Lumapit kami sa fishball stall at nadatnan ko si manong tindero at isa pang lalaki na kumakain din ng fishball. Grabe kung kumain ang lalaki tila ba sarap na sarap siya. Hindi ko na tiningnan ang mukha ng lalaki dahil wala naman talaga akong pakialam. Gutom ako eh. Kailangan muna kumain bago mag-exam!

Natatakam ako sa fishbol na bagong luto. Sarap ding inumin ang buko juice nila sa gilid. Aba, mayaman ako, hindi ako nagyayabang pero mayaman talaga AKO. Oo, ako. Ako ang mayaman pero kumakain padin ako ng street food. Mga kaibigan ko lang ang mga arte para bang mga bakla.

Kamusta na kaya sila? Ang pamilya ko? Mabibisita ko ba sila? Ni hindi ko nga alam kung parehas lang ba ang mundong kinaroroonan ko ngayon sa mundong kinagisnan ko nuon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na totoo pala ang reincarnation.

Kung nasa earth pa ako, malaking tulong ang kayamanan ko sa paghihiganti. Pwede ko ding bisitahin si mama, si papa at si Callum. Matanong ko nga si Daisy. Hayaan mo, kapag natapos ko ang task na ito, mabubuhay ako ulit. Babalikan ko ang pamilya ko at mamumuhay ng payapa.

Naramdaman kong kumulo ulit ang tiyan ko dahilan para mapatingin sa akin si manong na nagtitinda at napalingon slight ang lalaki na kostumer din.

"Nagwawala na talaga ang dragon sa tiyan mo, Zander." tukso ni Daisy sa akin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na nagsalita pa. Mahirap na, kapag narinig nila akong kinakausap si Daisy eh baka pagkamalan akong baliw. Sa gwapo kong ito, pagkakamalang baliw?

"Manong limang stick ng fishbol ho." sabi ko sabay kuha.

Tiningnan ako ni manong ng ilang sandali bago sinabing "Sige hijo, kuha ka lang." sabi ni manong.

Kahit medyo mainit ay kinain ko lahat ng mabilis pagkatapos kong isinawsaw sa sauce.

'Daisy, gusto mo?' tanong ko kay Daisy sa isip ko kahit nasa gilid ko lang naman siya. Kanina pa kasi siya naglalaway sa fishball. Ano ba ang aasahan niyo sa pusa.
'Huhu. Zander! Bigyan mo ako kahit isa lang pwease! Huhu.' Sigaw niya.
Pasimple akong tumingin sa kanya at pasikretong sinubuan siya ng isang fishball.
'Thank chu!' sabi niya sabay nguya.

Ang limang sticks ng fishball ay nasundan ng another lima at marami, at limang basong buko juice. Ang takaw kasi ni Daisy eh. Dami tuloy naming kinain.

"Hooh! I'm full! Parang sasabog na yata ako!" sigaw ni Daisy. Okay lang naman dahil ako lang naman ang nakakarinig sa kanya.

"Salamat manong." sabi ko at akmang aalis na pero-

"Hijo, ang bayad mo?" tanong ni manong na nagpalaki ng mga mata namin.

Shet! How can I forget this? Wala pala akong pera. Ang gago ko talaga. 'Daisy, may pera kaba?' tanong ko sa isip ko.

"Pera? Ano yun? Makakain ba yun?" tanong niya pabalik sa akin. Putcha! Hindi niya alam ang pera? Pusang gala naman oh! Paktay tayo dito.

'Pera ang ginagamit para bumili dito. Ano na? Daisy we're in trouble now! Lakas mo kasing kumain eh wala naman palang pambayad, bwisit.'

"Wow, nagsabi ang hindi matakaw. Eh lakas mo ding kumain eh! Wala ako ng perang sinasabi mo. Tumatanggap ba sila ng ginto dito?"

"Anong ginto?! Hindi! Pera kailangan natin!"
Napalakas ang sigaw ko dahilan para pagtinginan ako ng mga taong dumadaan. Alam mo na, judgemental look. Wala na. Napagkamalan na akong baliw. Lecheng pusa. May mahigpit na piga ka talagang matatanggap mamaya.

"Napagkamalan ka nang baliw, Zander. Hahahaha." Tumawa ang pusa gamit ang maliit niyang boses. Kung hindi lang talaga siya cute, matagal ko na siyang pinitik.

"Hindi mo na kailangang magbayad, hijo. Binayaran na ng hijo kanina ang kinain mo. Pasalamat ka sa kanya. Makaka-alis kana."

Huh?

Yung lalaki na naunang kumain ng fishbol kanina? Eh hindi ko na siya nakita. Asan na ba yun.

"Kung sino man siya, siya ang saviour natin Zander!" tili ni Daisy.

Ewan kung nasaan siya ngayon. Whatever. How can I thank him if I don't even know his face. Nakatalikod kasi siya. Hindi ko rin nakita ang pag-alis niya dahil busy ako sa pagkikipagtalo kay Daisy.

'Daisy, alis na tayo.' Sabi ko pagkatapos kong nagpaumanhin kay manong.

Mamaya ko na proproblemahin ang ikalawang target at ang misteryosong estranghero na nagbayad ng fishbol na kinain namin ni Daisy.

Proproblemahin ko na naman ngayon kung saan ako kukuha ng ballpen. BYOB pa naman siguro. Bring your own ballpen. Kung wala kang ballpen laway mo nalang ang ipangsulat mo.

"Daisy anong oras na? Late na ako?"

"Mag-aalas diyes pa naman. Hindi pa naman late. Mamaya pang alas dos matatapos ang last day ng enrollment sa Wen International."

Naglakad kami and after 1000 years, naging roasted chicken na kami sa init-este, nakarating na kami sa tapat ng university. Stand tall ang kumikinang na pangalan ng school, WEN Valender International. Wow, ganda ah.

Haggard akong tumingin sa school. Hmm, nice and structure ng school. I could tell kahit nasa labas lang ako.

"Ito Zander oh, ballpen." sabi ni Daisy sabay abot sa akin ng isang kulay gold na ballpen.

Ayos. Wala na akong proproblemahin. "Thanks." bulong ko sabay kuha.

"Ingatan mo yan ha. Pinapahiram ko lang yan. Totoong ginto ang ink at case niyan."

Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Daisy. "Ano?! Kunin mo na nga lang toh. Wala kabang ordinaryong ballpen?" inis na sabi ko. Ibinalik ko kay Daisy ang golden ballpen.

Nakasimangot at naka-crossarms si Daisy habang masama akong tinitigan. "Wala kaming ballpen ng mga tao. Yan kasi ang pangsulat namin."

"Eh bakit may shampoo ka at body wash?"
tanong ko.

"Hygiene products lang naman ang free sa White System. You need to unlock stalls first bago ka mag-demand ng hihingiin."
sabi niya.

Ano to, mall?

"Haist. Ang dami namang kaartehan ng White System. Paano ako makakapag-exam." reklamo ko.

Napa-aray ako ng batukan ako ni Daisy. Lakas ng pusang to ah. "Masakit yun ha!"

"Gumawa ka ng paraan, tanga!" sigaw ni Daisy na muntik nang sumira sa ear drums ko.

Kailangan talaga akong gumawa ng paraan kung hindi eh laway ang gagamitin ko. All this struggles for one ballpen.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now