CHAPTER 36

43 26 1
                                    

FRANCISCO P.O.V

Sa bawat araw na tumatakbo, padagdag ng padagdag ang kabang aking mararamdaman.

ika-anim na ng araw ngayon simula nung nagpaalam si camilla, at kinabukasan ay ika-pito na. Ang huling araw para sa isang linggo.

pinipilit ko ang sarili kong huwag sumunod, at iniisip na baka nag eenjoy si camilla sa labas at hindi nya iyon nagawa nung magkasama kami.

Pero kung sakaling totoo nga iyon ay hindi ko sya masisisi. Ako ang nagpumilit sakanya noong una pa lamang, pinilit kong pumasok sa buhay nya pati na rin sa puso nya.

munit sa buhay lamang nya ako naka pasok, mahirap pumasok sa puso ni camilla dahil hanggang ngayon, alam kong mayroon pa ring sugat sa puso nya.

Tumayo ako at pumunta sa maliit na kabinet, simula nung umalis ito nakita kong narito ang libro kung saan nasa loob ang aming mga larawan-- Noong una ay natakot ako na baka iniwan nya ito dahil iiwan nya rin ako, munit nagkakamali ako.

nandito ang camera at libro, nandito ang mga mahahalagang bagay ni camilla na maari kong gamitin habang wala si camilla.

kinukuha ko ang bawat bwan, bawat araw, bawat ulap na makikita ko sa kalangitan-- kahit ang mga bituin kapag marami sila.

Kinukuhaan ko rin ang sarili ko ng larawang alam kong magugustuhan nya-- at yun ang mga larawang kung makikita mo'y iisipin mong isa lamang edit.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang camera, hindi lang pagkuha ng litrato ang maari mong magawa dito-- bagkos ay maari ka ring gumawa ng bidyo (video).

Hindi ko man alam sa una munit aksidente kong napindot ng madiin ang isa sa mga pinipindot dito, at bago ko man malamang nagre-record na pala ito ay agad itong tumigil at nagsave.

Agad kong binuksan ang camera't itinutok saakin. Inilabas ko agad ang aking ngiti.

"Magandang araw camilla! Ipapakita ko sa'yo ang ganda ng araw ngayon, at sana habang pinapanood mo ito ay tignan mo rin kung gaano kaganda ang araw sa panahong iyan.. Bibigyan kita ng oras!" masayang pagkausap ko dito. "Times up! Ako naman ang magpapakita" pinaharap ko ang camera sa langit, at mula sa screen ay nilagyan ko ng tamang liwanag upang maganda ang kuha nun. "Napaka gandang araw hindi ba?" sabi ko at agad pinaharap ang camera saakin.

ngumiti ako, at pasimpleng huminga ng malalim..

"Narinig ko sa radyong magkakaroon ng eclipse, ilang linggo mula ngayon. Alam kong parehas tayong makakapanood nun, munit ikaw at ako ay magkaiba ng mundo.."

CAMILLA P.O.V

Ilang araw na ang dumaan pero eto pa ako, nag aalangan pang umuwi. 

"Maire, Sabi ko naman sa'yo. You're always welcome here, if you want to stay them i'm glad! But if you want to leave, that's fine for me. Basta ba wag mo ulit ako kakalimutan"

katabi ko si mariel-- wala syang pasok ngayon kaya ako ang ginugulo, pero ayos rin naman iyon para hindi lang ako ang mamoblema tungkol sa pagbalik ko sa bahay, atleast may kasama akong maging stress diba? 

May kwenta rin pala ang pagtira sa bahay ng iba-- lalo na kapag may sense katulad ni mariel, minsan nga lang. minsan kasi ay nawawala haha! 

"Alam kong welcome ako dito dahil hindi mo ko pinagalitan nung kinain ko yung cake mo without knowing na regalo pala sayo yun ng crush mo." nakangiwi kong sabi. "Pero tulad ng sinabi ko, panandalian lang ang pagstay ko dito dahil kaylangan kong bumalik sa bahay ko--" 

Ang lalaki sa larawanWhere stories live. Discover now