CHAPTER 3

63.1K 1.6K 114
                                    

CHAPTER 3

STORM'S POV

Hindi ko na maramdaman ang mga braso ko na nakatali sa ibabaw ng ulo ko. Iyon na ang nagdadala ng bigat ko habang hindi pa rin tumitigil ang isang lalaki sa harapan ko sa pananakit sa akin. Sa likuran ng lalaki ay nakatayo si Wyatt Claw. The man I saw in the files. Hindi siya nagsasalita at nananatiling nakamasid lamang sa akin.

I don't know how but his eyes remind me of something. Like I've seen him before aside from the piece of paper I studied. A memory buried so far that I don't know if it's even real.

"Hindi ka ba magsasalitang babae ka?!"

Matalim na tinignan ko ang lalaki sa harapan ko. Sigurado ako na isa siya sa mga tauhan ng Claw. "Hello. O, ayan tapos na-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumapo ang kamao niya sa sikmura ko. Napaigik ako at halos mawalan ng malay sa sakit na natamo ko.

"Sino ka at sino ang mga kasama mo?!"

Nanatiling tikom ang bibig ko. Kahit pa patayin nila ako wala silang maririnig sa akin. Pamilya ko ang BHOCAMP. Hindi ko sila ipapahamak dahil lang sa bagay na ito.

"Aba't hindi ka talaga magsasalita ha-"

Bago ko pa maramdaman ang suntok niya ay inawat na siya ni Wyatt Claw. "Tama na yan. Wala tayong makukuha sa kaniya."

"Pero boss-"

Napatigil siya sa kung ano man ang sasabihin niya nang tinignan siya ni Wyatt Claw. Tahimik na tumabi ang tauhan at hinayaan na ang amo niya na ngayon ay nakatingin sa akin. Matalim na tingin ang iginanti ko sa kaniya.

"I have to give it to you. Matibay ka." sabi niya at umangat ang kamay para hawakan ako pero hindi niya iyon tinuloy. "We'll see how far can you go before you actually breaks."

Binalutan ako ng kaba sa ngiti niya. Pero bago ko pa matanong kung anong ibig sabihin niya ay sinenyasan niya ang dalawa niyang tauhan na kaagad lumapit sa akin at kinalagan ako. "A-Anong gagawin niyo...bitawan niyo ako!"

Hindi sila umimik at kinaladkad ako papunta sa kung saan. Sinubukan ko na makakawala sa kanila ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin. Sa isang kisap ng mata ay naramdaman ko ang likod ko na lumapat sa isang kama.

"Pakawalan niyo ko!"

Umigkas ang kamao ko at tumama iyon sa isa niyang tauhan. Napamura ito at mabilis na ikinadena ang mga kamay ko sa headpost ng kama. Itinali din nila ang mga paa ko.

"Leave." Wyatt Claw said to them.

God, no. This can't be happening. Walang imik na lumabas ang mga tauhan ng Claw hanggang sa kami na lamang ni Wyatt Claw ang naiwan sa silid. Dahan-dahan na lumapit siya sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama na kinahihigaan ko at pagkatapos ay umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko. Kaagad na nag-iwas ako ng mukha dahilan para tumalim ang tingin niya sa akin.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa panga at inalapit ang mukha niya sa akin. "With what I have in mind to do to you, you'll be begging me to kill you."

"They will find you. P-Papatayin ka nila kapag nahanap ka nila."

Pagak na tumawa ang binata. "Sa tingin mo ba talaga natatakot ako sa pipitsugin niyong organisasyon?"

Alam niya. Alam niya ang tungkol sa BHOCAMP. That's why they can detect us. And somehow...they able to create something more. Something to stop us from getting nearer to them.

"Oo. Alam ko ang tungkol sa inyo. Alam ko din na dadating ang panahon na tutugusin ninyo kami. I was waiting for it." ngumisi ito. "Let's get started, hmm?"

BHO CAMP #3.5: The Lost Affiliate (Storm Reynolds' Novelette)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon