Chapter 3 **Make a move.**

Start from the beginning
                                    

“Eh ano yung sinasabi mong sexy? Ang sabihin mananantsing ka kasi!” Bago pa magsimula uli ang away nila ay bumalik na ko at pumagitna sa kanila.

“Kayong dalawa! Wala na talaga kayong chance na magkasundo eh 'no?” Tumahimik lang sila. Si Kath ay umirap sa amin ni DJ at bumaling sa kabilang direksyon. Si DJ naman ay wala nalang nagawa kundi sumimangot. Kawawa naman 'tong pinsan ko. Hindi marunong pagdating sa babaeng mahal niya. Ano pa bang dapat na gawin ko?

Dinala ko sila sa isang fastfood para makakain muna. Sa totoo lang ay gusto ko nang sumuko sa dalawa dahil nakakawala ng pag-asa ang mga kinikilos nila. Oo nagkakilala sila sa maling sitwasyon pero pwede naman sigurong kalimutan nalang yun 'di ba? Kung bakit naman kasi hindi nalang siya kinaibigan ni Daniel noon pa eh. Wala ibang ginawa si Daniel kundi inisin si Kath. Asarin at galitin. Yan ang expertise niya pagdating sa best friend ko. Siguro nga yun ang paraan niya para magpapansin kay Kath pero yun nalang ba ang paraan?

“Sorry sa nangyari kanina, Julia. Hindi ko na nagawang kumalma. Nakakaasar naman kasi talaga si Daniel eh. Sana naiintindihan mo ko.” hinging paumanhin ni Kath nang maiwan kaming dalawa sa table. Si Daniel ang umo-order ng pagkain.

“Mabuti naman at alam mo yung mali mo.” Matabang kong sagot sa kanya. “You’ve been like this for three years, Kath. Hindi pa ba kayo nagsasawa? Hindi na kayo mga bata.” Sinimulan ko siyang pagsabihan. Siya naman ay nakatingin sa akin at halata sa mukha ang pagsisisi.

“I don’t know Julia. We’ve met in the most humiliating way.” Sumimangot siya at parang inaalala ang unang beses na nakilala niya si Daniel.

Napangisi naman ako sa description niya nang araw na yun.

“Can’t you just forget it?” tanong ko at inintay ang kanyang sagot.

Nangalumbaba lang siya at nag-pout.

“Halos parehas lang kami ng ugali ng pinsan ko, Kath. Anong mahirap at hindi mo siya makasundo?”

 

“Hindi ko din alam. May something kay Daniel na once na makita ko siya, nag-iinit na agad ang dugo ko. I just can’t name it. Parang feeling ko kailangan kong magalit, mainis, at maasar 'pag nasa harap ko siya. It’s like I need to be like that dahil kung hindi, may masamang mangyayari.” paliwanag niya sa akin. “But I’ll try. Susubukan kong tiisin siya.”

“Gawin mo Kath. Dahil pwede yang makasira sa mga plano natin.” Bumuntong hininga ako. “Ayan na siya. Yung pinag-usapan natin, Kath ah.”

DANIEL’S POV

Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang usapan nila Kathryn at Julia kanina. Alam ni Julia na nakikinig ako sa kanila. At inaamin ako, nakaka-good mood ang narinig kong mga sinabi niya. Susubukan niyang kasunduin ako.

Oo kasalanan ko kung bakit ganyan nalang ang trato ni Kath sa akin. Sa simula pa lang ay wala na akong ginawa kundi asarin at inisin siya. Pero masisisi niyo ba ko? Kapag kaharap ko si Kath, hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Ang gusto ko lang ay matapos ang buong araw na kasama ay kausap ko siya. At mangyayari lang yun kapag inaasar ko siya at nakikipagsagutan sa akin. I just love it when she gets mad at me. Buo ang araw ko kapag nakikita ko siyang nakabusangot nang dahil sa akin. Dahil alam ko na kahit sa ganung paraan ay nagiging parte ako ng buong araw niya. Na kung wala si Daniel Padilla ay hindi exciting ang araw niya. At least yan ang gusto kong maramdaman niya.

Just for Christmas, Will You be Mine?Where stories live. Discover now