Maarte lang kasi talaga si First kaya hindi nagustuhan ang design ko non. Nagmukha daw siyang sundalo na nagtatago sa damu? Da hell? —ayaw pa niya non eh hindi siya mababaril ng kalaban kapag nagkataon.

Nakapangalumbaba ako habang tumutunog ang phone ko at ang babaeng iniisip ko ngayon ang tumatawag.

First ball.. calling..

Natatawa ako sa pangalan niya sa phone ko. Haha. Lakas niya kasi kumain ng fish ball. Tsk.. mais ba?

Corny ko ata? —pero hayaan niyo na. Maganda naman ako.

"Hello. Sino to? Ikaw ba to First? malumanay kong sambit at panloloko sa kanya. Nanghihina kasi ako dahil wala pa akong tulog.

"Hello Jelly—oo ako to ang pinakamaganda! Bumangon ka na at baka maiwan ka pa.. May camping tayo."

"Camping?" nagtataka kong tanong.

—- oo pakibilisan! Mygad ang bagal. Bye!"

Iyon lang at pinatayan na ako ng tawag. Camping? Kingena naman wala pa nga akong tulog tapos magti-training pa kami..

Napaligpit ako ng wala sa oras dahil sa First ball na iyon. Naghagilap na din ako ng gamit pang-camping dahil first time namin itong magkakasamang magbakasyon. Bigla akong na-excite kahit wala pa akong tulog.

Sana madaming mga gwapo doon. Para dagdag listahan ng mga crush ko kahit walang nagkaka-crush back. Saklap.

Tinawagan ko na kaagad si Dad upang magpaalam. Pumayag naman siya kaagad at sabihin ko muna sa kapatid kong babae bago ako umalis para alam din niya.

Kami na lang tatlo ang magkakasama sa tahanan namin dahil bata pa lang ako ay namatay na si Mama.

Namatay ito ng namasukan siyang katulong sa isang mayamang pamilya. Hindi alam ni dad kung anong dahilan ng pagkamatay ni Mama dahil isang araw inuwi na lang siya sa amin na bangkay na.

Minsan na ding tumira si First sa amin. Kilala na din siya ng kapatid ko pero hindi sila gaanong malapit sa isat-isa. Ewan ko ba doon kay Ate Sage kung bakit hindi masyadong kinikibo si First. Si dad naman ay gusto din siya. —naglalaro pa nga sila ng Chess minsan kaya siguro siya gusto ni dad. Naghahanap din kasi si dad ng makakalaro— libangan kumbaga.

—————————-

Butter pov;

Beatrice Butter Callaga— ang adik sa oppa. May human stand pala ako ni PSJ. share ko lang . Mainggit kayo please dahil araw-araw ko siyang nahahalikan. Hihi swerte ko no? #feelingblessed ..

Nagtataka ako sa kapatid kong snob dahil ang aga-aga aligaga na at kaagad hinahanap ang mga magulang namin.

"Where's mom and dad?" masungit pang tanong niya sa akin . "Ah— forget it! Hahanapin ko na lang. — tsk! Your too slow." dagdag niya pa. Aba't hanep to ah, kunyatan ko kaya to. Hindi man lang ako pinagsalita.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa sala at pati sa kusina ay naghanap siya. Nang hindi niya talaga mahanap ay bumalik ulit siya sa akin.

"Nasa likod. Nagtatanim si mom ng bulaklak at tinutulungan ni dad." sagot ko. Kung kasi pinasagot niya ako kanina sa tanong niya ay hindi na siya nagpagod pa.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon