I cared for her. Kahit na nga nasa delikadong sitwasyon na ang lahat, hindi ko pa rin siya kayang hindian. Ayaw ko siyang iwanang mag-isang haharap sa mga problema niya. Kahit paulit-ulit niyang sinasabing I'm too young to handle her burdens pero gusto ko pa ring bahagi ako ng bawat plano niya.

Napapansin ko nang may mali sa kanya. The way she's smirking, the way how she laugh—- it's creeping me sometimes. The way how she act, the way how she think. —she's like a psycho but I know she's a good person deep inside. And I love who she is.

"Let's go Tork." yaya sa akin ng kapatid kong slow.

Tinignan ko lang siya bago lumabas ng pinto.

Minsan hinihiling ko na lang talaga na sana ako na lang ang panganay sa aming dalawa. Mas matanda pa kasi ako mag-isip kaysa sa kapatid kong ito. Sobrang hilig niya sa kpop, minsan tinatawag pa niya akong oppa.

At isa pang dahilan kung bakit gusto ko ako ang panganay dahil gusto kong magka-edad lang kami ni First. I want her to be my girlfriend and I hate the fact that we have a gap. But someone's says 'age is just a number'. Puso naman ang nagmamahal hindi ang edad.

Hinatid kami ni dad sa cloud star hotel. Tahimik lang akong nakaupo sa likod habang ang kapatid ko ay kinausap ulit si First sa phone.

Ilang minuto lang din ang dumaan ng makarating na kami sa hotel. I immediately came out from our car when I saw First waving to us. She looks okay now and it makes me feel at ease.

"Butter." nakangiting bati niya sa kapatid ko.

"Tsk.. may galis ka na naman gaga." bati ng kapatid ko sa kanya habang tinitignan ang maliliit niyang galos sa katawan. Bakit siya may sugat?

"Galis agad? Hindi ba pweding nadapa lang ako tapos nagpagulong-gulong kaya may galos? Tsk! Tabi nga Butter..—- Hi baby." baling niya naman sa akin na kahit nagtataka ako sa mga galos niya ay nginitian ko na lang din siya. Bahagya niya pang kinurot ang pisnge ko bago balingan si Dad.

"Hello po Tito Bash." magiliw niya ring bati dito.

"Hi First. Ang tagal mo naman atang umuwi ng bahay? Namimiss ka na naming kasama. Your tita Mag miss your appetite, you know. Haha." natatawang ani ni dad sa kanya.

"Hihi. Maybe someday po bibisita din po ako sa inyo." medyo nahihiya niya namang sagot dito.

"What bisita? Your one of the family First." paliwanag ni Dad sa kanya na nginitian naman niya.

"Hihi. Thank you po Tito, maybe kapag pwedi na po uuwi din po ako sa bahay. Hihi." sambit niya.

"Oh sige. Aasahan ko yan ha. —so paano ba? Ikaw na munang bahala sa kanila. Pagpasensyahan mo na si Butter kung dinala pati kuwarto niya sa dami ng dala, excited lang talaga yan. At ito namang hmmmm— baby mo.." tumawa pa si Dad bago dagdagan ang sinabi niya. "ikaw na din ang bahala." ramdam kong nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Dad pero di ko na lang pinahalata. Inakbayan pa niya ako habang natatawa lang si First na nakatingin sa amin.

"Tsk. Ano ba yan Dad.. diba nga ayaw niyang magpatawag ng baby kay Mom, bakit kay First ay sinusuportahan niyo pa?" singit ng slow kong kapatid kaya sinimangutan ko siya. Lage na lang siyang kontrabida sa buhay ko.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now