Tinanggap naman nya yun at binuksan sabay kain.

"Sorry to pop your bubble but, hindi na yun mangyayari Yuts."

Yuta smirks. "Uy di ka sure."

"Tsk. Tara na nga, mukhang di na yon dadating si sir." Tumayo na sila pareho sa inuupuan at lumapit kay Jeonghan.

"Oyy pa-attendance kami." Kinalabit ni Taeyong si Jeonghan. Kasama nito ngayon si Sungcheol at Joshua and unfortunately, sila palang tatlo yung pinakamaingay.

"Pasaan kayo?"

"Uwi na malamang." Iritadong sagot ni Taeyong.

"Mainit ulo nyan tol." - Yuta.

"Stress ka nanaman Taeyong eh, oh ayan." Inabot ni Joshua yung papel sa kanya pero pabiro nya ding iniwas.

"Ano ba?!" Sinamaan nya ng tingin si Joshua. Wala sya sa mood makipagbiruan kasi.

"Bakit ba ang sungit mo sakin?"

"Hoy Jisoo bigay mo na baka masapak ka nyan." Sabi ni Jeonghan sa kanya.

"Oo nga oy. Bahala ka, sinabihan ka na namin." Dagdag ni Yuta.

"Bibigay mo yan o sasakalin kita?" Banta ni Taeyong sa kanya kaya wala ng nagawa si Joshua kundi ibigay sa kanya.

"Grabe sya. Alam mo mas bagay sayo nakangiti Tae, mas maganda ka kung nakangiti ka."

"Shuta bat naman kita ngingitian? Close tayo?" Sagot nya kay Joshua at inabot ang papel kay Yuta para mag attendance.

"Pano ba makipagclose sayo? Uhm. Do you play games? Duel tayo minsan, ano?" Joshua rubbed his chin at hinintay ang magiging sagot ni Taeyong. "Matalo manlilibre."

Napaisip naman saglit si Taeyong at tiningnan din si Joshua, mali ata ang pinuntahan nito ah.

"Sure ka ako ang hinahamon mo?"

"Oo, may iba pa bang Taeyong dito? Ano? Laban tayo?"

"Pag-iisipan ko."

"Hoy tara na, may niluto daw si Kun na miryenda dali." Sabi ni Yuta at binalik ang papel kay Jeonghan saka hinila paalis si Taeyong.

"Did you just-" Sungcheol was about to ask pero pinutol sya ni Joshua.

"I did."

"Kapal muks ah. Talunin mo muna si Jaehyun." -Jeonghan.

"Sus. Wala na naman sila ah, si Autumn na ang girlfriend nun no. Di nyo alam?"

"Alam, pero malay mo magbalikan sila?" - Sungcheol

"Grabe naman, wala pa nga akong ginagawa ganyan agad sinasabe. Nakakadown promise."

"Hehe sorry na Jisoo. Tara shot mamaya."

"Tanga. Hindi yan umiinom ha gago." -Jeonghan.

----

Nakababad nanaman si Taeyong sa harap ng laptop nya at nagbabasa ng novel. Well, tinamad sya ngayon mag-aral at habang nagbbrowse sa twitter, nakita nyang may nagrecommend ng isang book kaya naman naisipan nya nalang patulan.

Maganda nga naman. Eto nga oh, nahook na sya.

"Binabasa mo?" Taeil asked, roommate nya to eh.

"Hindi. Kinakain ko." Bored na sagot nya kaya binatukan sya ng malakas ni Taeil. "Shuta aray! Oo nga binabasa ko. Kita naman eh." He pouted habang hinihimas ang ulo na nabatukan.

"Para kasing tanga."

"Aba tanga ka din! Di kita inaano jan ha."

"Kita mo yan, nagsusungit agad hindi din naman inaano."

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now