Napabuntong hininga na lang ako. "Siguro nga."

Mula sa kaso pa lang ni Pablo at sa mga sinusulat kong issues tungkol kina Vasquez ay wala ng paglalagyan pa ang maliliit na impormasyong katulad nito sa utak ko. Pati nga 'yung mga bagong death threats na natanggap ko simula noong ipatuloy sa 'kin ang issue ng korapsyon ng mga nasa kongreso ay hindi ko na rin halos napapansin pa.

Siguro kapag tinambangan na 'ko ay doon ko pa lang ma-re-realize na legit ang mga bantang natatanggap ko. Chos! Eh kase naman, ang daming threats pero wala namang nangyayaring masama sa 'kin. Feeling ko nga ay tinatakot lang talaga nila 'ko.

Kaso malas lang nila, hindi ako natakot.

"Kailangan din nila ng reporter." Napaangat agad ako ng tingin sa kanya na mukhang seryoso talaga sa pag-aabang ng reaksyon ko. "Baka gusto mo. 6 months lang naman. Malay mo pagbalik mo ay limot mo na ang bagay na gusto mong kalimutan."

Hindi ako nakatulog ng ilang gabi kakaisip sa sinabing iyon ni Justine. Tatlong araw na lang ay aalis na siya pero naguguluhan pa rin ako. Hindi ako makapag-decide. Bukod sa panibagong ikagagalit na naman ito ni Daddy, may parte pa rin sa 'kin ang ayaw iwan ang Maynila.

Pero may parte rin sa 'kin ang gustong magbaka sakali.

"Huy! Ano sasama ka ba??" tanong ni Dei. "Lumilipad na naman 'yang isip mo."

"Sorry...sasama ako." Inayos ko na ang mga gamit ko at naghanda sa pagpunta namin sa korte. Papunta kami ngayon sa isa sa pinaka-importanteng paglilitis kay Pablo kaya pati media ay pinahintulutan nilang pumasok sa loob.

Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Alam ko namang hindi pa 'ko gaanong handa para makita siya ulit pero masyadong importante ang hearing na 'to para mas pairalin ko ang nararamdaman ko.

Gusto kong maging saksi sa kung papaano siya matalo sa unang pagkakataon. Dahil sa oras na mangyari 'yon, ako ang pinakaunang magdiriwang sa pagkatalo niya.

Pawang mga nag-aalalang tingin ang ibinigay sa 'kin ng mga pinsan ko nang makita nila 'ko sa bandang likuran kasama ng iba pa mga taga-media. I kept my face straight to avoid this kind of stares from them, but maybe I was too transparent to able to hid what I don't want them to see.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dei nang pumosisyon na ang mga camera sa pagdating niya. He looked so confident and that's what makes me more scared.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya patungo sa harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya patungo sa harapan. Sa likuran niya ay ang mga tao ng mga Vasquez at kabilang na rin do'n si Jenny.

They both looked so professional who would do anything for the sake of their evil goals. Although I couldn't still believe how he could do that, pero siguro ay masyado lang akong nabulag ng pagmamahal ko sa kanya para makita ang tunay niyang intensyon.

I always admire him for his talent and achievements. Kahit nga kami na noon, sobrang humahanga pa rin ako sa kanya. At isa sa ni-lu-look forward ko ay ang mapanood siya nang harapan sa loob ng korte.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now