

"Sige na. Uwi na tayo please,"

"Rhian naman, nag-eenjoy pa ako. Yung kasama ni Migo na poging Koreano nabibingwit ko na eh. Baka maunahan pa ako ng iba,"

"Koreano ka dyan eh hirap ka nga niya maintindihan,"

"Mas pinapaburan ang may effort. Mamaya na tayo umuwi,"

"Barbie naman eh..."

"Isang oras. Stay pa tayo ng isang oras tapos uuwi na tayo. Pagbigyan mo na ako, Rhian,"

Napaguntong-hininga ang dalaga. Hindi naman sa hinihigpiyan niya si Barbie. Pagdating sa mga lakaran sa gabi, hinahayaan niya itong sumama sa mga bagong kakilala niya at siya ay naiiwan sa bahay. Hindi nga niya alam kung panong napapayag siya ni Barbie na sumama ngayong gabi.

Ito kaya ang dahilan? Di ba't may tawag sa ganitong pangyayari?

Tadhana....

Napatango na lang si Rhian. Kahit na ba madalas ang pagna-night out ng baklang kaibigan, hindi naman niya ito mahinidian na magstay pa ng isang oras.

"Ay salamat friend. Salamat," napayakap ito ng mahigpit.

"Pero isang oras lang ha,"

"Isang oras lang. Tara na, baka namimiss na ako ni Lee Min Ho ng buhay ko!" excited nitong hinila ang dalaga pabalik sa kanilang lamesa.

----------

Papansin. Malikot. Maharot.

Yan ang definition ni Glaiza sa kanyang isip ukol sa babaeng pinapa-date sa kanya ni Bart na kasama ni Cherry. Masaya naman itong kausap pero kapag napupunta sa ibang direksyon ang kanyang atensyon, tulad sa paghahanap ng kanyang mata sa paligid sa babaeng kanyang nakita, hinahawakan ng babae ang kanyang mukha upang tumingin ulit sa kanya. Panay ang hawak nito sa kanyang kamay. Gumagapang mula tuhod hanggang hita. Napapakislot si Glaiza kaya't napapaatras siya sa kanyang upuan. Tinatawanan lang siya nito.

"Excuse me, I need fresh air," sambit nito na mabilis tumayo.

"Hurry back, buddy" pasigaw na bilin naman ng Amerikanong kaibigan kung saan nakakandong na ang lasing na si Cherry.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon