"Kung ano man ang mga nangyari during your pre birth, hindi mo kasalanan yun. But what you're going to do next is your responsibility na" tinignan niya lang ako at payak na ngumiti. Umakbay ako sa kanya and kissed the top of his head.

"Wag mo kong iiwan huh?" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinignan ako sa paraan na parang nakikiusap. And based on the look in his eyes, I know he's hurting.

Sa totoo lang, madami din naglalarong tanong sa isip ko simula nung sinabi niya sakin na hindi siya totoong Lusterio that I sometimes think that my brain is going to explode. It's just really odd na isipin kung paanong nangyari yun samantalang magkasabay kaming pinanganak. Nitong nakaraan, pasimple akong nagtatanong kay mama kung paano niya ako ipinagbuntis nun at kung nakakasama niya si Mrs, Lusterio. Ang sabi niya, may mga okasyon daw na sabay silang kumakain at nagkukwentuhan.

Siguro naman hindi finake ni Mrs. Lusterio ang pagbubuntis niya di ba? Yung tipong nangyayari sa teleserye na gagamit yung babae ng foam na ilalagay sa tyan para lumaki ang tyan.

Pero ano nga kaya ang nangyari nung gabing yun? O sige, sabihin na nating finake niya nga ang pagbubuntis. Saan nakuha si Derick? Paano naman kung nanganak talaga siya nun? Nasaan na yung bata at bakit pinalitan siya?

I sighed heavily and with all my might I looked at him with so much love. Though hindi naman na ako nahirapan dahil totoo namang mahal na mahal ko siya "Hindi kita iiwan hangga't wala akong dahilan. Mahal na mahal kita. Okay?"

Is there any way na kahit paano tanggalin yung sakit na nararamdaman niya? Kung meron man, willing akong kunin lahat ng yun wag lang siyang magkaganito. I am sometimes scared that one of these days I will lose him. Simula kasi nung nalaman niya yun, madalas na siyang wala sa sarili.

Wala talagang pumasok na professor samin sa English kaya hindi pa man nauubos ang oras, lumabas na kami dahil saktong vacant na namin. Magkaklase pa din naman kami ni Derick sa susunod na subject kaya sabay kaming kumakain. Ganito ang set up namin kapag monday and wednesday. Kapag tuesday and friday naman kasi sa morning lang kami magkaklase sabay alanganing oras pa.

"Where do you want to eat?" tanong niya sakin while we're walking hand in hand. Sa totoo lang bawal nga tong ginagawa namin eh pero malakas ang loob ni Derick dahil stock holder ang lolo niya dito

"Ikaw ang bahala"

"Walang kainan na ganun ang pangalan, babe" bago ko pa man siya nahampas nakailag na siya. We just laughed at nakisabay na ulit sa mga estudyate na katulad namin na bababa din.

Napahinto kami nung parang may commotion sa hagdanan. May pinapalibutan yung mga tao

"Anong nangyayari?" I asked no one particular. Since may katangkaran naman si Derick tumingkayad lang siya ng kaunti para makita kung anong nangyayari. Then he smiled

"May nagliligawan. Tara, let's use the other stairs" umalis na kami at pumunta doon sa kabilang way para doon bumaba. Surprisingly, kung gaano kadami ang tao doon sa kabila dito naman wala.

Nasa third floor na kami nung bigla na lang niya akong hatakin "Uy, saan pa tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Akala ko pa magc CR pa siya pero nilagpasan namin ang men's room

"Babe, saan tayo pupunta?"

"Teka nga"

He pushed a door open at pumasok kami sa isang classroom na madilim. Tatanungin ko pa lang sana kung anong gagawin namin dito when he pinned me to the wall at halikan

"Babe.." I murmured to his lips pero hindi pa din siya humihinto. He just gave me a moan.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil baka may bigla na lang pumasok dito but then nato torn din ako dahil ayokong huminto. Kissing him is also losing my senses. Yung pakiramdam na para bang nagsh shut down ang utak ko at wala na akong pakiilam kung mahuhuli ba kami o hindi.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora